Chapter 15

26.2K 447 5
                                    

Riley's POV

Nagising ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking katawan. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, ngunit agad din akong napakunot noo nang mapansing naka gapos ang dalawa kong kamay at paa. Pilit kong winawaksi ang kamay ko upang makawala ngunit nagsa-sanhi lang ako ng ingay. Iritado akong tumitig sa handcuffs na nasa kamay at paa ko. What the fvck is this!

"Argh! Palabasin niyo ako rito! Argh damn it!" mura ko. Isang alaala ang sumagi sa isip ko. Naglalaban kami ni Kiefer kagabi at nasisiguro kong siya ang may pakana nito. Damn! Where's my son? Kinuha niya kaya ito?

"MONTEFALCO! PALABASIN MO AKO DITO SA PISTE MONG LUNGGA! IBALIK MO SA AKIN ANG ANAK KO!"

Isipin ko pa lang na mawawalay na ang anak ko sa akin ay hindi ko yata kakayanin. I want my son so bad, hindi nila pwedeng iwalay sa akin ang anak ko. Arghh, damn you Montefalco! Damn you! I'll curse you to death. Mamatay ka ng lalaki ka, mamatay kana.

Naramdaman ko ang pag tulo ng luha galing sa mata ko, inangat ko ang tuhod ko at sumandal ako rito. Yumuko ako at nag-isip ng paraan papaano makakalabas sa kwartong ito. Pero kahit anong isip ko nauuwi lang sa blanko ang utak ko. Mukha ni Kiefer at ni Peyton ang bumubungad sa harapan ko kahit hindi naman totoo. What's happening to me? I'm not insane! I will never be!

Unti-unti kong pinunasan ang luha ko. Kapag may mangyari sa anak ko, walang sisihan, Montefalco, lalaban ako ng patas at sisiguraduhin kong ikaw ang luluhod sa lugar na 'to. Fvck you to death!

Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto, walang ibang gamit maliban sa kama at aparador na sa tingin ko naman ay walang laman. Gumapang ako papunta sa roon, dahan-dahang binuhat ang paa ng kama at pinasok ang handcuffs dito, umungol ako dahil sa bigat ng kama at mas lalong namamaga 'yung kamay ko. Shit! Get a rip, Riley! You can do this! Makakalabas ka.

Hinila ko ang bakal upang makawala. I know I looked crazy right now at imposibleng matatanggal ito sa kamay ko, but who knows? Matatanggal man o hindi, susubukan ko.

"Arghh!" daing ko at hinila ang bakal. Bawat hila ko tumatagos 'yung pasa sa kamay ko. Masakit, alright! Tangina mo talaga, Kiefer! But I'm doing this for my son! For my son only. I greeted my teeth nang mapansing dumudugo na ang wrist ko, pumikit ako ng mariin, dinadama ang sakit.

Muli kong hinila ang bakal. Minsan napapasabay pa 'yung kama pero pinipigilan ko ito gamit ang dalawa kong paa.

"Ahh! It fvcking hurts! Damn you, Montefalco! I swear you pay for this!" galit na sigaw ko at hinila muli ang kamay ko. Sinasawalang bahala ko ang sakit na tumatagos bawat hila ko ng bakal. Sobrang sakit! Sobra sobra pero kung ito lang ang paraan para makalabas ako, kakayanin ko.

"Arghhh!" hiyaw ko na naman. Minulat ko ang mata ko at nagpakawala ng malalim na hininga. Sumasayad na 'yung buhok ko sa sahig, namumuo na rin ang pawis sa noo ko.

"Oh come on! Take off!" gigil na sambit ko sabay hila ko na naman,b ngunit napahinto ako dahil bumukas ang pintuan. Inangat ko ang tingin ngunit kaagad din akong napadaing dahil sa pasa na nanggaling sa kamay ko. Argh, buwesit. 

"Sabi po ni Master Monte—" 

"Oh shut the hell up! Pwede bang palabasin niyo ako rito! Look at my wrist kung 'di nyo ako palalabasin dito, I will cut myself! Do you fvcking hear me?!" galit kong sabi sa kanya, ngunit nanatili lang seryoso 'yong mukha niya. May ginalaw pa ito sa tainga niya at napatango-tango pa. Is he listening to me?!

"Oh come on! Kailangan ko ang anak ko! Palalabasin mo ba ako rito o pasasabugin ko ang kwartong ito? You choose Mr whoever you are. If both of you played this game I will too." Giit ko pa, ngunit dinedma muli ako. Talagang iniinis ako ng lalaking ito, ah.

BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon