Riley's POV
"Mommy! Mommy! Let's go out!" sigaw ng anak ko habang pumapadyak-padyak pa ito sa kama. Inaantok pa nga ako at wala pa akong ganang gumisinh, kaya lang itong anak ko kagabi pa ako inaya na lumabas daw kami, mamasyal. Mabuti na lang wala akong pasok ngayon sa trabaho. Gagalang nalang siguro muna kami ni Peyton.
Dahan-dahan akong bumangon.
"Good morning, mommy!" nakangiting bati niya sanhi ng paglabas ng dalawang dimples niya sa pisnge. Nilapitan ko naman siya at kiniliti ang kanyang tagiliran. Napaka-gwapo talaga ng anak ko.
"Haha, mommy! Stop it! Stop, mommy! Nakakakiliti!" nahihirapan niyang tutol dahil sa pagtawa.
"Ang gwapo gwapo talaga ng anak ko eh!"
"Mommy! Mommy! Stop!" Tumigil na ako at pareho kaming hinahabol ng hininga. Nginitian ko ang anak ko tsaka humalik sa kanyang noo sabay gulo ng buhok niya.
"Good morning too, baby."
Sabay kaming bumaba ng anak ko para mag-agahan. Nadatnan ko si Carmela sa kusina, naghahanda siya ng pagkain. Talagang tinotoo na ang pagiging alalay ah? Natawa na lang ako sa naisip ko. Lumapit kaming dalawa sa kanya at pinaupo ko ang anak ko habang ako naman ay tumayo para tulungan siya sa paghahanda.
"Wala ka pang shoot ngayon?" tanong ko. Sumalin ako ng tubig sa baso.
Hinarap niya naman ako.
"Bukas meron kaya hindi ko maalagaan 'yang anak mo. Malaking project ang gagawin ko bukas." mahinang sagot niya. Umupo na rin siya at nag salin ng kanin sa kanyang plato.
"Morning, Peyton!"
"Good morning, Tita Carmela!"
Umupo na din ako. Ang hinanda ni Carmela ay bacon, itlog, juice at kanin for breakfast. Kumuha ako ng pagkain at sinimulan nang kumain habang ang anak ko naman ay tahimik lang ding ngumunguya. Sobrang seryoso ng kanyang mukha, kaya't hindi ko maiwasang mapatitig sa anak ko, kamukhang-kamukha niya talaga si Kiefer at kung sakaling may makakita man sa kanya. Makilalang-makilala talaga siya. Sikat na sikat si Kiefer, walang duda.
Umiwas ako ng tingin. Kamusta na kaya si Mr. Valencia? Wala pa akong balita sa taong iyon. Pinatay na kaya siya? O wala pa.
Bumuntong hininga ako at hinarap muli ang pagkain.
"Seryoso mo naman. May nangyari ba sa trabaho mo?" pansin ni Carmela sa akin. Tiningnan ko siya sabay iling.
"You can tell me. Alam ko ang mga ganyang mukha, Riley," kilalang-kilala talaga ako ng babaeng ito. Suminghap ako.
"Nothing. Iniisip ko kung saan ko iiwanan si Peyton bukas, may trabaho ako eh." isa rin ito sa pro-problemahin ko. Saan ko iiwan ang anak ko bukas. Wala akong tiwala sa ibang tao, baka kukunin nila ang anak ko. At nasa Pilipinas na ngayon 'yung mga kalaban ko. They'll gonna use my son against me! Natitiyak ko 'yun.
"You can bring your son with you. Allowed naman 'yan basta sabihan mo lang si Peyton na huwag makulit. Kulit-kulit kasi minsan."
"Narinig ko 'yon, Tita!"
Nagtawanan kaming dalawa ni Carmela nang marinig naming umangal si Peyton.
Nang umalis na si Carmela sa condo namin. Nag pasya na rin kaming dalawa ni Peyton na mamasyal. Nilagay ko sa dashboard 'yung pistol ko at sinuot ang eye shades. Habang si Peyton naman nakacap at jacket na pula. Kapag sa malayo hindi siya mamumukhaan ng kahit na sino, safety first muna kami bago lumabas. Kinakabahan nga ako konti pero pinipigilan ko ang sarili ko, hindi ko naman pababayaan ang anak ko.
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...