Riley's POV
Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Kinusot ko nang dahan-dahan ang aking mga mata at hahawiin na sana 'yung bagay na 'yun nang mapansin kong kamay ito. Nilingon ko ang katabi, nanlaki kaagad ang aking mga mata at hindi makapaniwala na buhay nga si Kiefer. Buhay siya! Oh my gosh! Hindi panaginip 'yung nangyari kagabi, totoo 'yun. Damn! I'm crying again. Miss ko lang talaga ang lalaking 'to. Mahal na mahal ko 'to, kahit na sarili ko kaya kong isakripisyo huwag lang silang mawala sa akin ni Peyton.
Nilandas ko ang kamay ko sa buhok niya. Hinaplos ko ito patungo sa gwapo niyang mukha. Wala pang pangitaas na damit ang loko, himbing na himbing ang kanyang tulog. Mukhang pagod na pagod.
"Sleep tight, baby." Hinalikan ko siya sa pisnge saka ako nagpasya na bumaba na. Sinuot ko ang tsinelas ko, dinampot ko rin 'yung pants ni Kiefer at nilagay ko ito sa kama na nakatupi.
Lumabas ako ng kwarto. Tinungo ang hapagkainan.
"No! I said, hindi ako kumakain ng damo! Cook something for me again! I won't eat that grass and that...that!"
"But, Pey..."
"What is it again?"
"Ehem...master Peyton, 'yan po daw dapat yung kinakain ninyo, magagalit na naman ang Mommy ninyo."
"Tss, I won't eat then."
Napailing na lamang ako sa kasupladuhan ni Peyton. Ayaw na ayaw niya talagang kumain ng gulay. Hanggang kailan kaya ito magsasawa sa mga karne?
Ngumiti ako sa kasambahay at tumango, sumenyas ako na ako na bahala sa anak ko. Ngayon ay ako na lang ang magluluto, mukhang totohanin talaga nitong ayaw kumain. I won't let that happen, kakain siya sa ayaw o gusto niya.
"Hey baby, good morning." Hinalikan ko siya sa ilong ngunit agad din naman siyang napangiwi. Oh what happened to my baby? Is he upset?
"You looked upset, baby. What is it?" tanong ko. Binuksan ko 'yung ref para maghanap ng ulam na iluluto. Nilabas ko ang dalawang itlog, bacon at hotdog.
Nang lingunin ko muli ang anak ko. Ngumisi na ito ngayon habang ang tingin ay nasa nilabas kong ulam na lulutuin. Napailing na lamang ako. Spoiled na spoiled na ito ngayon sa akin, lahat nang gusto niya ay nakukuha niya agad. Wala naman akong walang mabibigay sa kanya eh. Kapag gusto niya, kukunin o ibibigay ko sa kanya, kahit ano pa man 'yan. Paghihirapan ko. I want to spoil him anyway.
"Yeheey! Yeheey!"
Tumawa na lamang ako sa kakulitan niya. Una kong ni-prito ay itlog bago ang hotdg at bacon. Seryoso ako sa ginagawa, baka mamaya ay masunog pa ito at magagalit na naman ang young master namin. Ngumisi ako ng palihim, subalit kaagad ding napawi iyon nang may naramdaman akong maiinit na braso sa aking beywang. Napatalon ako ng bahagya. Muntik pang tumilapon ang niluto ko.
"You smell so good, baby."
"Kiefer, I'm cooking. Stop doing this. Maupo kana at kakain na tayo." Hirap na sagot ko. Paano ba naman kasi; ang malalim niyang hininga ay tumatama sa leeg ko. Punyetang Kiefer 'to! Ke-aga aga humaharot na naman. Paano ako makakagalaw nito aber.
"Serve yourself as my breakfast, baby."
"Shut up, Kiefer. Aga-aga mahahalay na agad 'yang iniisip mo," irap na sabi ko ngunit humalakhak lamang siya tsaka bumitaw sa akin. Tumaas naman ang kilay ko, kasama niya pa anak naming tumatawa. Gago talaga.
"Your Mom is bad, Peyton; she's thinking about something. Guess what it is, son?"
"I don't know, Papa!" hindi na ako mabibigla kung bakit alam niya nang buhay ang ama niya. He's really smart. Siguro nauna pa ito sa akin eh.
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...