Riley's POV
It's been what? 5 years? Limang taon akong nawala sa Pilipinas. At ngayon wala parin akong planong bumalik sa bansang 'yon, dahil marami akong masasamang alaala duon, nandu'n din ang taong mahal ko pero binalewala lamang ako. My parents hates me and my friends keep avoiding me, at ibang kompanya roon ay iniiwasan na ako. Why? Because I am Riley Sariah Ladeo, the bitch and disgrace woman. Everyone see me as a threat, but I don't care, I only cared for my son at 'yun lang 'yun! I don't care.
Napalago ko ang kompanya namin dito sa States even our hotels napalago ko rin, marami nang nag i-invest sa kompanya at marami na kaming VIP guests sa hotel namin. Ngayon ay ginawa kong model ang anak ko sa Ladeo Company, my son is very handsome like his jerk Dad, s'ya ngayon ang nangunguna dito sa States modeling. But my son is not really talkative, he only speak kapag kinakailangan. Just like his Dad again.
"Miss Ladeo, Mr. Alfonso wants to see you," rinig kong sabi ng sekretarya ko. I nodded 'saka ko inayos ang salamin na nasa mata ko, nilapag ko ang mga papers sa gilid ng mesa at hinarap si Alfonso na ngayong nakangiting sumalubong sa akin.
"Girl! I missed you! Tatlong buwan tayong 'di nagkita!" hiyaw niya at hinila ang buhok ko, sinapak ko naman s'ya ngunit tumawa lang s'ya. By the way guys, he's Alfonso Jr. Salazar, and yeah he's gay.
"Kailangan ba talagang hilahin ang buhok ko?" mataray na tanong ko. Tawa lang ang sagot niya 'saka s'ya umupo sa harapan ko, may nilapag pa siyang paper bag na blue habang ako naman nakatitig lang sa kan'ya. Para talaga siyang lalaki pumorma, kapag kami lang kasi binabae s'ya pero kapag nasa kompanya naman nila? Lalaking-lalaki, takot kay tito Alfie eh. Natawa na lamang ako sa naisip.
"Alam ko na 'yang iniisip mo! Jusko Dzai! Alam kong gwapo ako at makalaglag panty pero 'di tayo talo 'noh! Mandiri ka nga sa iniisip mo." maarteng saad niya 'saka ako inirapan.
"Tse! Sayang naman kasi 'yang mukhang 'yan! Makakabingwit ka pa ng maraming babae."
"Hecuse me? Manahimik ka na lang! Babae ako 'teh! Babae!"
Tumawa ako "Sige na nga babae kana." pagsuko ko. Si Alfonso ang nag-iisa kong karamay at kaibigan dito sa States, pilipino rin naman s'ya, but since may negosyo sila dito sa States, he used to stay here. Akala ko nga noon lalaki talaga s'ya kasi nga noong malapit na akong manganak? Seryoso siyang lumapit sa akin, walang arte-arte, dinala niya ako sa hospital at laging nasa tabi ko s'ya. Napagkamalan pa nga siyang Daddy ng anak ko eh, pero hindi s'ya nagreklamo, bagkus he answered the nurse "Yes" after that? Daddy na ang tawag ng anak ko sa kaniya. At nagustuhan niya naman iyon.
Dito ako nanganak sa US. Ilang buwan ang hinintay ko at hindi madaling mamuhay dito, I suffered a lot. Tambak na tambak ang problemang kinakaharap ko, imbes na tulungan ako ni Mommy dito? She threw me here alone and hopless. Nagdusa ako habang nagdadalang-tao ako. But I stayed strong, just for my son.
And about his Dad? The real one? Hindi siya mawawalan ng balita sa telebisyon, pati na yata sa magazine halos mukha niya na lahat, tungkol sa kaniya lahat. Sabagay, mayaman naman ang lalaking iyon, hindi ko alam kung paano siya mas lalong umangat ngayon pero sisiguraduhin kong hindi siya makakaapak pa sa buhay namin. I sighed deeply with the thought.
"Kanina pa ako nagsasalita dito. Tulalaley ka na naman girl? Any something wrong? Tungkol na naman ba 'to sa ama ng anak mo na halos tapalan na 'yung buong mundo ng mukha niya?"
Umiling ako. "Grabe ka naman. Namimis ko lang ang anak ko! Susunduin ko 'yon mamaya sa shooting niya. May band lesson pa kasi 'yun ngayon," paliwanag ko naman. Ayokong masangkot pa si Alfonso sa problema ko tungkol sa ama ng anak ko, tama na. Sapat na ang tulong na binigay niya sa akin.
"Ah. Sige mauna na ako girl may bibilhin pa akong make up sa mall dahil may bagong client na naman ako this day! See you na lang tomorrow, dadaan ako sa bahay niyo to see Peyton! Remember I'm his Dad." He winked at me. Tumango na lamang ako, inayos ko ang mga dapat ayusin dahil alas nwebe na ng umaga. 10am ang uwian ng anak ko.
"Aldie, kindly cancel all my meetings today? I have something important to do," paalala ko sa sekretarya ko.
"Noted, Miss Ladeo." Tumango ako.
Sumakay ako sa kotse ko at tinungo ang daan papunta sa band lesson ng anak ko. Alam kong may class pa s'ya ngayon, but school studio lamang s'ya, hindi ko s'ya pinapasok sa mga paaralan, ma public or private man ito. Iniiwasan ko lang 'yung mga media na pag pyestahan ang anak ko. And this is for my son's safety, baka makita pa s'ya ng tatay niya, who the hell I care if he see my son? Wala na siyang karapatan. Habang buhay na 'yun.
Pinark ko ang sasakyan ko sa open space 'saka ako lumabas ng kotse. Sinuot ko ang shades ko, humakbang ako papasok sa studio, marami akong nakakasalubong na Ina at mga bata, I smiled at them but they're ignored me, I sighed deeply again.
Pero agad din nawala ang panghihina ko ng makita ko ang anak ko na lumabas sa studio habang bitbit nito ang isang sapatos at naka medyas 'yung isa niyang paa. Lagi na lang ganito ang makikita ko, minsan magulo 'yung buhok niya at punit-punit ang uniform niya. Kaya galit na galit ako sa paaralang ito. But since my son love this school? Hinayaan ko siya sa gusto niya pero kapag inulit pa nila 'to, ipapasara ko ang studyong ito.
"Baby, what happened?" nag-alalang tanong ko habang kinakalong ang anak ko sa bisig ko. Hinawakan ko 'yong isang sapatos niya at tinungo namin ang sasakyan.
"They tried to ruined my hair Mom, but I didnt let them touch every inch of my hair, because I knew once you notice it you will get mad at me, Mommy I'm sorry," malungkot na paliwanag ng anak ko 'saka niya pinunasan ang mukha na nagbabadya na dala ng luha niya.
I wiped his tears away, I hugged him and kissed him on his head. Pinasok ko s'ya sa back seat. Alam kong nahihirapan na ang anak ko sa pambubully ng mga kasama niya sa band lesson, dahil wala daw itong ama at bakla pa ang ama-amahan niya, hindi s'ya naniniwala roon dahil lalaking-lalaki kung umasta si Alfonso sa kanya, I feel bad for my son. Ito ang pangalawang beses na paiiyakin nila ang anak ko.
"Rest son, gigisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo." Tumango s'ya at hinalikan ako sa pisnge. Ngumiti ako at hinalikan siyang muli.
Tinungo ko ang driver seat.
****
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionIsa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan ni...