Riley's POV
Napakasakit parin pala. Para akong tinataboy ulit, pero 'yun naman ang gusto ko 'diba? Ang lalayo sa lalaking 'yon at mamuhay kami ng anak ko ng payapa pero bakit ang sakit. Bakit nahihirapan akong huminga sa tuwing naalala ko 'yung sagutan namin kahapon sa mansyon niya. Alam kong kating-kati na siyang patayin ako but since Peyton was there hindi niya ginawa. Pumikit ako ng mariin, hinarap ko si Carmela. Ngayon nasa mansyon niya kami ngayon, kaaalis lang ng kanyang kapatid dahil may pasok pa daw ito, wala na akong ibang mapupuntahan maliban sa mga kaibigan ko.
"Saan ka ba galing? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko noon?" inis na tanong ko habang sinamaan siya ng tingin. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya, 'yun pala andito lang siya sa mansiyon nila at nag-papasarap.
"Naging busy ako, alam mo na at nagpa-check na din ako sa doktor kung babalik pa ba ang memorya ko at sa kasamaang palad babalik na daw ito."
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Good for her, babalik na ang kanyang memorya at masaya ako sa para kanya, hindi ko lang alam kung alin ba ang totoo sa pagkawala niya ng memorya pero wala talagang siyang maalala nang tanungin namin siya kung anong nangyari sa kanya noon sa Korea. But now? I guess babalik na 'yun.
Bumaba kami ni Carmela papuntang kusina, hinayaan ko munang magpahinga si Peyton sa kwarto niya. Alam kong pagod na pagod ang batang iyon dahil sa nangyari. Subalit hindi niya inabala ang nangyari, mukhang kinalimutan niya na nga iyon kahit kahapon lang 'yun.
Bumuntong hininga ako.
"Alam mo na bang may tatlong congressman'g namatay kahapon sa board meeting ng mga opisyal?" Kumurap ako ng dalawang beses. Ano daw? Tatlo ang namatay kahapon?
"Oo, duguan ang katawan nila sa mesa, hindi matukoy kung sino ang gumawa dahil sobrang misteryoso ito." Tila walang ganang balita ni Carmela pero para sa akin malaking balita ito. Baka si Kiefer ang pumatay sa kanila. Oh gad! Hanggang kailan ba ito gagawin ni Kiefer? Kailan mananahimik ang gagong iyon sa gawain niya.
"Grabe naman kung ganu'n. Matataas pa sa posisyon ah." Kunware ay nakiusisa din ako. Kailangan ko ng ibang impormasyon, kilalanin ko ang tatlong ito. Alamin ko ang mga buhay nila.
"Naku! Tama ka dyan! Ewan ko bakit sunod-sunod 'yang mga pagpatay na 'yan dito at ang target mga mayayaman at mataas ang posisyon, may inggit siguro ang gumawa non."
Hindi na ako sumagot kay Carmela. Pagkatapos naming kumain, dumeresto ako sa kwarto namin ni Peyton. Binuksan ko ang laptop ko at naghanap ng ibang impormasyon. Totoo ngang pinatay ang tatlong congressman na 'yon kahapon sa meeting, hindi nila alam kung sino ang may gawa, kung sino ang pumatay. Posible kayang si Kiefer ang may gawa?
Shit! Bakit pa ako magtataka. Mamamatay tao ang lalaking 'yon. Hindi dapat ako magdududa sa pagkatao niya. Kahit mansyon niya sumisigaw na mamamatay tao nga talaga siya. May pinatay naman ako pero mga kalaban ko 'yun hindi mga nasa matataas na posisyon at walang kasalanan. Ano kaya ang motibo ni Kiefer bakit niya pinapatay ang mga taong ito? Anong kailangan niya.
Umalis ako sa harapan ng laptop ko. Kinuha ko ang cellphone ko at akma na sanang bubuksan ang call logs nang may napansin akong isang unknown text sa message ko. Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat.
"Pasensya sa istorbo, lasing na lasing si Montefalco at napaaway pa, kung sino ka mang nakatanggap ng mensahe ko please lang po lasing na po ang taong 'to, at ikaw lang ang nasa phone number niya. Takot na takot kami baka patayin niya kaming lahat dito."
Kumunot ang noo ko. Sino ang taong 'to? Lolokohin na naman nila ako? Tatakutin at ano? Ikukulong na naman nila tapos gagawa na naman ako ng plano para makalabas tapos....
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...