Riley's POV
Ito na ang araw na pinakahihintay ko. finally, magpapakasal na ako sa taong mahal ko. Makakasama ko na habang buhay ang pamilya ko, this is too much for me, but thank you for giving this to me, my lord.
Every struggle that we're facing there's a victory waiting for us. I didn't give up, kahit na pagod na pagod na ako at nahihirapan na ako hindi parin ako tumigil. Dahil may isang taong nagsabi sa akin na huwag akong huminto. Kapag nahihirapan na ako at pagod na pagod na? Siya ang lalaban para sa akin. Binigyan niya ako ng lakas, hindi niya ako pinaasa sa wala dahil tinupad niya ang mga salitang binitawan niya. Minsan hindi ko siya mantindihan, napakalalim ng mga salita niya pero deep inside? Bawat letra ay may sariling kahulugan. May pinapahiwatig siya sa akin, ako lang talaga itong hindi agad maka-gets.
Tinutulungan niya ako sa paraang hindi ko mahahalata at hindi makikita. His words helped me. Anong klaseng mahika ba ang gamit ng isang Montefalco? Bakit nakakatulong ang bawat salitang gamit niya?
PAK!
Nabalik ako sa wisyo dahil sa malakas na sampal sa akin ni Alex sa braso. Umirap ako sa kanya pero tinawanan niya lamang ako. Nasabi sa akin noon ni Alex na tutulungan niya sana ako pero hindi nila ginawa dahil wala silang karapatang sumali sa buhay ko. May tiwala naman daw sila kay Kiefer at kaya ako nitong protektahan, ngunit labis ang pagsisisi ni Kiefer noong nakita niya akong walang malay sa itaas ng sasakyan. Hindi ko nga alam kung mabubuhay pa ako noon o hindi na eh. Kahit na mamatay naman ako wala akong pagsisisihan. Wala akong idadamay.
"Malapit na magsimula ang kasal. Are you ready?" ngiting tanong niya sa akin. Siya ang maghahatid sa akin sa altar.
"Alam mo, noong kinasal kami ni Sendrix, sobrang saya ko talaga. I guess masaya ka rin ngayon. I'm happy for you." Niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak. Pambihira! Ang make up namin mabubura.
"Kakalat ang make up natin, gaga! Huwag ka ngang magdrama dyan!" saad ko. Humalakhak naman siya.
Masayang-masaya ako ngayon Alex. Sobra-sobra.
"Ay oo nga pala! Wait halika kana labas na!" Tumango ako sa kanya. Hinawakan nya ang dulo ng gown ko habang palabas kami. Tawa parin siya nang tawa. Gaga talaga.
At nang nakaharap na namin ang pintuan ng simbahan, kapwa kaming nanahimik. Umangklo ako sa kanyang mga bisig at ngumiti lamang siya.
"Breath, Riley. Kanina pa daw naiinip si Kiefer sa loob. Ang papangit daw kasi ng mga bwesita!"
Bwesit haha.
Nang tuluyan nang bumukas 'yung pintuan. Dahan-dahan kaming pumasok ni Alex. 'Yung mga camera ay nakatuon na ngayon sa amin, pati rin 'yung mga tao ay nakatuon na sa amin. Hindi ko mapigilang maluha, sumasabay pa sa akin 'yung kantang "Angels Brought me here" kaya mas lalo tuloy akong naiiyak. Wala akong pakialam kung papangit man ako, basta matuloy lang ang kasal.
"See, inip na inip na si Kiefer," natatawang bulong niya sa akin ngunit nangingibabaw ang singhot niya. Umiiyak na rin siya gaya ko. Damn it! Ang saya-saya ko ngayon.
[Angels Brought me here]
"It's been a long and winding journey
But I'm finally here tonight
Picking up the pieces
And walking back into the light
Into the sunset of your glory
Where my heart and future lies
There's nothing like that feeling
When I look into your eyes,"You are the reason why I'm still here, Kiefer. You always gave me hope, na walang susuko, walang iwanan. Tinaboy mo ako noon, alam mo bang sobrang sakit n'on? Para kang nandidiri sa akin, hindi mo kami kayang tanggapin ni Peyton.
![](https://img.wattpad.com/cover/216326109-288-k853201.jpg)
BINABASA MO ANG
BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)
ActionNang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan niya kaagad si Kiefer upang ipaalam na nakabuo sila at kailangan niya itong panagutan. Subalit, parang gumuho ang mundo ni Riley nang sabihin nitong hindi niya pananagutan ang bata. Pinalay...