Riley's POV
Kanina pa ako pabalik-balik sa labas ng ER. Mabuti na lang naisugod namin siya kaagad ng Assistant niya rito. Ang dami niya pang sinasabi pero hindi ko kaya na marinig ang mga 'yun sa ganiting kalagayan niya. Naniniwala ako sa bawat salita niya, kapag gigising na ito sana naman ay sasabihin niya na ang lahat sa akin. Makikinig naman ako, alam kong may rason siya kung bakit niya ginawa 'yun, hindi siya papatay na walang rason. He's right, I knew him.
Napatigil ako ng may lalaking nakahood ang huminto sa harapan ko. Taas noo ko siyang tinapunan ng tingin ngunit, sino naman kaya ang taong 'to? Aware ba siya na kaharap niya ako at nakatingin ako sa kanya?
Dahan-dahan niyang inangat ang ulo. Nanlaki ang aking mga mata at umatras. Nakita niya naman ang reaksyon ko, sumilay ang malademonyong ngisi sa labi niya. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?!
"Anong ginagawa mo dito?!"
"So, the news was right? Na ospital si Kiefer dahil sa'yo? You shot him. Aware ka bang makulong, Ms. Ladeo?" anong pinupunto ng lalaking 'to? Anong Kailangan niya na naman sa akin?
"Bakit naman ako makukulong? Aware ka rin bang bawal ang mga basura dito?" mariing tanong ko. Naapektuhan ako sa sinabi niya pero sinawalang bahala ko 'yun. Ang lalaking kaharap ko ngayon ay walang iba kundi 'yong lalaking ninja na kaharap ko noon sa parking lot.
"Don't make me laugh, Riley. Gusto mong patayin si Kiefer. Bakit hindi mo tinuloy? Sayang bawas na sana 'yon sa kakalabanin ko. Napaka-hina mo naman." Humalakhak siya ng malakas dahilan nang paglingon ng mga nurse sa kanya. Nagtataka ang mga mukha sa baliw na 'to.
"Shut the fvck up! What do you want?" isa siya sa mga taong kalaban ni Kiefer. Kalaban niya ay kalaban ko na rin, If this guy cross my line. I will not hesitate shooting him in his head. Hinaplos ko ang baril na nasa likuran ko, kapag ito magmamatigas!
"Warning ito para kay Montefalco. Hindi kami titigil hanggat hindi siya nagpapakita sa amin. Limang bilyon lang naman 'yung hinihingi namin bakit hindi niya mai..."
Mabilis kong nilabas ang baril sabay tulak sa kanya sa tagong pader. Tinutok ang baril sa noo niya habang igting ang aking panga. Hindi man lang siya nagulat sa ginawa ko, sa halip ay ngumisi siya.
"Bilyon ang hinihingi mo! Gago ka ba! Hindi pera ang punterya niyo sa kanya. Buhay niya!"
"Tompak ka riyan!" humalakhak siya at sa isang iglap nagbago na naman ang kanyang expresyon. Tinulak niya ako nang napakalakas, hindi ko inaasahan 'yun dahil nakapukos ang atensyon ko sa halakhak niya.
"Kailangan naman talaga ni Kiefer na mamatay para mananahimik na kami. Pinatay niya ang mga kasamahan namin kaya buhay niya rin ang kapalit."
Lumuhod siya paharap sa akin. Seryoso na ang mukha niya ngayon, hinihintay ko na may gagawin siya ngunit wala, pinagmasdan niya lang ako ng ilang oras hanggang sa nag-sawa siya at tinapik ang pisngi ko.
"Kaibigan mong traydor ang papahamak sa'yo."
***
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ng ninja na 'yon. Sino ba siya para bantaan ako ng ganu'n? Kung meron mang tatraydor sa akin at sa mga kaibigan ko pa? Siguradong si Carmel na 'yon. Pero paano kung hindi? What if hindi siya? Tinraydor niya lang naman ako noon para harapin ko na nang tuluyan si Kiefer. If she didn't do that hindi kami hahantong sa ganito.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Tumayo ako sa kinauupuan ko para kausapin 'yong doctor na kalalabas lang. Ngumiti siya sa akin kayat gumaan ang pakiramdam ko.
"He's okay. Bukas ay ililipat na namin siya sa private room niya. We already removed the two bullets." Ngayon ay nabigla parin ako, naguluhan pa rin. Paanong naging dalawa 'yun? Sino naman kaya ang isang bumaril sa kanya? Bakit hindi ko napansin.
![](https://img.wattpad.com/cover/216326109-288-k853201.jpg)
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionNang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan niya kaagad si Kiefer upang ipaalam na nakabuo sila at kailangan niya itong panagutan. Subalit, parang gumuho ang mundo ni Riley nang sabihin nitong hindi niya pananagutan ang bata. Pinalay...