Third Person's POV
"I said you don't get it!" galit na sigaw ni Stan sa kanyang kaibigan habang nakatunganga lang ang tatlo nitong kaibigan sa kanya. Sa puntong ito alam ng tatlo na hindi agad ito kakalma kahit sila pa ang tutulong dito. Tagis ang mga bagang ni Stan at halos sirain niya na 'yung polo niya. Magulo rin ang buhok at biyak naman ang kanyang eyeglasses. Inapakan niya kasi ito kanina dahil sa galit at inis.
"What's your plan now?" walang emosyong tanong ni Sendrix sa kanya. Sinamaan lang ni Stan ng tingin ang kaibigan. Evadne just shrugged his shoulder, wala siyang komento sa kaibigan, magagalit lang ito kapag sasagot pa siya. Knowing Kiefer Montefalco, he is a heartless mafia boss. Compared to his friends, walang transakyong sinalihan pero may kani-kanya din namang problema, gaya ni Kace na iniwan ng asawa, bumalik na may isang anak na at hindi siya maalala ng asawa niya. Paano nga ba matatanim ni Kace ang isang anak ng dalaga sa poder niya? Wala syang kaalam-alam sa buhay nito noon, pero galit siya dahil tumakas ito sa kasal nila.
"Maybe we can help you if you spill it out." Bulong ni Vandeon pero sapat na para marinig ni Stan. Bumuntong hininga siya, sinulyapan niya saglit ang monitor bago tumango kina Evadne at Vandeon.
"Gunner isn't here. Where is he by the way?" tanong ni Stan sa matinis na boses at kunot noo parin ito. Si Gunner naman ay kaibigan din nila, ikalima ito sa kanila, pero babaero ito, titiklop lang kapag kasama ang yaya nitong dalagita.
"Staying at their house I guess, kasama na naman no'n ang babaeng slave niya for damn 3 years." Sagot ni Sendrix.
"Marupok ang isang 'yon. Hayaan niyo nang lumandi." Sabi ni Evadne. Tatawa na sana ito nang pinukolan siya ng masamang tingin ni Stan at ni Vandeon.
"Oh come on! Sobrang seryoso niyo kasi, nabo-bored tuloy ako."
Nilagutok ni Stan ang kanyang leeg, sinamaan niya ng tingin si Evadne na kaagad namang tumahimik, ganu'n din ang iba ay naging seryoso na. Among them, Kiefer is the leader of their society, tinatawag silang Society nang iilan, dahil sa yaman, kagwapuhan, sikat, at higit sa lahat hinahabol ng mga babae. Nangunguna rito ay si Kiefer Stan Montefalco, kasunod naman si Vandeon Brix Santford, Sendrix Roswell, Kace Gunner Velasquez, at pang huli ay si Evadne Vantrion Deveraux. Maimpluwesya silang tao at hindi basta basta, so avoid messing up with them or don't you dare mess up with them. They'll bite.
"Both of you go to my mansion, make sure you'll stop that bitch doing something stupid. Handcuff her hands again at ipasok sa kwartong nararapat sa kanya."
"You're too harsh, Montefalco, and she's too hot para ikulong mo lang, may anak kayo 'di ba?" tanong ni Vandeon.
Umigting ang mga panga ni Stan sa narinig. "He isn't sure kung anak niya ba talaga ang batang 'yon, but we can't deny the fact na magkamukha talaga sila," usal naman ni Evadne at umiwas ng tingin dahil sa mga oras na ito nakatutok na naman ang mata ni Kiefer sa kanya.
Damn it!
"DNA test." Seryosong sabi ni Sendrix at kinuha 'yung cellphone sa bulsa. Napamura pa ito nang harapin ang kanyang cellphone.
"I'll be back. Sasagutin ko lang ang tawag ng asawa ko."
Tumango ang mga kasama niya, bago muling binalik kay Kiefer ang buong atensyon. Tumikhim siya at pilit iniiwasan ang mga titig ng kaibigan niya, pero sino ang niloloko niya? Alam niya sa sarili niya na anak niya 'yon. Hindi niya lang matangap na lumaki ito sa maling panahon.
"Will you stop minding my life? Tss." Irap na sagot niya at tinungo muli ang monitor na nasa harapan niya. Tumaas ang kilay niya nang harapin niya ito at kuyom na din ang kamao niya.
"Bitch!"
Napatumba lang naman ni Riley 'yung mga tauhan niya. Ilang minuto lang itong nakatitig kanina sa monitor, ngayon ay napabagsak niya lahat ng ganu'n kadali ang mga tauhan niya?
"She changed huh? I see." Bulong niya pero galit na galit ang matang nakatitig sa dalaga. Hawak pa nito ang anak niya at tumatakbo sila palabas ng mansion. Hindi makakatakas sa paningin ni Kiefer 'yung pasa at dumudugo na nanggaling sa kamay ni Riley. His lips parted.
"What the hell!"
Pinatay niya ang monitor. Binuksan niya 'yung device na nasa tainga niya at tinawagan ang assistant nito.
"Yes, Master Montefalco?"
"Dont let that bitch away! Harangan niyo hangga't 'di pa ako dumadating." Mariin na utos niya at pinatay kaagad ang tawag. Kinuha niya ang coat niya sa mesa at inisa-isang tinapunan ng tingin ang mga kaibigan niya.
"Send the next target to me later." Sabi niya at mabilis na umalis.
****
Humihingal si Riley habang tumatakbo sila palabas ng mansyon. Alam niyang kapag sa main gate sila lalabas maaaring may mga tauhan din doon, pagod na pagod na ang katawan niya dahil sa pasa na natamo niya, hindi niya na maigalaw ang isang kamay niya kayat nanghihina na siya. Tumakbo sila ni Peyton patungo sa isang pintuan. Pintaun na kung saan hindi sila mahahanap or makikita ng mga tauhan nito, pero kapag dumating si Kiefer? Lagot siya dahil alam nito ang pinto.Mahigpit niya paring hinihila si Peyton palabas. Kanina pa ito umiiyak at nasasaktan siyang makita itong umiiyak. Lagi niyang sinasabi sa sarili niya na lalaban siya, mahirap mang kalabanin si Kiefer pero kakayanin niya. Nang tuluyan niya nang makita ang liwanag napangiti siya pero kinasa niya muna ang gatilyo bago tuluyang nilamon ng araw.
Subalit...
"Where do you think you're going?" malamig na tanong ni Stan sa likuran niya habang may baril na nakatutok sa ulo ni Riley. Nanigas siya sa kinatatayuan, nararamdaman niya rin ang panginginig ng kanyang anak.
"Mommy, he's behind us! Mommy!" takot na sigaw ni Peyton ngunit kalmado lamang si Riley. Ngumisi pa nga ito ng palihim bago tinago si Peyton at hinarap ang nguso ng baril na nasa noo niya na ngayon.
"Press the trigger, kill me in front of our son. Show to us how evil and demon you are." Matapang na sabi ni Riley. Umigting ang panga ni Stan, pero hindi siya nagpatinag. Hinawakan ni Kiefer nang mahigpit ang panga niya, pilit niya ring tinatago ang mukha niya para hindi makita ni Peyton.
"No need to compliment me. I know that already and I'm proud being a devil." Malamig na sagot nito na sanhi ng panlalamig ni Riley sa kinatatayuan niya.
"Don't hurt my Mommy! Mr. Stranger will kill you!" Pilit lumalabas si Peyton sa likuran ni Riley pero hindi niya pinapayagan ang anak.
Lumunok siya at hinarap ang mukha ni Kiefer, kahit kinakabahan tumawa pa rin siya.
"Yeah, whatever, Mr. Montefalco! Kung wala ka ng sasabihin patayin mo na ako! Huwag mo nang pinapatagal!" galit na sigaw ni Riley kasabay nito ang luhang tumulo galing sa kanyang mga mata niya. She can act.
"Kapag hindi mo pa 'yan pinutok sa akin? You'll regret it. Swear."
Hindi gumalaw si Kiefer. Hindi siya sumagot. Kaya't pagkakataon na ito ni Riley na sipain ang pagkalalaki nito, hindi nga siya nagdadalawang isip at ginawa niya nga iyon. Sinabunutan niya pa ang buhok ni Kiefer habang namimilit sa sakit!
"Tandaan mo 'to, Montefalco, papatayin kita..."
"Fvck! Argh! Damn shit! Will you please stop dragging my fvcking hair!" galit sigaw ni Kiefer at tinulak nang bahagya si Riley.
"STOP! You want to leave? THEN FVCKING LEAVE! But do remember this fvcking day, Riley! I won't let you run away from me again! Once I found you again, You hear me? I know you are so better hide wisely, bitch!" galit na sigaw ni Kiefer at tinapon sa kabilang parte ang baril at padabog itong pumasok sa mansyon. Napaluhod si Riley sa lupa, she wants this, gusto niyang pero bakit nasasaktan ang puso niya. Bakit kay hirap tanggapin na tinataboy na naman siya?
Tumawa siya ng mahina. "Nah."
Anong nangyayari sa kanya? Nababaliw na ba siya? Katanungan sa isip ni Riley.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...