Riley's POV
Pagkauwi namin sa mansyon ni Kiefer, wala kaming imikang dalawa. Hindi ako nagsalita ganu'n din siya, ni sulyapan lang ng kaunti ay hindi niya ginawa. Nauna siyang pumasok sa mansyon habang ako naman ay nakayukong nakasunod sa kanya. Sinalubong siya ni Manang Minda habang may ngiti sa labi pero umirap lamang si Kiefer at hinanap si Peyton.
"Where's Peyton?" tanong nito sa malalim na boses.
"Nasa itaas po Sir natutulog na." Sagot ni Manang sa mababang tono. Tumango si Kiefer at nagpatuloy nang humakbang papuntang second floor. Bumuntong hininga ako, dumeresto ako sa kwarto ko. Nilapag ko sa lamesa 'yung bag ko na naglalaman ng iba't-ibang uri ng mga baril.
Pumasok ako sa banyo, hinubad ko lahat ang saplot ko sa katawan at lumusong sa tub. Pinikit ko ng mariin ang mata ko, sumagi sa isip ko 'yung sagutan namin ni Kiefer kanina, kung paano niya ako pagalitan at sumbatan.
Palagi ko na lang siyang ginagalit. Palagi ko na lang siyang sinasaway. Sa mga oras na ito alam kong galit na galit na siya, paano ba naman kasi sinabi niya sa akin na siya ang killer, siya ang pumatay sa mga taong iyon. Pero bakit? Bakit hindi man lang siya nagdadalawang isip na aminin 'yun sa akin. Hindi ba't delikado 'yun para sa kanya dahil may nakakaalam na sa ginawa niya?
Argh! Sinabunutan ko ang buhok ko. Letche ka naman kasi, Riley! Ang gaga gaga mo talaga, ngayon ano na lang ang mukhang ihaharap ko kay Kiefer? All this time buhay niya ang pinakikialaman ko. Fvcking shit.
Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong maglinis ng katawan. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinawagan si Alfonso, hindi ko muna kokontakin si Queenie dahil isa rin 'yon. Gusto niya na ako pabalikin sa US. Paano naman ang kaligayahan ng anak ko dito? I can't leave him here. Mapagkatiwalaan naman si Kiefer pero ayokong masangkot ang anak ko sa mga pinangagawa niya. Ayaw kong makita mismo ng anak niya kung anong klaseng tao siya.
"Riley! O M G! Napatawag ka? How's my little Peyton, Riley? Na meet niya ba ang Daddy niya?"
"Alfonso, busy ka ba ngayon?" malalim na tanong ko. Rinig ko namang humalakhak siya sa kabilang linya.
"Naku, girl! Hindi noh! Pero bukas may flight ako papuntang Philippines! Susunduin ko lang 'yong model ko dyan, siguro mananatili ako ng mga one week! And I want to see Peyton too and of course his Dad. Gwapo siguro ang Daddy, noh? Ay teka, nagkita na ba sila?"
Napasapo na ako sa noo ko. Ang daldal talaga ng baklang ito, and ano daw? Pupunta siya dito? Omygash! Namimiss ko na ang baklang 'to. Imposibleng hindi niya nalaman 'yung dating issue noon kay Peyton.
"Really? Kita tayo bukas!" Masayang sagot ko. Iniwasan ko ang tanong niyang nagkita na ba sila ng ama ni Peyton.
"Sige! Sa Roswell Company tayo magkikita, du'n ko kukunin ang model ko! Sige bye!"
Agad niya nang pinatay ang tawag, habang ako naman napaisip, kakayanin ko bang bumalik na naman sa kompanyang 'yun? Imposibleng wala roon ang mga kaibigan ko at mas lalong imposibleng wala doon si Archea, lahat na mga nakasalamuha ko noon ay nagta-trabaho sa kompanyang 'yun. Even my Dad and my Mom, partner nila ang Roswell sa negosyo. I can't face them. Wala akong planong magpakita sa kanila, pero paano si Alfonso? Damn it.
Nilapag ko sa kama ang cellphone ko. Tinago ko sa ilalim ng kama 'yung bag na may mga lamang baril, mabuti naman hindi ito napansin ni Kiefer kanina.
Lumabas ako ng kwarto. Nadatnan ko pa si Manang Minda, kakagaling lang nito sa kwarto ni Kiefer, tumikhim ako para agawin 'yung atensyon niya. Yumuko naman siya nang makita ako.
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...