Chapter 21

25.2K 433 6
                                    

Riley's POV

"Why don't you wipe it instead?" ngising tanong niya at humakbang papalapit sa akin. Umatras naman ako, sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ka siniswerte?" mataray na tanong ko. Tumawa naman si Peyton kayat napasimangot ako. Pinanlakihan ko ng mata si Kiefer para tumigil pero mas lalong ngumisi ang loko at tinapon sa akin ang towel, nasapol pa ito sa mukha ko. Arghh bwesit na Montefalco!

"Ano ba, Kiefer! Wala ka bang kamay, ah! Tangina nito! Bahala ka sa buhay mo!" iritado kong sigaw at hinila na si Peyton paalis, ngunit umiling si Peyton. Binitawan niya ang kamay ko at tsaka siya naunang umalis.

"Tell your yaya Minda, bihisan ka Peyton!" pahabol na sigaw ni Kiefer bago humarap sa akin. Iritado ko namang kinuha 'yung towel at padabog na lumapit sa kanya. Mas lalong lumaki 'yong ngisi niya, pero asa naman siyang pupunasan ko siya, ano. Manigas ka, Kiefer.

"In your dreams!" sigaw ko at tinulak siya papuntang pool. Tinapon ko 'yung towel niya sa tabi tsaka amba na sanang aalis, ngunit hindi ko narinig na umahon ito sa tubig, binalik ko ang tingin sa pool pero hindi ko siya nakita, saang sulok na akong tumitingin para hanapin siya sa pool pero wala siya. Kinakabahan na ako, nag-lakad lakad ako sa gilid ng pool para hanapin 'yong pigura niya ngunit hindi ko talaga mahagip.

"Kiefer! Where the fvck are you?!" tawag ko sa kanya. Nagsimula na ring manginig ang dalawang kamay ko. Argh shit! Saan na ba ang lalaking 'yon. Baka iisipin ng mga tao dito pinatay ko siya.

"I'm not playing with you, jerk! Umahon kana dyan!" wala paring sumagot. Lumapit ako sa bakal para suriin ang tubig, ngunit sobrang dilim na sa ilalim. Kinakabahan na talaga ako. Agad kong hinubad ang damit ko tsaka walang pagdadalawang isip na lumusong sa tubig, hinanap ko siya sa ilalim ng tubig, pero wala. Umahon ako at bumuntong hininga. Lumusong muli ako at this time? Nakita ko siyang nakalutang sa tubig, agad akong lumapit sa kanya, pikit ang kanyang mga mata at hindi siya humihinga. Hinila ko siya paalis sa pool, hiniga ko siya sa sahig at halos hindi na mapakali.

"You dumbass, wake up!" Nilagay ko sa dibdib niya ang dalawa kong palad. Hinawakan ko rin ang bibig niya at nilapit ko ang bibig ko sa kanya. Tsaka ko ni-pump ang dibdib niya, ngunit hindi parin siya gumigising.

"Oh come on, Kiefer!" galit na sigaw ko
at inis na pinunasan ang luha ko. Bullshit! Bakit ba ako lumuluha? Anong pakialam ko kung mamatay man siya. Tangina niya.

Akmang ilalapit ko na sana ulit ang labi ko sa labi niya nang imulat niya ang mga mata niya. Namumungay ang kanyang mga mata, umubo siya pero wala namang lumalabas na tubig galing sa kanyang bibig. Humarap siya sa akin habang nakangisi.

"Hey, your li...." hindi niya natapos 'yong sasabihin niya dahil humagolgol na ako sa harapan niya. Kasalanan ko naman eh! Paano kung hindi ko siya nahanap? Paano kung namatay na nga siya? Masasaktan si Peyton, ipapakulong ako. Ina mo talaga, Kiefer.

"Riley? Fvck! Why are you crying?" Nilapitan niya ako hinawakan niya ang balikat ko pero umiyak lamang ako.

"Ikaw kasi! Akala ko kung napano ka..."

"Hey! I'm just do..." hindi nya muling natapos ang sasabihin dahil sinapak ko siya.

"Paano kung hindi kita nakita? Paano kung namatay kana?" malumay na tanong ko. Ngumisi siya sanhi ng pag litaw ng dalawang dimples niya. Hinaplos niya ang pisnge kong may luha, tila tumaas naman lahat 'yung balahibo ko dahil sa ginawa niya.

"Why are you concerned, Riley?" malamig na tanong niya habang dahan-dahang tumayo. Sinuklay niya ang kanyang basang buhok bago ako hinarap muli, madilim na ang kanyang mukha ngayon, walang emosyong lumalabas. Tila nilulunod ako ng mga asul nyang mga mata, pero hindi ako napatinag, tinitigan ko din siya.

"May plano kang patayin ako, Riley. You want me dead in the first place, right? What now?"

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Unti-unti kong niyuko ang ulo ko, naramdaman din ang panibagong butil ng luha na tumulo galing sa mata ko. Hindi ako sumagot. Wala akong lakas na loob na sumagot, dahil totoo naman 'yong sinabi niya na may plano akong patayin siya, How did he know? Masyado ba talaga akong halata? Bakit hindi ko man lang kayang depensahan ang sarili ko ngayon.

"Stand up. Fix yourself and eat." Ang huling sinabi niya bago ito umalis sa harapan ko. Tumingala ako, pinanood  siyang humakbang papalayo sa akin. Pinunasan ko ang luha ko tsaka tumingin sa pool, unti-unti akong tumayo. Mapait akong ngumisi.

"May plano nga akong patayin ka pero hindi ko alam bakit minsan may pumipigil sa akin." Bulong ko sabay dive sa pool. Hinayaan ko ang sarili kong lumutang sa ibabaw ng tubig, pinikit ko nang mariin ang mga mata ko, wala ng luhang lumabas ngayon, siguro ay pagod na itong lumabas. Bumuntong hininga ako at akma na sanang bubuksan ang mata nang bigla na lang tumalsik 'yung tubig ng pool kayat napahiyaw ako ng mahina.

May biglang humablot sa kamay ko, ngina!

"Fvck are you stupid! Magpapakamatay ka ba?!" galit na sigaw ni Kiefer. Nanlaki ang mga mata ko at natulala sandali. Nag-aapoy na ngayon sa galit ang kanyang mga mata, umigting ang panga.

What did I do?

"DO YOU FVCKING HEAR ME? Are you going to kill yourself?!" galit dugtong nito. Ngunit hindi parin ako sumagot, mukhang nairita naman ito dahil sa pananahimik ko kayat hinila niya ang kamay ko, tinapon niya sa akin 'yung towel niya.

"Fvck it, Riley!" Nagpatianod na lamang ako sa paghila niya. Gapos na gapos ko 'yung towel na nasa katawan ko, hindi ako nagsalita dahil baka magalit na naman siya sa akin. Nang makarating na kami sa bahay, sinamaan niya ako ng tingin bago humiwalay sa akin. Pansin ko din 'yung mga katulong na mariin akong tinapunan ng tingin, ganu'n din 'yung mga tauhan ni Kiefer. What's wrong with them? Parang galit na galit sila sa akin, may ginawa ba akong kasalanan sa kanila?

Imbes na patulan ko sila, umirap na lamang ako at umakyat na sa sariling kwarto. Pagkatapos kong mag-linis ng katawan, bumaba ako ng hagdan. Tinungo ko ang kusina at nadatnan ko ang tatlong lalaking hindi ko kilala, seryoso silang nagsasalita habang nasa isang direksyon lang 'yung tingin nila. Na kay Kiefer.

Tumikhim ako sanhi ng pagtingin ni Kiefer sa akin ganu'n din 'yung tatlong kasama niya. "Can I get my food?" mahinang tanong ko. Hindi ko mapagkaila na ang gwa-gwapo ng mga kaibigan ni Kiefer, mukhang mayayaman din dahil sa galaw at mukha nila. Namukhaan ko pa 'yung isa sa kanila pero hindi ko alam saan 'yun, nginisihan pa nga ako. Duh!

"We will continue this tomorrow, Montefalco, sa opisina tayo mag-uusap." Malamig na sabi ng isang lalaking kaibigan niya. Tumango naman si Kiefer habang ang tingin ay nasa akin.

"We will eat together." Malamig pa sa yelo ding sagot niya sa akin. Nagsi-alisan na 'yung mga kasama niya kayat umupo ako sa upuan kaharap siya.

"Babalik ka sa trabaho, you will be my Secretary again. No more buts."

Sumingahap na lamang ako. Mukhang wala pa siyang nahanap na bago.

***

Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon