Chapter 2

46.5K 796 8
                                    

Riley's POV

"Kamusta na ang inaanak ko, Riley? Is he awake na?" tanong ni Alfonso habang dahan-dahang nilalapag sa mesa 'yung mga dala niyang paper bags. Ang aga-aga andito na naman itong si Alfonso, kahapon pumunta dito, ngayon ay andito na naman s'ya. Sabagay si Peyton naman 'yung pinunta niya rito kasi nga s'ya ang kinikilalang ama ng anak ko.

"Nah. My son is not here, maaga ang band lesson nila, kaya wala s'ya dito ngayon, hindi mo naabutan." sagot ko sa kanya at tiningnan 'yung laman ng mga paper bags niya. Napasinghap na lamang ako.

"Make up na naman? Wala ka na bang ibang bibilhin?" tanong ko.

"Bibilhan ko nga sana ng toys si Peyton, kaya lang baka itatapon niya lang, sayang," well sayang talaga kapag ang binibili mong laruan ay mga barbie, jusko!

"Tse! Huwag mo kasing igaya sa'yo 'yang anak ko na binabae tulad sayo, kabanas ka talaga. 'Yun lang ba ang rason mo bakit ka pumunta rito?" tanong kong muli sabay kagat ng apple na nasa mesa.

"Alam mo, girl! Bukas pupunta ako ng New York para sa upcoming shoot ng mga models ko, kukuhanin sana kita pero baka hindi mo na maalagaan anak mo so huwag na lang. Malaki kasi 'yung project at hindi ako makatanggi."

"Sunggaban mo na, malaking opportunity na 'yun, bakla!" masayang bulalas ko sa kanya pero ngumiwi lang s'ya at bumuntong hininga. Ano na naman kaya ang problema ng baklang ito.

"How about, Peyton? Aalis ako mamimiss ko ang batang 'yon, Riley." malungkot na sabi niya.

"Anong silbi ng skype 'teh? Mag vi-video call tayo baliw! Call call lang ganu'n." sabi ko pa sabay irap sa kanya. Nag ne-negative thoughts na naman kasi s'ya. Pambihirang bakla. Akala ko talaga malaki na 'yung problema niya, 'yun lang pala.

Honestly, mamimiss talaga ni Peyton si Alfonso. Daddy niya si Alfonso eh, iiyak talaga iyon, but I know my son very well. He's smart, he can understand this. Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag ng husto kay Peyton dahil alam niya kung ano ang trabaho ni Alfonso.

"So 'yun lang 'yung sasabihin ko. Bukas babalik ulit ako at magpa-paalam kay Peyton, dami kong tambak na works ngayon sa kompanya! Magagalet na naman si erpat nitey! Susko 'teh stress na stress na ang bangs ko!"

"Para namang may bangs kang bakley ka!" tawa kong sigaw pero inirapan niya na lamang ako tsaka s'ya humalik sa noo ko.

"Che! Ge alis na ako!"

Hinatid ko si Alfonso sa gate namin. Nagpaalam kami sa isa't isa. Kahit naman bakla si Alfonso kayang-kaya niya namang maging lalaki sa harap ng magulang niya, at kaya niyang panindigan ang mga karapatan na kakaharapin niya. Hindi tulad kay Kiefer na ang iniisip niya lang ay ang kanyang sarili.

Kung sakaling magkita man kami? Iiwas ako at aaktong hindi ko na s'ya kilala. Hindi na s'ya parte ng buhay ko, buhay ng anak ko. Kiefer Stan Montefalco is a ruthless billionaire, kaya niyang bilhin ang sarili mo sa pera niya, napaka-yaman ng lalaking iyon at sa isang iglap lang? Kaya ka niyang patumbahin at pabagsakin. He's good looking, 'yung tipong kulang na lang luluhod ang mga matatanda sa kanya, in short? He looks like a Greek God. Nasa kanya na ang lahat, yaman at kagwapuhan.

Bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon? He's nothing to us, kung ano man s'ya, kung sino pa s'ya? I shouldn't think about him. Wala siyang kwentang tao.

"Kiefer Stan Montefalco, one of the top business man in Asia got a highest rank in the business world."

Mabilis na kumulo ang dugo ko nang makita ko na naman ang mukha ni Kiefer sa screen ng tv namin. Ngiting-ngiti pa s'ya sa camera, kahit na halata namang peke. Ayaw niya kasi ng atensyon at itong ginawa ng media sa kanya ay sobra pa sa atensyon, pang international na 'to. At sa tingin ko nagtitimpi na naman s'ya sa mga oras na ito. Nakakabadtrip! Halos mukha niya na lang lagi ang nakikita ko sa tv namin.

"You're so good looking, Mr. Montefalco!"

"Ah! Take me to your bed, Mr. Montefalco!"

Tingnan mo ang kalandian ng mga babaeng idol na idol s'ya oh parang mga asong tahol ng tahol nakakairita. Buti na lang hindi nagmana ang ugali ng anak ko sa kanya kasi ang sama ng bwesit na 'yan. Kinuha ko 'yung remote na nasa tabi ko, akmang ililipat ko na ang channel nang humarap si Kiefer sa camera at halos hindi ako makahinga. Tangina.

Ang lalim ng kanyang mga mata, mapapansin mo rin 'yung mala-dagat na mga mata niya gaya ng kay Peyton. Both of them had the same eyes, blue. Normal lang sa akin. Hindi na s'ya ngumingisi sa camera pero ramdam ko ang madilim na mukha nito habang nakatingin sa akin, I mean sa camera. May kaaway na naman kaya ang hinapuyak na ito?

"Do you have a girlfriend or wife now, Mr. Montefalco?"

Mariin kong kinuyom ang kamao. Gusto kong patayin ang tv pero nanghihina ako at hindi makagalaw sa kinauupuan ko. Tila naghihintay ako sa sasabihin niya.

Tumikhim s'ya sa camera and ngumisi s'ya. Ngising nakakainis. Bwesit na lalaking iyan!

Dahil sa ngising iyon, naghiyawan ang mga kababaihan pati ang mga baklang kasama sa show, letsi! Ang harot-harot ah.

"I have a girlfriend."

"Owww!"

Tumikhim ako.

Dahil sa sagot niya tila nadismaya naman 'yung mga tao habang ako naman ay nabwebwesit! Kaya't pinatay ko ang tv kasabay nito ang tunog na nanggaling sa cellphone ko. Iritado kong hinablot ang cellphone ko sa bulsa at sinagot ang tawag.

"Who the fvck is this?!" iritado kong tanong.

"I'm sorry, Miss Ladeo if I called. Yung mga suspek na pinahanap niyo ay nandito sa bansang ito, at ang mas malala pa po rito ay nagtatago sila sa studio entertainment ng anak ninyo,"

"W...What?!" gulat na tanong ko habang kinakabahan.

"Ngayon lang po namin nalaman dahil kay Ven. Ngayon ay nagsisimula na silang gumalaw. Pinalilibutan na namin ngayon ang eskwelahan na 'yun."

Hinilot ko ang sentido ko. Mariin kong hinawakan ang selpon ko. Kapag talaga may mangyaring masama sa anak ko, yari ang mga gagong iyon.

"Investigate those idiots!"

***

Pagkatapos sabihin iyon ni Queenie sa akin. Hindi na ako nag dadalawang isip na umalis ng bahay. Tinungo ko ang pinapasukan ni Peyton at nadatnan ko s'ya sa labas ng gate na walang kasama at nakaupo lamang s'ya roon habang pinagmamasdan 'yung mga taong dumadaan sa harapan niya.

Agad ko siyang tinakbuhan pero bago pa man ako makalapit ay may lalaking kumuha sa braso niya at pilit siyang pinapasok sa itim na van. Bullshit!

"LET GO OF MY SON! OR ELSE YOU'LL REGRET THIS DAY, BULLSHIT!" sigaw ko at mabilis kong sinipa ang braso niya kayat nabitawan niya ang anak ko. Agad kong kinuha si Peyton na ngayong nagsisimula ng umiyak.

"Mommy..."

Sinamaan ko ng tingin 'yung lalaki. Akala ko papatol pa ito sa akin ngunit hindi na, mabilis siyang pumasok sa van at pinaharotrot iyon palayo.

Hinarap ko ang anak ko. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Oh my son.

"Baby, are you okay? I'm sorry," nag-aalalang saad ko. Dahan-dahan kong pinunasan ang luha niya.

"Mommy...Uwi na tayo. Ayoko na rito, mommy, uwi na tayo kay daddy." nanginginig niyang sabi at humawak ng mahigpit sa kamay ko.

Hinalikan ko s'ya sa noo at tumango sa kanya. Bakas sa mukha ko ang pag-aalala. Mukhang nagsisimula na talaga ang mga hayop na iyon ah.

Babalikan ko kayong mga gago kayo.

How dare them.

***

BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon