Riley's POV
Alam kong kapag gigising na siya bukas ibang awra na naman ang lalabas sa mukha niya, magiging demonyo na naman siya, papatay na naman ng tao. Sabagay, hindi naman siya pinanganak ng nanay niya sa mundong 'to para maglakwatsa. I think he hasba reason bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, and I'm dying to know that reason. Maybe soon he will change, hindi na siya magiging ganito.
I am mad. Pagkakataon ko na 'to para patayin siya, subalit, hindi ko kaya, may pumipigil sa akin na huwag kong gawin, huwag kong saktan si Kiefer. Napakaamo ng kanyang mukha, ibang-iba sa Kiefer na gising, parang angel na hindi makabasag ng pinggan. But reality really hits me, he's a demon. Galit ako sa kanya dahil sinaktan niya kami ng anak niya, pinahihirapan pa, pero bakit? Bakit hindi ko man lang siya kayang saktan sa pagkakataon na 'to?
Bumuntong hininga ako, kinumutan ko na siya. Inutusan ko 'yong yaya kanina na punasan ang katawan ni Kiefer dahil lasing ito. Agad din namang natapos.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaluhod, sinuri ko ang buong kwarto ni Kiefer. Unti-unti ko ring hinakbang ang paa ko papunta sa mesa niya, binuksan ko ang bawat folder na nakalapag rito. Nanlaki ang mga mata ko, nabitawan ko ito ngunit hindi naman nag sanhi ng ingay.
Mariin ko lamang tinitigan ang folder, hindi ako nagkakamali, mukha iyon ng mga tatlong congressman. May nakalagay na pulang "X" sa bawat folder, ito yata ang pahiwatig na patay na ang target niya. Pinikit ko ang mata ko, pilit pinakalma ang sarili.
Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa at kinuhanan ito ng mga litrato bago ko binalik sa puwesto nito, walang bakas na ingay din akong lumabas ng pinto ni Kiefer. Panandalian ko lamang siyang tiningnan tsaka lumabas ng mansyon.
Totoo ngang pinatay niya ang tatlong taong iyon. Fvck!
***
"Saan ka galing kagabi? May pinuntahan ka?" kunot noong tanong ni Carmela habang humihigop ng kape.
"Nasa labas lang, nagpapahangin. Bakit?" tanong ko pabalik sa kanya. Umiling siya at tumayo na, nilapag niya sa lababo 'yung baso at naghugas ng kamay.
"Pumunta pala rito 'yong kaibigan mong si Queenie kaninang umaga, mukhang puyat ka naman kaya't hindi na kita ginising. Sa tingin ko babalik siya." Pagkatapos sabihin iyon ni Carmela, umalis na siya sa harapan ko. Maaga yata ang shooting no'n kasi ayos na ayos ito. Hindi ko siya sinagot bagkus kinuha ko 'yung cellphone ko at binasa ang mensahe ni Queenie sa inbox ko.
"Pwede na kayong umalis sa Pilipinas, Riley. Planado na lahat dito sa US. Ikaw na lang ang hinihintay namin para masimulan ang laban."
Pumikit ako. Padabog kong nilapag sa mesa 'yung cellphone. Sumasakit ang ulo ko ngayon, hindi ko alam kung magandang balita ba ito sa amin or hindi. Paano kung hindi kami makakalabas sa bansang 'to? Bantay sarado kami ni Kiefer ngayon. Argh! Pero wala namang pakialam si Kiefer sa amin, hindi ba? Tinaboy niya na nga kami. Ano pa aasahan namin du'n? Pero tangina lang! Ayokong umalis sa bansang 'to. Hindi pa ako tapos sa plano ko. Argh.
"Mommy."
Nabaling ang tingin ko kay Peyton. Bagong ligo ito ngayon, suot niya 'yung damit na binili namin sa kids shop. Sumilay ang ngiti sa aking labi. Bagay na bagay sa kanya ang damit.
"Yes, baby?" malambing kong tanong at hinagkan siya sa noo. "Any problem?"
"No, Mommy! Mr. Stranger is here! He even brought Sari with him. Come on, Mommy! You need to meet him. He's a nice guy, Mommy," tila nanigas ako sa kinatatayuan ko ngunit agad din namang nakabawi nang makitang tumakbo na si Peyton paalis. Shit!
Mabilis akong tumayo. Tinungo ko ang lababo at naghilamos, nagmugmog na rin ako. Inayos ko ang suot ko ganu'n din ang buhok ko, tangina! Bakit ba ako natataranta. Importante ba ang taong iyon, baka kunin niya si Peyton. Shit!
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...