Riley's POV
Maaga akong nagising kinaumagahan. Hindi ko na ginising ang anak ko dahil alam kong hanggang ngayon ay gumabagabag parin sa kanya ang nangyari kahapon. Bata pa ang anak ko. Hindi niya dapat makita o masaksihan ang mga ganoong pangyayari. Magbabayad ang mga taong 'yon sa ginawa nila sa anak ko.
Niligpit ko ang gamit namin, dalawang maleta ang dala ko, sa akin at kay Peyton. Naayos ko na rin 'yung mga meetings ko sa kompanya at 'yung mga paparating pa. Nasabihan ko na ang Secretary ko na siya muna ang bahala sa kompanya habang wala ako, at kapag bumagsak ang kompanya sa pamamahala niya? Problema niya na iyon at hindi sa akin.
Panay tawag din sa akin si Alfonso. Sabi niya hindi daw siya makakapunta rito ngayon dahil maaga raw ang flight nila kayat inintindi ko na lamang, kailangan rin naming makaalis agad dito, kung hindi? Malalaman nilang andito ako.
Pagkatapos kong ligpitin ang lahat. Pumasok ako sa kwarto ni Peyton, mahimbing parin ang tulog niya. Nilapitan ko siya at hinalikan ang kanyang noo. Tinungo ko 'yung closet niya at kumuha ako ng damit roon na natira, nilapag ko sa kama ang damit tsaka ako pumasok sa banyo, nagsalin ng tubig sa balde tsaka bimpo.
Pinunasan ko ang buong katawan ni Peyton habang tulog siya, minsan ay umuungol pa ito at dumadaing pero hindi naman gumigising. Binihisan ko siya tsaka sinuklay ang kanyang buhok. Mukhang masarap ang tulog ng anak ko ah. Pagkatapos ko siyang ayusan, lumabas ako ng kwarto niya, binaba ko na 'yung mga maleta namin tsaka ko hinablot ang cellphone sa bulsa ko.
"Anyeong! Papunta na ba kayo?" bungad na tanong ni Penelope.
"Paalis pa lang kami, Pen, nakahanda na ba ang mga tauhan mo sa airport? Wala kasi akong mga tauhan ngayon, day off nila kaya walang magbabantay sa amin. Baka may susugod at hindi ko kayang makita ni Peyton ang mga kalaban ko, Penelope." mahabang paliwanag ko.
"Don't worry about it, it settled already. andito rin naman 'yung mga army ni Alexandra kaya walang ikabahala. Na-hacked na din ni Calli 'yung maaaring location mo pagbaba at masusundan ka namin kung saan ka."
"Thank you so much bitch!" I hissed then laugh.
"Welcome bitch!"
Agad ko nang pinatay ang tawag. Binalikan kong muli ang silid ni Peyton at ganu'n parin ang pwesto niya, nakapikit parin ang mata niya. Sabagay alas sinco pa lang, antok antok pa siya sa mga ganitong oras. Nilagyan ko siya ng jacket sa likod at dahan-dahan ko siyang kinalong. Bumaba na kami at lumabas, pinasok ko sa backseat ang anak ko at 'yung mga bagahe naman namin ay nilagay ko sa compartment. Tsaka ako pumasok sa kotse, inopen ko ang earpiece ko at rinig na rinig ko sa kabilang linya 'yung mga boses ng mga loko.
"Mahahimik ka nga!"
"Paisa lang naman, Calli!"
"Ilang beses ko na bang sasabihin sayo na tama na ang tatlo Kiro! Napakalandi mong lalaki ka!"
"Hindi naman sa ganu'n Calli, andamot naman."
"Mahahimik ka riyan kung ayaw mong puputulan kita ng kaligayahan."
Umiling na lamang ako sa dalawang mag-asawang ito, buti naman ay maayos na ang buhay nila, dami pa naman nilang pinagdaanan noon at walang plano si Calli na magkaroon ng anak pero mukhang iba na ngayon dahil mahal na mahal ni Calli ang kanyang pamilya at sisikapin niyang protektahan ang mga ito. Nag-aaway pa nga sila noon na animoy mga aso't pusa, jusko!
Umiba na talaga ang panahon ngayon.
Nakarating kami pasadong alas sais na, tamang-tama at nagising na ang aking anak. Kinusot-kusot pa nito ang sariling mata at nilibot ang tingin sa kapaligiran. Tumingala siya sa akin habang hawak ko ang kanyang maliliit na kamay.
"Where are we going, mommy?" tanong niya sa maliit na boses. Ngumiti ako.
"Pansamantala muna tayong titira sa Pilipinas, baby. Makikita mo na 'yung mga Ninang mo duon at mga Ninong mo."
At ito ang unang beses na makilala mo ang mga taong malalapit sa akin, ngunit hindi kita ipakilala sa mommy at daddy ko dahil hanggang ngayon ay kinamumuhian ko parin sila pati na rin sa mga kaibigan kong plastic na ang habol lang sa akin ay kayamanan ko. Una ay hindi ko pinakilala 'yung mga taong malalapit sa akin, dahil masyado silang private, ayaw nila ng atensyon kahit na sa kwentong ito. Charot! So 'yun nga hindi ako makakapayag na mahawakan nila ang anak ko. Kahit sino pa man 'yan sila.
"Really, mom!" Masayang hiyaw niya at niyakap niya ang tuhod ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Humakbang na kami sa loob ng airport at hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala na makikita niya na sa wakas ang mga kasamahan kong naging pamilya ko na.
Pinagkait ko sa anak ko 'yung lola at lolo niya, even his Dad. Hindi ko pinakilala dahil hindi naman importante ang mga taong 'yon para ipakilala.
"WELCOME TO THE PHILIPPINES!"
Nang lumapag na ang eroplanong sinasakyan namin, patalon-talon si Peyton at excited pa itong lumabas. Wengyaaa naman anak. Pinagtitinginan tayo oh.
"Ang gwapo ng bata 'no?"
"May kamukha siyang businessman,"
"Ang cute cute niya sis!"
"Sabagay, maganda naman ang nanay, walang duda."
Hindi ko na lang pinagtuusan ng pansin iyong mga chismosa. Hinawakan ko sa pulso ang anak ko at sabay kaming naglakad habang kapwa ko hawak ang dalawang maleta.
"Mommy! May anak din ba ang mga Ninang at Ninong ko?" nakangiting tanong niya. Para talaga siyang babae sa buhok niya. Ang haba-haba kasi, hindi ko 'yan papagupitan hangga't wala pa sa plano ko.
"Yes, baby. You want to play with them?" I asked him then nodded to the woman in front. Ngumiti lang din ang babaeng nakasalubong ko.
"Yes, momma! I really am!" Masiglang sabi niya. Ngiti lang ang sagot ko tsaka ako sumeryoso nang makita ko na ang driver nina Penelope hindi kalayuan. Palinga-linga pa ako sa paligid at pansin kong maraming mga nakatuxedong lalaki ang naglalakad sa buong airport. Naka shades pa ito at seryoso sa paglilibot. Mabilis ko namang hinila si Peyton tsaka ako tumango sa driver ni Penelope nang makalapit na kami.
"Those guys? Where are they from?" tanong ko sa driver. Nasa likod na si Peyton at naglalaro ng gadget.
"I don't know, Ma'am. Hindi po nakatuxedo 'yung mga tauhan ni Ma'am Penelope tsaka naka-army suit naman 'yung kay Ma'am Dra. Sa tingin ko po ay wala pa dito 'yung mga tauhan na pinadala ni Ma'am Penelope. Kakarating lang din po kasi ng mga army." Tumango ako sa sinagot ng driver. Binuksan ko ang bintana para makita lalo 'yung mga nakatuxedo pero naagaw ng pansin ko ang isang lalaking naka itim na shades, naka tuxedo din siya at may babaeng kasama na sa tingin ko ay PA or Secretary, may hawak kasi itong notes. Tsaka iyong isang lalaki na nakatuxedo din, pinapayungan nila 'yung lalaking mukhang celebrity. Daming alalay ah. Sino kaya iyon?
Tauhan niya ba ang mga nakatuxedo na 'yon?
****
Welcome to the Philippines, Riley and Peyton!
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...