Chapter 03

2.9K 109 21
                                    


**********

                      Someone POV

"Ama, kelan natin sasalakayin at papaslangin ang mga taga baryo?," tanong ng anak ko sa akin

"Sa biyernes santo kung kelan patay ang Diyos," nakangisi kong tugon sa kanya," Kaya magsipag handa kayo at magpalakas. Sa nalalapit na fiesta magsisipag datingan ang iba pa nating kamag anakan at kalahi kaya maghanda kayo ng espesyal na putahe para sa kanila,"

"Paano si Kapitan?," tanong ng isa naming kalahi sa akin," Hindi papayag yun sa gusto natin,"

"Akong bahala sa kanya," sabi ko sabay ngisi," Matagal ko ng naiplano ang gagawin sa kanya,"

"Magaling kapatid ko," ani ng kapatid ko sabay tapik sa balikat ko," Hindi kami nagkamali na ikaw ang iluklok sa posisyong iyan simula ng mamatay si Ama,"

"Handa akong mag lingkod sa inyong lahat," sabi ko sa kanila sabay yuko

Ako ang pang apat at bunsong lalake sa aming limang magkakapatid, pero ako ang pinili nilang maging kapalit ng aming Ama na namatay kasama ang aming ina at bunsong kapatid na babae

Dahil ako ang pinakamalakas sa kanilang apat kaya tinanggap ko ang inalok ng matandang aswang sa akin, wala naman tutol ang mga kapatid ko kaya sumang ayon na rin ako sa kagustuhan nila

"Sa kabilugan ng buwan, sa biyernes atrese, sa ganap na alas dose ng hating gabi magiging ganap ka ng isang malakas na aswang," ani ng isa ko pang kuya sabay yakap sa akin

Sa biyernes ng hating gabi, kailangan nilang mag alay ng isang birhen sa akin para maisakatuparan ko na ang pagiging isang malakas na aswang at pagiging isang pinuno sa kanilang lahat

"Aasahan ko na mayroon kayong makukuhang birhen," sabi ko sa kanilang lahat

"Makakaasa ka kapatid ko,"

"Makakaasa ka Panginoon," tugon ng mga nasasakupan ko at ng mga nakakatanda kong kapatid

"Sa makalawa, fiesta na sa ating baryo," sabi ko sa kanila," Mag imbita kayo sa mga kalapit na baryo ng mga bisita, bisitang ihahanda natin sa pagdating ng ating mga kalahi at kamag anak at ang iba ay ating gagawing kasapi,"

"Opo, Panginoon,"tugon nilang lahat sabay yuko sa aking harapan

Inaasahan kong maraming dayo na galing sa ibang lugar ang darating maging taga dito sa Lungsod ng Masapa, gusto kong dumami ang aking kampon para masakop na namin itong buong Lungsod at kami na ang maninirahan dito ng tahimik at wala ng gagambala sa amin

Kaya humanda kayo sa Biyernes Santo, lahat kayo ay aming papaslangin kung ayaw niyong sumapi sa amin

Ahahahahahaha

**********

                           Kate POV

"Nay darating sina Ate Mabel at kuya Randy," pagbabalita ko kina Nanay isang umaga ng Lunes

"Buntis si Mabel diba Ruben?," takang tanong ni Nanay," Ang pagkakaalala ko sa Abril siya manganganak, saktong holy week,"

"Oo, kaya dito daw po muna sila para may kasama silang mag asawa," sabi ko kay Nanay," Natatakot daw kasi si Ate sa kanila, naglipana na ang mga aswang,"

"Kahit dito din naman ah," tugon ni kuya Vince sa akin

"Malakas loob ni Ate Mabel kasi marami siyang kasama, kung silang dalawa lang daw baka mapa anak siya ng wala sa araw," tugon ko kay Kuya Vince habang nakatingin kina ate Akira na naglalaro ng basketball sa bakuran namin

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon