Chapter 35

28.3K 533 5
                                    

Riley's POV

Is he kidding me? Kiefer is dead. Sinabi na 'yon ng doktor at nakita ko mismo 'yong katawan niyang wala ng buhay. How is that possible? I saw his dead body; my eyes won't lie. But should I trust him? Should I trust my boss? Pero mukhang seryoso siya sa sinabi niya. Kung buhay nga talaga si Kiefer, he will approach me. Lalapit siya sa anak namin at manggugulo. Hindi ko na alam kung saan ako maniniwala, sa boss ko ba o sa sarili ko. Damn. Hindi ko na alam.

Kung buhay man siya, haharapin ko siya. Kung kinakailangang bumalik ay babalik kami, sisiguraduhin ko muna 'to bago ako gumawa ng ibang plano. Baka mamaya ay bitag pala 'to ng kalaban, baka ito ang paraan nila para patumbahin ako. I can't sacrifice myself yet, marami akong maiiwan kapag mamatay ako kaagad. I need to think more. Arghh this is so confusing!

Ni-park ko sa garahe ang kotse ko at pumasok na sa mansyon. Bumungad sa akin ang tahimik na kapaligiran, tanging mga kasambahay lang ang nakikita kong palaboy-laboy. Madilim na rin kasi at oras na para matulog. Ngunit wala akong planong matulog ngayon, tatawagan ko muna ang kaibigan ko sa Pilipinas, mangangamusta ako sa mansyon. Baka malay natin andun nga si Kiefer, but I don't want to assume.

Nilinisan ko muna ang katawan ko bago pumasok sa kwarto ni Peyton. He's sleeping peacefully, magulo ang kanyang buhok at pawis na pawis. Nilapitan ko ang aircon at medyo nilakasan ito tsaka hinalikan si Peyton sa noo at pisnge.

"Magiging ayos din ang lahat, anak. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa'yo."

Lumabas ako ng kwarto niya pagkatapos.  Pumasok sa kwarto ko at ni-open 'yung laptop habang tinatawagan ko ang numero ni Carmela. Hindi naman nagtagal sumagot siya.

"Hello, Riley? Napatawag ka?" sa boses niya ngayon mukhang nagising ko yata siya sa mahimbing niyang pagkakatulog.

"Hmm... sorry for calling you this time, gusto ko lang alamin kung open na ba 'yung mansyon ni Kiefer? May mga tauhan na ba?"

"Sa pagkakaalam ko sarado parin ngayon ang mansyon niya, sobrang tahimik pa nga at walang dumadaan doon."

"Okay, goodnight. Sorry for the trouble."

"Nah, it's fine. You can call me anytime you want. Need to hang out now, need something?"

"Nothing. Bye." Pinatay ko na agad ang tawag. Nilapag ko sa lamesa ko ang cellphone tsaka humarap sa laptop ko.

Nanlaki ang mata ko nang biglang nag-warning sign 'yung screen ng laptop. May mga numerong lumalabas at iilang letra. Damn it! Anong nangyayari? Bakit ganito. 

"Oh come on! Huwag naman ngayon! I need you. Please cooperate with me!" inis kong sambit at panay pindot ko sa laptop ko hanggang sa unti-unti nang humihina 'yung mga letra at number na lumilitaw.

"Great!"

Pinindot ko ang cancel sa ibaba, katapat nito ay ang okay button. Nang mapindot ko na, may pulang mga letrang lumalabas. Nanliit ang mga mata ko, I tried to read it pero walang words na nabubuo. Is this a code?

"KATE MIH NWOD"

Nag-type ako ng maaaring words nito kaya lang malaking X 'yung lumabas. Sinubukan kong muli ngunit mali na naman. Napabuntong-hininga ako tsaka sumandal sa upuan habang pinagmamasdan 'yung laptop. Tila may umiilaw naman bigla sa utak ko, tinaas ko ang laptop ko at binaliktad. Sinuri ko ang last words.

"D.O.W.N."

It's fvcking DOWN! Ngumiti ako ng palihim bago simulang basahin na naman ang pangalawang salita.

"H.I.M."

Its HIM. Sino naman kaya ang tinutukoy nitong HIM? Kalaban kaya o ibang tao? O si Kiefer?

Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago binaliktad muli ang laptop. Medyo nahirapan ako sa isang to, its KATE kapag pag dugtungin ko lahat magiging Kate him down, its sounds stupid, mali rin ang passcode.

"KATE. TEKA."

"TEAK"

Damn it.

"TAKE!" binggo! TAKE HIM DOWN. Ni-type ko sa laptop 'yung words and boom! Bumalik sa dati 'yung laptop ko ngunit may isang taong nag-send sa akin ng email. Nag pop up ito bigla. Mabilis ko namang binuksan 'yung email, walang nakalagay na pangalan ngunit may unknown naman.

"This is a warning for you, Ms. Ladeo. If I were you, I wouldn't join in this battle; it's too dangerous for you. You're a woman. There's no possibility of winning."

"I can do this alone, though; I'm not your enemy; I'm helping you out, but it seems like you don't need my help anymore because of your stubbornness. But please stop doing some shite now; it's time for you to take care of your son and hide it in your place, or else? they'll  hunt you and kill you."

"I am no one, that's my name. Goodnight."

Tulala ako pagkatapos kong basahin 'yung email na ni-send ng kung sino. Naging blanko ang utak ko, sino naman kaya ang taong 'to? Kaya ko naman lumaban ng mag-isa. Oo babae ako pero kaya kong pumatay ng tao, hindi naman ako mahina at hindi rin ako tanga. I can take care of my son while I'm fighting. He's smart, alam niya ang gagawin niya kapag may kalaban. Hindi siya isang batang paslit lamang, malalaman niya ang lahat gamit lang ang kanyang mapanuring mga mata.

Namukhaan niya nga si Kiefer noon sa mansyon. Nalaman niyang Daddy niya si Kiefer kayat sinamantala nito ang pag tawag na Papa. Hindi niya sinabi sa akin na alam niya na, but its okay. Mabuti na nalang nalaman niya, hindi man lang siya nagalit sa Daddy niya, ni hindi nag tanong kung bakit wala siya sa tabi namin. Ang sagot ay nasa isip na ni Peyton.

Lumabas ako ng kwarto nang mag-sawa sa kakaisip sa email na 'yun. Kung sino man ang nag send nu'n, warning talaga 'yun sa akin. Nag-salin ako ng tubig mula sa pitsel tsaka lumabas ng mansyon. Tinungo ko ang lobby at nagpasya na doon lumanghap ng sariwang hangin kahit na gabi na.

Siguro ay ito na ang oras para humingi ng tulong sa mga kaibigan ko. Makakaya namin 'to, mananalo kami sa larong 'to kahit na mahirap. Kahit na wala akong ideya anong klaseng laro 'tong pinasukan ko. I don't have any idea, kakasimula pa lang nito, Tangina talaga.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko, dinadama ang malamig na hangin na humahaplos sa aking katawan. Sobrang tahimik, wala akong maririnig na ingay. Kailan kaya matatapos ang laban na 'to? Matatapos pa ba 'to?

"Anong klaseng laro ito, Kiefer? Alam mo bang pagod na pagod na ako?"

"Kung sana hindi mo ako iniwan hindi ako maghihirap nang ganito." At talagang sa kanya ko pa sinisi? Kakaloka ka, Riley. Tumahimik ka nga.

"I'm tired."

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Kaya lang... nagulat ako nang may taong biglang yumakap sa beywang ko. Matigas na braso, lalaking-lalaki.

Dahil du'n tila bumalik na naman 'yung sigla ko. Sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko. Nilagay niya pa sa balikat ko ang kanyang panga. Hindi ako gumalaw, I feel safe again. Who is this?

"If you're tired, I will fight for you. You are my master, remember?"

Dahil sa boses na 'yon bigla akong napaharap sa kanya. Laking gulat ko nang mamukhaan kung sino ito.

"K...Kiefer..."

Ngumiti siya sa akin. Nilagay niya sa tainga ko ang ang isang hibla ng buhok ko. I saw his dimples again! I saw his blue eyes, again.

"Yes, baby, it's me. fvck! I missed you." Bulong niya kasabay nito ang pagdampi ng kanyang malambot na labi sa labi ko.

I didn't move. Nanatili akong nakatayo sa kanyang harapan, pinoproseso ang lahat habang lumalandas paunti-unti ang aking mga luha. Is this a dream? Tulog na ba ako?

Pero hindi...I can feel my hot tears coming from my eyes. I can feel his warm body wrapped around me. Kiefer is here. Kayakap ko.

He's alive! Shit!

"Fvck, Riley! I missed you so much!"

"I love you!"

"Nah. I love you more."

He's back.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you! 

BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon