Riley's POV
"We can help you, Riley. Why change it now? Don't tell me? You take those words seriously?" irap na tanong ni Alex habang mariing nakatitig sa akin. Hawak na hawak ko na ang dalawang maleta ngayon sa kamay and we're about to leave, but Alex and Penelope stopped me.
"Get out of my way, Alex. We need to hurry now. Someone's expecting us to come." giit ko pa tsaka ko pinagmasdan si Peyton na walang alam sa anumang pinagbabangayan namin ngayon ng mga kaibigan ko. I don't want my son to feel this kind of life. I don't want to ruin his future.
"Sorry sa nasabi ko kahapon. I know na mahal mo ang anak mo and you will do everything for him, I didn't mean to say those things to you. I'm really sorry, Riley, please don't go, you need us," ngayon naman ay si Penelope na ang nagsasalita habang nagmamakaawa pa 'yung titig niya. Umiwas ako ng tingin. Bumuntong hininga ako tsaka pinikit ng mariin ang mga mata ko.
"Mali ang iniisip ninyo. I want to be alone with my son. Sana'y maintindihan niyo 'yon, babalik naman ako rito kapag buo na ang plano ko." panigurado ko at dahan-dahan nang humakbang pababa para makalabas na kami sa mansyon nina Penelope. Pilit parin akong pinipigilan nina Alex pero winaksi ko ang mga kamay nila, iniiwasan ko din 'yung mga salitang binibitawan nila baka bibigay na naman ako nito at hindi kami makaalis.
"Riley! Think about your son! Hindi mo siya mapro-protektahan na ikaw lang. Nagawa ko na ito noon! Don't make this hard for the both of us, we are helping you out, but you are so stubborn to handle." iritadong sambit ni Penelope taaka ito nag walk out, si Alex naman umiling ng paulit-ulit sa akin. Pero buo na ang desisyon ko, we are going to move out.
"Riley, nakakabuti ito sa anak mo." bulong ni Alex. Nilagpasan ko lang siya. Hinila ko na ang anak ko at pinasok siya sa sasakyan na pagmamay-ari ko. Buti na lang at buhay pa ang kotse kong ito. Nilagay ko na sa likuran 'yung bagahe namin. Si Peyton naman nasa loob na at mukhang inaantok pa yata, ni hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na mag-paalam lang sa mga anak ng kaibigan ko. I sighed deeply, tumingala ako kina Alex. Kakalabas lang ni Sendrix at ni Zain, bagong ligo ang dalawa pero bakas sa mukha nila ang blankong emosyon. Alam kong pati rin sila ayaw ang desisyon kong ito, lalo na't ka batch ni Sendrix si Kiefer sa mga negosyo at may tatlo pang lalaki silang kasama sa society. Hindi ko talaga masikmura 'yang mga mayayaman. Tumataas presyon ko sa kanila, mayaman naman kami pero hindi kami inuulanan ng pera, at pinaghirapan namin ang perang iyon. Pero bakit sa kanila? Alam ko namang naghihirap din sila pero sobra-sobra ang pera nila.
Kiefer Stan Montefalco is a Heartless, ruthless fvcking billionaire! He can even buy you using his own money. He can take you down using his power, he's a fvcking Mafia boss after all. Walang awang mamamatay tao, kahit ano namang skandalo ko sa media wala paring epekto dahil binabayaran niya ang media. Damn billionaire!
Suminghap ako. "I'll be back, don't worry." sabi ko. Pumasok na ako sa kotse at sinimulan ko na itong paandarin habang 'yung mga mata ng mga kasama ko ay nakatuon sa kotseng sinasakyan ko. Hindi na ako magugulat kung may device na nakakonek sa kotse ko, bahala na sila sa gagawin nila.
"Mommy, why are we leaving?" tanong ni Peyton sa matinis na boses. Palinga-linga ito sa tinatahak naming daan.
"Babalik naman tayo duon. For now? Hahanap muna tayo ng sarili nating matitirhan, okay?" kumbinsi ko sa kanya. Wala rin naman akong planong dumeresto sa mansyon namin dahil paniguradong makikita ko na naman 'yung mga mukha ng nanay at tatay ko.
"Don't you have a house here, mommy? How about daddy? Is he going here?"
"Baby, hihintayin na lang nating dumating si daddy, okay? We will contact him kapag nakahanap na tayo ng pansamantalang matitirhan."
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...