Chapter 24

1.7K 70 2
                                    


**********

Ilang araw nanalasa ng takot ang mga aswang sa buong baryo, wala silang pinalagpas na araw simula nang araw ng palaspas

Kaya halos lahat ay maaga ng pumapasok sa kani kanilang bahay, naghanap ng mas maayos na panlaban sa mga aswang, inayos din nila ng mabuti ang kanilang mga bahay, mas pinatibay at halos lagyan na nila ang bawat bintana ng makakapal na tabla para di lang makapasok ang mga aswang sa loob ng kanilang bahay

Araw ng huwebes, manganganak na ang isa sa mga buntis, nasa bahay na ng kapitan ang albukaryo at ang anak nito, hinahanda na ang mga gagamitin sa panganganak ng buntis

Umaga pa lang ay humihilab na ang tiyan nito, nilabasan na siya ng dugo at tubig kaya pinatawag agad ng kapitan ang mag ina para asikasuhin ang manganganak nilang kababaryo

Naglagay naman agad ng bawang at asin sa buong paligid ng kanilang bahay ang mga kalalakihan, isang halamang may tinik ang inilagay nila sa bawat labas ng bintana, mga walis tingting at buntot pagi sa loob ng kwarto ng manganganak na babae, nasa kabilang kwarto naman ang dalawa pang manganganak ng sabao glorya at linggo ng pagkabuhay

Mga kinakabahan at nakakaramdam ng takot ang mga ito dahil sa nangyayari sa kanilang baryo, halos dasal nalang ang kanilang panlaban ng mga oras na iyon

Sa di kalayuan ay may mga aswang na nagmamasid sa bahay ng kapitan, halos tumulo ang laway nila dahil sa napakabangong amoy ng sanggol na isisilang pa lanh, halos mamula na ang kanilang mga mata at handa ng sumugod kung hindi lang tirik ang araw ng mga oras na iyon na halos malapit ng sumapit ang kayanghaliang tapat habang nasa lilim sila ng punong balete

Nakikita din iyon ng mga taong lobo pero wala sila magawa kundi ang magmasid lang at balaan ang mga taong baryo sapamamagitan ng kanilang kapitan na nagbabantay din sa labas

"May mga aswang sa paligid," ani ng albularyo ng makitang kumukulo ang langis na nakalagay sa plastic na bote na nakasabit sa bintana kung saan malapit ang katre ng babaing manganganak na," Magbantay kayo," utos niya sa mga kalalakihan

"Opo, Lola," tugon ng mga kalalakihan na agad lumabas at pinaikutan ang bahay ng kapitan nila

"Hindi ko na po kaya," ani ng babae na umiiyak na sabi ng babae da mag ina," Tulungan niyo po ako,"

"Oo naman anak," ani niya sa babae," Umire ka lang pagkatapos mong magbilang hanggang sampo, naiintindihan mo ba?,"

"Opo, Lola," tugon nito sa kanya

"Paghumilab umire ka, sabayan mo ng ere ang paghilab ng tiyan mo," bilin sa kaharap

"Opo," pagsang ayon nito, gaya ng bilin ng albularya ay umire siya matapos magbilang at kapag humihilab ang tiyan niya ay sinasabayan niya ng pag ere

Nakabantay ang anak ng albularya sa paglabas ng bata para maiayos agad ang isusuot sa katawan nito para hindi malapitan ng mga aswang na nasa paligid lang

Ilang sandali pa ay pumalahaw ang iyak ng batang sanggol sa loob ng bahay, pasado na alas dos ng hapon na iyon, halos sampung oras naghirap ang babae para lang mailabas ng maayos ang kanyang unang anak

Nanlaki ang mga mata ng mga aswang na nasa damuhan at talahiban ng madinig nila ang pumalahaw na iyak ng sanggol, napangisi sila at di na napigilan ang pagtulo ng kanilang malapot na laway habang nakatingin sa bahay ng kapitan

Nagsenyasan sila na umalis na doon para makapaghanda sa paglisob kinagabihan at para sa sanggol na kanilang inaasam na makain, halos hindi sila mapakali dahil sa amoy nitong dumikit da kanilang ilong, halos maulol sila habang hinihintay ang pagasapit ng gabi para mapuntahan na nila ang sanggol na gusto nilang maging hapunan ng gabing iyon

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon