**********Someone's POV
"Ama, ano po sa tingin ninyo? Makikialam po ba ang mga taong lobo sa atin?," tanong ko sa ama kong pinuno ng mga aswang, umuwi ako para makapag handa na kami sa nalalapit na Semana Santa at sa Biyernes Santo
Kahit na may isang buwan pa bago sumapit ang araw na iyon, at yun ang paghahandaan naming lahat para lipulin ang mga taga baryo
"Hindi," siguradong sagot niya sa akin," Mahina na ang pinuno nila kaya kahit kaya nilang lumaban ay hindi sila lalaban sa atin,"
"Paano ang babaing mortal?," galit na sabi ng isang magandang babae na ngayon ko lang nakita," Hindi ako papayag na hindi ko siya mapatay at maipaghiganti ang kapatid ko,"
"Anak, isa siya sa lahing impakta," pakilala ng ama ko," Umanib sila sa atin ulet para pabagsakin ang buong baryo, pero sa panahon pa ng aking ama ng iyong lolo ay kaanib na natin sila, pero dahil sa kaguluhan ay nagkawatak watak tayo at sila,"
"Magaling," at humarap ako sa kanya, para lang magulat siya sa makikita niya
"IKAW?!," gulat niyang tanong ng makita ang mukha ko, napangisi ako sa kanya
"Oo ako nga," napahalakhak ako ng makita ang pagkagulat sa kanya," Sino ang tinutukoy mong babae? Si Akira ba?,"
"Oo," sagot nitong galit," Kaibigan mo siya? Paano at kailan?," takang tanong niya sa akin
"Matagal na," sagot ko," Since high school at hanggang ngayon," diretsong sagot ko
"Ibigay mo siya sa akin," utos niya sa akin na ikinailing ko nalang," Bakit dahil may gusto ka sa kanya tama ba?,"
"Oo, mahal na mahal ko siya, pero si Rohan ang pinili niya!," galit kong sagot sa kanya," At di ako papayag na mapunta lang siya doon,"
"Isa kang hangal na aswang!," sigaw niya," Anak kapa naman ng pinuno natin pero wala kang utak!," panunuya niyang sabi sa akin
Dahil sa inis ko ay sinakal ko siya at iniangat sa ere, lumalaban siya pero hindi niya kaya ang kapangyarihan ko bilang isang anak ng aswang at huling taga pagmana ng lahi namin
Isa lang ang tanging makakapatay sa akin, yun ang anak ng pinuno ng mga taong lobo, pero kahit kelan ay hindi ko pa siya nakikita, mas magiging mas malakas pa siya kapag naisalin na niya ang kahuli hulihang salin lahi nila, ang punla niya.
Mas malakas ang magiging anak niya sa henerasyon nila oras na maisilang ito, pero kailangan namin malaman kung sino siya at kung kanino niya ipupunla ang huling lahi niya para mapatay ang babae at ang anak nila
Wala ng mas hihigit pa sa Prinsipe ng mga lobo maliban sa kanyang anak, kapag naisalin na niya ang punla, mas magiging malaki pa siya kaysa sa karaniwan nilang laki at mas magiging malakas pa siya, kaya kailangan namin siya paghandaan sa oras na umanib sila sa mga taga baryo
"Bitiwan mo siya, anak," awat ng aking ama
"Pamangkin ko, napakalakas mo talaga," ani ng tiyo ko na nakakatandang kapatid ni ama," Walang duda na ikaw na ang susunod na papalit sa bunso naming kapatid, na siya mong ama,"
Pahagis kong binitiwan ang impaktang pakialamera, inis akong lumabas ng aming bahay, kailangan kong makabalik sa kanila agad para hindi sila maghinala sa akin
Hindi pa nila pwede malaman kung ano ang tunay kong pagkatao, kailangang mapasa akin muna si Akira bago ko sila pataying lahat sa araw mismo ng Biyerbes Santo, pero ang hiling ko sana wala pang nangyari sa kanilang dalawa
Hindi ako papayag na mapunta ka lang kay Rohan at siya ang pag alayan mo ng iyong kalinisan, akin ka lang o papatayin ko muna siya para mapasa akin ka lang ng buo
BINABASA MO ANG
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )
HorrorAswang, mga nilalang na katulad nila ay mga kampon ng kadiliman Kinatatakutan pagsapit ng dilim Ang lakas nila ay mula sa demonyo kaya nakapaghahasik sila ng lagim pagsapit ng gabi Date Started: March 15, 2020 Date Finished: June 09, 2020 ©All Right...