Riley's POV
Ito na ang panghuli. Huling pagkakataon na masilayan ko si Kiefer Montefalco. Masakit man ay kailangan kong magpakatatag para sa anak namin at para sa mga taong nakapaligid sa amin. Mahal na mahal ko si Kiefer. Walang pagdududa at walang pag-aalinlangan.
Kahit anong pilit ng mga doctor na buhayin siya ay wala paring silbi, bumitaw si Kiefer, hindi siya lumaban. Siguro ay napapagod na siya, siguro ay tama na hanggang dito na lang ang buhay niya. Ayokong napapagod siya. Hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba ang pangyayari na 'to o hindi. Sa wakas hindi kana mapapagod, Kiefer. Sana maging masaya ka kung nasaan ka man ngayon.
Humarap ako sa puntod niya, isang linggo na ang lumipas, heto parin ako nangungulila sa kanya, ni hindi pa nga siya nagpaliwanag sa akin, hindi pa ako nalinawan. Gusto ko malaman ang rason niya bakit niya pinatay ang mga kasamahan ko. Bakit niya pinatay ang mga taong nasa mataas na posisyon.
Hindi niya na maamin ang lahat, patay na siya eh, iniwan niya na kami. Bumuntong hininga ako, pinunasan ko ang luhang akma na sanang tutulo galing sa mga mata ko. Maghihiganti ako, Kiefer, papatayin ko ang mga kalaban mo, hahanap ako ng paraan para ubusin sila.
Nilapag ko nang dahan-dahan 'yung bulaklak sa puntod niya tsaka ako tumingala sa kalangitan. Kahit na demonyo kang tao, nagbabakasakali parin akong nasa langit ka ngayon. I Love you.
***
"Tita naman! I don't want this! It's disgusting, you know."
"Peyton, you need to eat this. Baka magalit ang Mommy mo kapag dumating 'yun!"
"Dinalaw niya po si Papa?"
"Yes, baby kaya naman kainin mo na 'to bago kayo lumuwas ng States."
"But I want here! I want to stay here."
"Just listen to your Mama, okay? Tatapusin mo pa ang pag-aaral mo doon, tsaka babalik na naman kayo ng Mama mo rito,"
"She's hurting."
Tumikhim ako para agawin 'yung atensyon nilang dalawa. Pilit sinusubuan ni Carmela si Peyton habang si Peyton naman ay nakasimangot at ayaw talaga magpaawat. Ngumiti ako ng mapakla. Habang pinagmamasdan ko ang anak namin, nakikita ko si Kiefer. Parang kasama ko siya ngayon. Parang buhay parin siya. Damn. Kay sakit naman pala mawalan ng mahal sa buhay. Ngayo'y naramdaman ko ang pakiramdam, naalala ko si Queenie at Adi na handang ibuhis ang buhay para lang maka-higanti kay Kiefer.
Winaksi ko ang imahen na iyon at binalik ang tingin kina Carmela at Peyton.
"Riley! Bakit ka natagalan? Akala ko kung napano kana. Anyway, kanina pa kayo hinihintay ni Alfonso sa sala. Naka bihis na ang bakla."
"Kamusta ang anak ko?" tanong ko tsaka nilapag ang bag ko sa sofa. Nilingon ko rin si Peyton na hanggang ngayon ay hindi parin ginagalaw ang pagkain.
"Naku, Riley, kanina pa 'yan nag-iinarte! Ayaw kumain ng gulay!"
Tumawa ako ng mahina sa maarteng sumbong ni Carmela sa akin. Umiling ako sa kanya tsaka nilapitan ko ang anak ko na ngayon ay nakasimangot parin. Hindi parin siya sanay kumain ng gulay, kahit anong pilit kong pagpapakain sa kanya ayaw niya talaga. Tao naman daw kasi siya at hindi siya hayop para kumain ng damo. 'Tong batang 'to talaga!
"Finish your food, Peyton. After that, you will fix yourself together with Manang Minda, okay? Don't make me wait, Peyton; we need to hurry." Hinalikan ko siya sa pisnge at noo. Tumango naman ito at ngumiti sa akin.
"Thanks for taking care of my son. I owe you." Ngumiti ako kay Carmela bago pumasok sa kwarto ko. Niligpit ko na ang mga damit ko, wala akong iniwan kahit na anong bagay. Humarap ako sa salamin, sinusubukan kong ngumiti ng masaya pero agad ding napapawi.
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...