Riley's POV
Maaga akong gumising dahil may trabaho pa ako sa kompanya ni Kiefer. Mag-iisang buwan na din kaming naninirahan dito ni Peyton pero wala yatang balak na umalis ang anak ko dito. Masaya siyang kasama ang Daddy niya, tuwang-tuwa pa nga ito kapag umuuwi galing sa trabaho si Kiefer, hindi na ako mag-tataka kung sa isang iglap ay malalaman niyang Daddy niya si Kiefer. Hindi naman mahirap pagtambalin 'yung mga mukha nila dahil pareho lamang.
Bumalik na naman si Kiefer sa dating ugali niya, minsan ay gusto ko na talaga siyang patulan, dami niya kasing kaartehan sa buhay. Pasalamat siya't nawala na 'yung plano kung umalis rito, ayaw ko namang sirain ang kasiyahan ng anak ko. Kapag aalis kami, my son will get sad again, ito 'yung pinapangarap niya, pagbabawalan ko pa ba? Kaya ko namang tiisin si Kiefer sa kaartehan niya, hindi rin naman ako mag-papaapi sa kanya.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, bumaba na ako dala ang aking bag at iilang documents na binigay sa akin ni Kiefer kagabi. Sa trabaho, ta-tratuhin niya akong ka-trabaho, sa bahay naman. Parang hangin lang. kabwesit!
Kapag maaga ang alis ko mamaya, dadaan muna ako sa tinutuluyan ni Queenie, kukunin ko lang 'yung mga naiwan kong mga baril doon. Magagamit ko 'yun for incase na may tumangka sa aming pumatay lalo na kay Kiefer gayong nanumbalik na naman ang pagka-demonyo niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga, nilapag ko sa mesa 'yung folder tsaka umupo, kaharap ko ngayon si Kiefer na walang emosyon ang mukha at nagbabasa ng diyaryo.
Sinipat ko naman 'yong isang babaeng katulong. "Where's my son? Is he awake na?" tanong ko sa kanya. Tumango naman ang babae.
"Opo, Maam. Nasa kwarto niya po pinaliguan ni Minda."
Binalik ko muli sa harap ang atensyon, nagkatinginan pa kami saglit ni Kiefer tsaka ito umiwas ng tingin. I shrugged my shoulder at kumuha na ng pagkain. Sungit.
"Ihahatid ka ng driver ko." Malamig na sabi niya at walang lingon-lingong umalis sa harapan ko. Kinuha niya sa sofa ang coat at maliit na case bago ito lumabas ng mansyon. Nang matapos naman akong kumain, nag-paalam na ako kay manang, nagmamadali kasi ako.
"Tell to my son baka late akong makauwi. May dadaanan pa kasi ako." Paalala ko sa katulong.
Sumakay na ako sa kotseng nag-aantay sa akin sa labas ng mansyon. Wala kaming imikan ng driver, wala din naman akong planong mag-salita kaya ayos lang. Nakarating ako sa kompanya ni Kiefer pasadong nasa tamang oras, bawat hakbang ko papasok sa loob, panay naman kung tumitig 'yung mga empleyado, pasipol -sipol pa nga 'yung iba.
"Bagong Sekretarya ni Sir?"
"Baka shota niya, ang ganda kasi e!"
"Mas maganda pa 'to kay Ma'am Erich ah!"
"Oo nga! Mukhang mayaman pa. Baka mag-iinvest sa kompanya."
"Is she single?" huling bulong na narinig ko. Umikot ang leeg ko, nginitian ko silang lahat ngunit agad din akong napatigil nang makita ang pigura ni Kiefer sa harapan ko. Madilim na naman ang mukha niya, nakapamulsa pa siya at tila may kalaban na naman.
"Pinapasweldo ko ba kayo para dumaldal? And you, Samonte, gusto mo bang patalsikin kita?" galit na tanong ni Kiefer sabay turo doon sa lalaking nag-tanong kanina kung single ba ako. Hindi sumagot 'yong lalaki sa halip ay yumuko ito at bumalik sa pwesto, ganu'n din 'yung ginawa ng iba.
"And you, why took you so long? Aware ka bang marami ka pang pe-permahan na pisteng papel?"
"Nasa tamang oras naman akong dumating, Ki..."
"Its fvcking Sir Montefalco, Riley."
"Sir Montefalco then." Irap na sagot ko sabay ngiti ng mapakla sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin bago ito umalis na naman sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
AcciónIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...