Riley's POV
"Could you please stop being pathetic this time, Riley? We all knew that you could protect your son from the media, but how about his father? Can you hide it from him? Kilala siya ng mga tao, Riley. Bilyonaryo ang lalaking 'yon, he can pay someone para alamin kung saang lungga ka nagtatago. In a one snap? Nasa harapan mo na sya." pinukulan ko ng masamang tingin si Carmela habang seryoso itong nakaharap sa akin. Damn! Naguguluhan ako ngayon, ewan ko kung saang bansa na naman ang punta namin, o makakalabas nga ba kami sa bansang ito. Sinabunutan ko ang buhok ko dahil sa frustasyon, kanina pa din tawag ng tawag ang babaeng nasa kompanya ni Kiefer. Kung bakit wala daw ako? Bakit wala daw akong excuse letter. Tangina! Uunahin ko pa ba 'yun kesa sa kalagayan namin. I know Kiefer is a smart idiot, imposibleng hindi niya ako mamukhaan hindi ba? Ni hindi nga ako tinitigan ng matagal non. It means? Nahahalata niya na ako.
"Argh! Damn. Can you take us to your place? We can't hide here anymore. Baka kapag tatagal pa kami rito huhulihin niya kami," kinakabahan kong usal kay Carmela. Kaya ko namang lumaban pero hindi ko yata kakayanin kung ako lang mag -isa hindi ba? And my son's involved here. Ayaw kong makita niya akong nakikipag-laban, it will traumatize him. I dont want that to happen. So as long as we have a chance to escape? We will.
"What?! Are you out of your mind! Gusto kitang tulungan pero hindi sa ganitong pamamaraan, Riley. You need to face him."
"I dont want to face him! As you can see, hindi maayos ang relasyon namin ni Kiefer noon, he even threw us! Anong silbi nito ngayon sa kanya? At wala rin naman akong planong ipakilala si Peyton sa kanya!"
"You're being selfish again, Riley. This is for your own good, for Peyton." mahinang bulong niya pero sapat na para marinig ko.
Bumuntong hininga ako, umalis ako sa kanyang harapan at pumasok sa kwarto namin. Nilabas ko ang pang make over ko. Kumuha din ako ng damit ni Peyton sa loob ng closet namin tsaka ako lumabas para tawagin si Peyton sa sala, nakita ko siyang naglalaro ng gadget.
"Son, come here," tawag ko sa kanya. Pansin ko rin ang pigura ni Carmela sa likuran ko. Lasap na lasap ko ang hindi pang sang-ayon sa kagustuhan ko.
"Stop doing this, Riley. Nlalayo mo ang bata sa mundong nararapat niyang makita."
Hinarap ko siya. Binigyan muli ng masamang tingin. "This is my life; this is my son, if you do have a son. You will do this also." Iniwas ko na ang tingin ko.
Wala na akong narinig mula sa kanya kaya't nagpa-salamat akong tumahimik na siya. Wala siyang alam sa nangyayari. Wala siya sa posisyon ko ngayon.
"Mommy, may bad bang mangyayari?" Peyton asked. Mabilis akong umiling, niyakap ko siya at dinala ko sa loob ng kwarto namin. Ramdam ko ang presensya ni Carmela sa likod kaya't napasinghap na lamang ako. Pinaupo ko si Peyton sa kama habang kunot ang noo nito, hindi ko tuloy maiwasang hindi magalit sa ama niya dahil parang kaharap ko lang si Kiefer, but Peyton isn't like him.
"What is this stuff, mom?" naguguluhan niyang tanong. Dahan-dahan ding lumapit si Carmela sa akin, hinawakan niya 'yung dalawang black contact lense tsaka 'yung buhok na kulot. Nilapitan niya si Peyton na may ngiti sa labi.
"Hey there, baby. Tita, will put this thing on you ha, kailangan mong suotin 'to para hindi ka kunin ng mga masasamang tao, at hindi masasaktan si mommy. Gusto mo bang masaktan si mommy ng mga bad guys?"
Mabilis na umiling si Peyton. "No! I dont want! Ayokong saktan nila si mommy!"
Gusto kong lumuha at yakapin ng mahigpit ang aking anak. Nagpapasalamat talaga ako sa panginoon na binigyan niya ako ng anak na ganito. Kung hindi lang sana nakisawsaw ang ama niya at ang media hindi sana magkakaganito ang lahat.
Saan na 'yung peaceful life na gusto namin? Nasira na!
"Then, behave. Come here, this contact lense will suit you perfectly and this one naman bagay sayo." nakangiti paring sabi ni Carmela. Nagpaubaya na ang anak ko. Dahan-dahan nilagay ni Carmela 'yung contact lense sa mata ng anak ko kasabay nito ang itim na wig na kulot.
Kinuha ko ang damit niya at pinasuot ko na 'yun sa kanya. Damit na mukhang hindi mayaman at parang normal lang na damit. Instead of using shoes, pinasuot ko siya ng sandals for kids. At nang matapos na ay humilaway kami kay Peyton.
Umawang pa ang labi ko dahil hindi ko inaasahan na ganito ang kinalalabasan ng ginawa namin. Ngumiti din si Peyton sa amin, hindi mawawala 'yung dalawang dimples niya sa pisnge na kinasinghap na lamang namin ni Carmela. Hindi siya mukhang si Kiefer ngayon, 'yung dimples na lang pero hindi namin 'yun matatakpan.
Black lense suit him, well even the curly wig. Ako naman sinuot ko 'yung panibagong wig ko na gray, contact lense na green at formal na damit. Tiningnan naming dalawa ang repleksyon namin sa salamin, ngumiti ako ng payak. Hindi na nila kami makikilala sa ganitong ayos.
"Woah! I can't believe this. Both of you looked so good! Ni hindi ko na kayo mamukhaan. But be careful parin, Riley, sa mga plano mo. Saan ang punta mo ngayon?"
"Sinabihan ko na si Queenie na lalapag siya dito ngayon sa Pilipinas. Magkikita kami ngayon sa Maynila. May condo siya du'n at doon muna kami ni Peyton." sagot ko.
Kinuha ko ang maleta naming dalawa ni Peyton. Sumabay sa amin si Carmela palabas. Nilahad ko sa kanya ang resignation letter ko sa kompanya ni Kiefer, siya ang inutusan kong ibigay ito. Wala na akong oras para magmuni-muni ngayon. We need to get out of here as soon as possible.
Sinakay ko na si Peyton sa loob ng kotse pagkatapos nitong mag-paalam kay Carmela.
"Take care of yourself." paalala ko bago nag-paalam sa kanya. Pinaandar ko na ang kotse namin at nag-over take pa ako.
Pagkatapos ay lumisan na kami sa lugar na iyon. Pero bago pa man kami makalayo? May mamahaling kotseng tumigil sa tinutuluyan namin, maraming bodyguards sa labas at kausap na nito ngayon si Carmela at iilang staffs ng condo. Iiwas na nga sana ako nang mag tama ang mga mata namin ni Kiefer, umigting ang kanyang mga panga at tila galit na pinagmamasdan ang papalayo naming sasakyan.
Tangina mo.
Mag dusa ka, Montefalco!
Wait, paano niya nalaman ang tinutuluyan namin ni Peyton?
***
Kiefer's POV
Keep hiding woman. Run until you can. k
Kapag nahuli kita? Aagawin ko lahat sayo. I'll make you suffer!Taking my son away from me is the worst mistake you ever make!
I faced the woman in front. Nagulat pa siya nang tinitigan ko siya. Stupid!
"Saan sila pupunta?"
"H-Hindi ko alam!"
Tumikhim ako. Kinuyom ko ang aking dalawang kamay habang nakatingin sa kanya. Umawang ang kanyang labi, nagdadalawang isip.
"Kaya kitang patumbahin sa isang iglap lang, Carmela Blesserion."
Umupo ako sa upuan. Nararamdaman ang kanyang takot. That's it, matakot ka. Gagawin ko rin 'yan sa kaibigan mong tumakas.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...