Chapter 37

21.5K 368 3
                                    

Riley's POV

Masakit ang panga at pisnge ko. Ramdam na ramdam ko ang pag tulo ng dugo galing sa mukha ko pababa sa leeg ko. Hindi ako makagalaw dahil nakapagpos ang paa ko sa upuan ganu'n din ang kamay ko. Ang nagsisilbing ilaw lamang sa loob ng kwartong ito ay isang kandila, sobrang tahimik pa, nakakatakot at ang baho pa. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko man lang magawa dahil sa panyong nakatakip sa bibig ko.

Wala akong kasama rito. Pinakiramdaman ko lamang ang buong paligid, hindi naman ako nababahala sa sarili ko, ang inaalala ko lang ay si Kiefer at si Peyton. I know Kiefer can protect our son but what if mahuhuli din sila? Paano na? Wala akong mga tauhan sa mansyon. Fvck this! Kapag ako talaga makawala sa upuang ito malilintikan talaga sila sa akin.

"Finally, the princess is now awake. How's your sleep, bitch?" tanong ng isang lalaking humahakbang papalapit sa akin.

I can't see his face because of the darkness. All I can see is his damn built. Who the hell is this?

I didn't respond. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Wala rin namang silbi kong magsasalita ako, I can't speak! Argh. Wala na bang imamalas 'tong buhay ko?

"It's been a long time, Riley. You don't miss me?" nakangisi niyang tanong hanggang sa nagpakita na ito mula sa dilim.

Kumunot ang noo ko, hindi ko siya kilala, ngayon ko lang nakita ang lalaking 'to. Pilit kong inaalala kung saan ko ba siya nakita or nakilala but fvck! Walang lumalabas sa utak ko.

"You're wondering about me? Well it's been years since we last met. I assumed that you didn't know me."

Dahan-dahan siyang yumuko, pinantay niya ang mukha niya sa akin. Gusto kong umatras, gusto kong makawala. Ngunit papano? Anong balak ng lalaking 'to sa akin? Ni hindi ko nga kilala 'to.

Kilala ko ang mga kalaban ko, wala sa listahan ko ang isang 'to. But I'm curious about his appearance, he did know me, but I don't. Who the hell is he? Parang may something siya, it looks like...damn, it, Riley. Get a rip! You need to get out of here! Baka isa lang siya sa mga tauhan ng kalaban mo.

"Wala akong planong sabihin kung sino ako. I want you to find out who I am. Get up! We need to play, Riley. You hide and I seek." Ngumisi na naman siya nang malademonyo.

Tinaas niya ang kamay niya na parang may tinatawag mula sa likuran.

"Take off those ropes! Buhusan ng tubig at ipasok sa maze." Utos niya. Maya-maya pa ay may dalawang taong lumapit sa akin.

Kumalabog ng malakas ang dibdib ko, kinakabahan ako.

"Stop this already, Rashid. She's your sister for goddamn's sake!" galit na sigaw ni—mariin kong pinagmasdan ang nagsalita. Ganu'n na lamang ang gulat ko nang makilala ko ang daddy ko na kinakausap itong si Rashid. And what did he say? I am his sister?

"I don't have a sister, dad. Look at her...she betrayed us. My sister won't do this to us! So, she isn't my bullshit sister!" galit na sigaw ng lalaki ngunit sinampal siya ng isang babae. And that's my Mother. Naguguluhan ako, bakit may kapatid ako? Bakit nila ginagawa sa akin 'to? Sila din ba ang kalaban ko? Hanggang ngayon ba naman ay pahihirapan parin nila ako. Then this is bullshit too!

Gumalaw ako sa kinauupuan ko, pilit kong inaalis 'yung panyo sa bibig ko ganu'n din ang tali sa buong katawan ko. They're not my family anymore! How dare they do this to me. Masisikmura ko pa kung papalayasin nila ako at iiwan, pero itong ganito, itong papatayin ako? I can't believe this.

"Step again, dad and you will be dead too." Malamig na banta ni Rashid kay daddy. Umatras naman si daddy, lumingon siya sa akin ganu'n din si mommy na ngayong umiiyak na.

BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon