Riley's POV
Nagmamadaling pumasok si Kiefer sa kanyang kompanya pagkarating namin, ni hindi niya na kami pinansin. Mukhang importante nga itong kakausapin niya at mukhang may hinala ako na kilala ko ang kausap nito. Hinarap ko si Peyton, tumingin ako sa gawi ni Alfonso, kasabay namin itong lumuwas kanina. Mabuti na lang sumama ang isang 'to. Nilapit ko sa kanya ang anak ko, bakas naman sa mukha nito ang pagtataka subalit sinawalang bahala ko iyon. Tinanggap niya ang kamay ni Peyton at mas lalong pinalapit sa kanya.
"Please, take him away from here. Huwag mong hahayaan na may makakita sa kanya, Alfonso. Tatawag lamang ako sa'yo kung saan tayo magkikita." Seryoso kong sabi sa kanya ngunit kumunot lamang ang kanyang noo. Naguguluhan.
"What's the meaning of this, Riley? Saan naman kami tutuloy, aber? At bakit mukhang kang nakakita ng multo diyan?" irap na tanong niya.
"Just listen to me, okay! Take my son with you! Ilayo mo s'ya rito. Huwag na huwag mo siyang ibibigay sa kahit kanino, Alfonso. Maawa ka sa akin. I trust you!" Hinalikan ko si Peyton sa noo. "Son, listen to your Daddy Alfonso,bokay? You need to hide. Bumalik na naman 'yung mga kalaban ni Mommy. Ikaw na bahala sa pagtatago ha? I love you, baby."
Pagkatapos kong mag-paalam, nilabas ko sa bag ko ang pistol. Pumasok ako sa kompanya ni Kiefer habang mariing nakatingin sa mga mamahaling sasakyan. Hindi ako nagkakamali, sasakyan 'yon nila Queenie. Arghh shit. Ano na naman kayang kagagahan ang gagawin ng babaeng 'yon. Ngayo'y hawak na nila ang pangalan ni Kiefer, hindi nila palalampasin ito.
Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kompanya, bumungad sa akin ang mga taong nagtatakbuhan palabas ng kompanya ni Kiefer, umiiyak sila na tila wala ng katapusan. Habang 'yung iba naman ay nakatulala sa harapan. Ganu'n na lang din ang gulat ko nang makitang nakatutok na sa noo ni Queenie ang nguso ng baril ni Kiefer.
Shit.
Wala na namang emosyon 'yong mukha niya, kita ko ang panginginig ng kamay ni Queenie habang si Aldie naman ay nakahandusay sa sahig at duguan ang kanyang katawan. Bigla akong napaatras, sigurado akong patay na siya, hindi na siya humihinga.
Hindi ako makapaniwala na totohanin ni Kiefer ito. Bakit nagpadalos-dalos kayong dalawa! Wala kayong mga utak! Hindi niyo kilala ang taong nasa harapan ninyo.
Hindi ako napansin ni Kiefer. Dahan-dahan akong lumapit para mas lalong makita 'yung buong kaganapan. Maraming mga tauhang nakahandusay sa sahig, kilala ko ito, mga tauhan ito ni Kiefer. Inubos nina Aldie at Queenie ito?
"You're a monster, Montefalco! Ma-mamatay tao ka!" sigaw ni Queenie sa harapan ni Kiefer. Bakas din ang takot sa kanyang mukha. I want to save her, but hindi ko man lang maigalaw ang paa ko papalapit sa kanya. Hanggang dito lang sa likuran nila ang kaya ko.
"Look what you've done to my people. You killed them, bitch! You're referring to yourself! Don't make me laugh, woman." Walang ganang sagot ni Kiefer kay Queenie.
"Isa kang Montefalco! Ma-mamatay tao ka! Pinatay mo ang mga kasamahan namin! May plano ka pang ubusin kami sa organisasyon!" Natigilan ako roon. Hindi parin ako gumalaw, nakikinig lamang ako sa mga binibitawan nilang salita. Baka dahil dito magkaroon ako ng ideya.
"Watch your words, bitch. You don't know me, so stop accusing me of something! Or else I'm going to end your life here!"
"Sure! Patayin mo ako! Hindi naman ako nagdududa na ikaw talaga ang mamatay tao. Behind that freaking angelic face, there's a demon inside you!" gigil na sigaw ni Queenie at sinipa niya ang baril ni Kiefer pero hindi siya hinayaan ni Kiefer na makatakas. Sinipa niya si Queenie sa likod kayat napadapa ito at napunta sa akin ang kanyang mukha. Inangat niya nang dahan-dahan ang mukha, nanlaki kaagad ang kanyang mga mata nang makita ako.
"Riley..." bulong niya pero sapat na para marinig ko. Tumingin ako kay Kiefer na ngayong nasa ulo na ni Queenie ang paa niya. Dumaing si Queenie dulot ng sakit.
"Listen to me, Riley! This beast is manipulating you! Kayong dalawa ng anak mo! Lumayas na kayo sa poder niya!"
"Shut the fvck up!" galit na sigaw ni Kiefer sa kanya tsaka kinalabit ang gatilyo ng baril.
Tila naging blanko ang aking paningin. Umiwas ako tingin sa kanilang dalawa at ginala ang tingin sa buong paligid. May mga pulis nang nakaabang sa labas ng kompanya, ngunit kalmado lamang si Kiefer. Hindi ko mabasa ang nilalaman ng kanyang isip.
Ayos lang ba sa kanya 'to? Hindi ba siya natatakot?
"Mamamatay tao k..."
BANG!
"That's what we called."MAMAMATAY TAO, BITCH." Yumuko ako. Nagmamakaawa 'yong mga mata ni Queenie sa akin ngunit huli na ang lahat. Patay na si Queenie at Aldie. Nasaksihan ko iyon.
Kiefer did killed them, walang awa itong pumatay. Paano kung kalaban ko nga siya? Papaano ko haharapin ang isang Montefalco? Sa nasaksihan ko ngayon, wala siyang pakialam sa dugo ng mga tao. Kapag gusto ka niyang patayin, gagawin niya. Papatayin ka niya na walang awa.
"Sir, anong gagawin natin sa mga pulis na nasa labas? Nag-aabang na sila." Basag ng kanyang Assistant.
"Paalisin mo sila. Kapag hindi umalis sabihin mo at uubusin ko sila."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, saglit niya lamang akong tinapunan ng tingin. Tumango sa kanya ang kanyang Assistant tsaka sinunod ang utos ni Kiefer.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga, nilingon ko 'yung mga pulis na nag-aabang. Binalik ko muli kay Kiefer ang tingin, akala ko ay tuluyan na itong umalis ngunit hindi pa pala. Umatras ako sa paraan nitong tumitig. Nakakatakot siya ngayon, para siyang isang lobo na handa nang lumusob at kainin ako.
Anong klaseng tao ka ba kasi, Kiefer? Bakit andaming taong gustong pumatay sa'yo?
"They deserved to die." Nagpakawala siya ng hininga. Hinayaan niyang lumandas pababa 'yung baril galing
sa kanyang kamay hanggang sa nagsanhi ito ng malakas na ingay sa sahig.Humalakhak ng malademonyo si Kiefer bago ako nilingong muli.
"The answer is yes, Riley. You found your enemy, and yes, it was me."
Nangatog ang tuhod ko dahil sa sinabi niya. Umatras ako ng dahan-dahan at mahigpit na hinawakan ang baril. Napansin niya naman iyon kayat tumawa na naman siya. Nakakakilabot ang tawang iyon, nakakatakot.
"Wh...What? What the hell is this, Kiefer?" naguguluhan kong tanong. Ngumisi siyang muli sa akin. Hindi na siya 'yong taong gusto ko, umiba na ang ugali niya. Ibang-iba na.
Bakit, Kiefer? Bakit?
"You found the last piece, Riley. And it's time for you to decide what is right."
"Kill me, that's the only way. But I won't let you hurt me; I'll fight, baby. I'll fight as I told you before."
You foolish.
You make me believe in you! You created a trap. And now I'm doomed.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...