Chapter 34

20.7K 397 12
                                    

Riley's POV

Habang papasok ako sa bahay namin ni Peyton, hindi ko mapigilang isipin 'yung lalaki kanina sa Airport. Suddenly my heart was beating so fast again. I don't know why I'm feeling this way towards that guy; I don't even know him, but it seems like I knew him long ago. What the hell is this, Riley? I can't understand myself; titibok lang naman 'tong puso kapag andyan si Kiefer o 'di kaya nasa binggit ako ng kamatayan. But imposible namang si Kiefer 'yon hindi ba? He's dead; I saw his dead body. 

I sighed deeply. Hinayaan kong asikasuhin ng bago naming kasambahay si Peyton. Tumungo ako sa loob ng kwarto ko at nilabas roon ang mga papel na kakailanganin ko sa kompanya. Bukas ay papasok ako pero hindi muna ako magtatrabaho, wala pa ako sa mood, gusto ko lang I-check muna kung may mali ba o may email. I have a new secretary again, hindi na ako magtataka kung anong dahilan niya, wala akong pakialam. Pagkatapos kong ilabas 'yung mga papel, tumungo ako sa sarili kong mesa. I placed the papers on top of my desk. Bago ko inayos ang sarili ko, pwede pa naman itong ipagbukas, but I think I don't have enough time for tomorrow. I need to catch up. Haharapin ko pa ang mga kasamahan ko. Siguro naman ay masaya na sila ngayon dahil patay na si Kiefer. Buhay lang naman ni Kiefer ang gusto nila, ngayon ay wala na ito magdidiwang na sila. I can't blame them, akala nila si Kiefer ang killer. Damn it!

Pagkatapos kong maglinis ng katawan, saglit ko lamang tinapunan ng tingin 'yung mga papel bago ako humiga sa kama. Tinatamad pa ako ngayon. Bukas na lang siguro 'yan.

Tumingala ako sa kisame.

""I hope you're okay there. I miss you, and I'll always do. Please comeback, kahit na imposible." 

***

"Good morning, Ma'am Ladeo!" 

"Welcome back, Ma'am!"

"Ganda parin ni Maam Ladeo, 'noh?"

"Fresh na fresh."

Nginitian ko lamang 'yong mga empleyado na bumabati sa akin. Hindi parin sila nagbabago, ganu'n pa rin ang mga mukha at ayos nila. Sabagay, buwan lang naman ako sa Pilipinas at hindi taon. Ngunit sa buwan na iyon, maraming nangyari. Ayoko nang isipin pa. I can do this alone.

Pumasok ako sa opisina ko, bumungad sa akin ang bagong sekretarya ko, she's too pretty to be a secretary, para siyang may half. Makinis ang kutis, sobrang puti, blonde ang buhok at higit sa lahat silver ang mga mata niya. Did she use something on her eyes? Hindi ko alam kung normal ba 'tong mga mata niya. I didn't bother to ask, baka iisiping chismosa ako. 

"Good morning, Maam Ladeo. I am Almika Sheen Monteverdi, your new Secretary." Nakangiti niyang bati ngunit kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Ayaw niya bang maging secretary ko? Napipilitan lang ba siya?

Tumikhim ako.

"Where are you from? Mukhang may half ka. Foreigner?" Dahan-dahan akong lumapit sa lamesa ko at umupo roon bago muling hinarap si Almika. Ano kaya ang tinapos nito? Honestly, pwede siyang maging model o hindi kaya artista, maganda kasi siya. Palong-palo ang mukha nito. Nilamangan ang mga artista sa Pilipinas.

"I'm from the Philippines. Yes may half ako, half Italian." Sagot niya. Tumango ako at hinarap ang laptop ko.

"Cancel all my appointments today. May pupuntahan lang ako." Saad ko sabay sara ng laptop. Wala namang email na dumating kayat walang ikabahala.

"Okay, Ma'am Ladeo." Yumuko siya at tumabi. Tumango lamang ako bilang sagot tsaka akmang lalabas na sana nang may batang lalaking tumakbo papasok sa opisina ko, tawang-tawa ito habang palapit kay Almika. Pawis na pawis ang kanyang noo at sobrang puti ng bata.

BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon