Carmela's POV
Kahit kailan talaga napakatigas ng ulo ng babaeng 'yon! Alam ko namang malakas siya. Kaya niyang pumatay ng tao este kaya niyang protektahan 'yung anak niya, kaya lang hindi naman sa lahat ng bagay kaya niya lahat 'yun. Mag isa lang siya, marami ang kalaban. Palibhasa kasi gusto niyang maging independent, gusto niyang akuin lahat ng problema. Kaya heto siya ngayon? Takbo at pagtatago na lang ang tanging plano niya. Wala rin naman siyang mga tauhan dito, nasa US lahat. Shuta talaga.
Bumuntong hininga ako tsaka nilabas ang cellphone mula aking bulsa upang tawagan ang kompanya ni Mr. Montefalco. May trabaho nga sana ako ngayon pero dahil sa balitang kumalat na parang piste, ito ako ngayon tinutulungan siya. Wala namang kwenta.
Walang sumagot sa tawag ko kaya naman tinigil ko na. Papasok na sana ako sa loob ng condo ni Riley nang may napansin akong mamahaling sasakyang pumarada sa parking space. Kumunot ang noo ko kasabay nito ang pagsulputan ng mga taong may malalaking pangangatawan. Ang isang gwardiya ay kinausap 'yung Manager, habang 'yung iba naman ay nakatunganga lang.
Umawang ang labi ko kasabay nito ang lalaking lumabas mula sa kotse. Sa pagkakataon na ito nalaglag ang panga ko. Wala sa akin ang atensyon, nasa papalayong kotse nina Riley ang tingin niya. Hindi kaya'y alam niya na? Pero paano?
"Riley Sariah Ladeo." mahinang bulong ng babaeng staff. Pinandilitan ko siya ng mata ngunit tumingin si Mr. Montefalco kaya't nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Shit! Tumatayo ang balahibo ko dahil sa presensya niya.
"Ka-kaalis lang po nila Sir, eh hindi niyo po naabutan." tila nawalan ako ng dugo nang tuluyan na ngang sinabi ng babae ang gustong marinig ni Kiefer.
"Sila? Who's with her?" Kunot noong tanong ni Mr. Montefalco, habang ako naman gusto nang tumakbo. Makalayo lang sa lalaking 'to. Jusko! Pinag pawisan ako.
"H..Hey, Miss! Kukunin ko lang 'yung gamit ko sa itaas. Aalis na kasi ako." pekeng ngiti ang ginawad ko. Tumango naman ang babae pero bakas sa mukha niya ang kaba at takot. Malamang kaharap niya si Mr. Montefalco. Sinong hindi matatakot, aber? Mukha ngang maiihi na ako sa kinatatayuan ko ngayon. Gusto kong umalis!
"Sinabi ko bang aalis ka?" malamig na tanong ni Kiefer. Umikot ang mata ko. Ako ba kausap niya?
"Saan dadalhin ni Riley ang anak ko, Ms. Bleserion?" matigas at buong sambit nito. Pumikit ako ng mariin, kinakalma ang sarili, baka bigla akong mahimatay sa kaba.
Hinarap ko siya. Napalunok kaagad nang makita ang buong mukha niya. Walang emosyon, nakakatakot. Madilim ang mga mata na tila ba nagsasabi na isang pagkakamali, patay kaagad.
"I-I dont know! She didn't tell me!" tangina. Tumama ang mata ko sa kanyang dalawang mata. Isang pagkakamali iyon dahil mas lalong bumalot ang kaba sa aking dibdib.
"I hate liars. Take her, igapos."
"What?! No!"
Mabilis akong umangal, pilit inaabot ang kamay ng babae ngunit isang malakas na putok ng baril ang namayani sa buong lugar na nagsanhi ng pagkagulat ko. Nakita kong nanginginig na rin 'yong babae sa takot. Umiiwas sa mga tauhan ni Kiefer Montefalco. Damn it!
Nagkagulo na!
"Huwag kayong lumapit sa akin!" sigaw ko at umatras para ambang tatakbo na sana ngunit nahuli niya ako. Ginapos ang dalawang kamay ko. Ugh!
"Ano ba! Pakawalan niyo ko!"
"I'll set you free if you tell me the truth!"
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang sarap niyang duraan sa mukha!
"Tama ang desisyon ni Riley na layuan ka!"
Hinuli niya ang panga ko. Isang demonyong ngisi ang sumilay sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...