**********Gwen's POV
Kailangan na namin makatakas dito, halos wala ng bantay sa amin, kailangan namin matulungan ang mga kaibigan namin
Pero una kailangan kong gisingin si Akira, para hindi ako mahirapan sa kanya
"Akira, gumising kana please," yugyog ko sa kanyang balikat," Nanganganib ang ating mga kaibigan, please kailangan nila ng tulong natin,"
Agad akong tumayo at nagbihis ng damit, binihisan ko din siya ng kapareho kung damit para mailigaw namin ang aswang na susunod sa amin papatakas ngayong gabi
Malapit na mag alas tres mg madaling araw, kamusta na kaya sila doon?
Alam ko marami silang kalaban, kasama na ang mga taga Masighon, buong lungsod na puro mga aswang, sana may tumulong pa sa kanila
"Gwen?," gulat akong napalingon sa tumawag sa akin, si Akira at gising na pala siya," Sabi ko na nga ba at buhay ka," niyakap niya akong tumatawa sa sobrang tuwa
"Oo, pero aswang na ako," pagtatapat ko sa kanya sabay yuko," Kabilang na ako kina Mark, at isa pa nasa sinapupunan ko na ang binhi niya,"
"Wag kang mag alala, tutulungan ka namin," sabi niya sa akin habang nakangiti
Niyakap ko din siya ng mahigpit, gagawin ko ang lahat para makaligtas lang siya at ang nasa sinapupunan niya
Alam ko anak nila ni Rohan iyon, ilikigtas ko siya kahit kapalit pa ng buhay ko, hindi ko makakayanang mamuhay na kasama si Mark at ang kumain at pumatay ng mga tao
"Tara na," yaya ko sa kanya sabay hila sa kamay
May nadaanan kaming malaking itak at sobrang napakatalim niyon kaya kinuha ko at ibinigay sa kanya kahit nagtataka siya
Walang aswang na bantay sa amin o kahit si Mark, baka nandoon iyon at binabantayan ang ama nila, dapat lang na matakot sila dahil malapit ng mamatay ang ama nilang aswang
**********
Third Person's POV
Halos manlupaypay na ang mga taong lobo, marmi na din ang namatay sa kanila maging sa mga taga baryo, pasado ala una na ng amdaling araw pero parang pakiramdam nila ay isang buwan na silang nakikipag laban sa mga aswang dahil halos hindi maubos ubos ang mga iyon dagdag pa ang mga halimaw sa kanilang kapaligiran ay halos ubusin sa kain ang mga bangkay ng namatay na nga taga baryo at ng kanilang kalahi
Naubusan na din sila ng bala kaya halos hindi na din makatulong ang mga nasa itaas ng simbahan, kakaunti na rin ang mga buho, pana at mga asin kaya halos panawan na sila ng pag asa dahil sa kanilang nararamdaman
Si Rohan at ang mga kapatid niya ang humarap sa mag kakapatid na aswang, ang ama naman nila ay sa pinuno ng mga ito, halos magkasing lakas lang ang dalawa kaya walang halos gustong sumuko sa mga ito
Samantala nasa gilid na ng simbahan ang magkaibigan, hawak ni Akira ang itak na mahaba at matalim,
"Patayin mo ang pinuno nila," utos ni Gwen, " Para mawalan sila ng pinagkukunan ng lakas at umatras na sila,"
"Paano?," tanong niya dito
"Putulin mo ang ulo niya," utos ni Gwen," Lalakad na ako para linlangin sila, ikaw na ang bahala, basta hintayin mo ang sigaw ko ha?," ani niya sa kaibigan na nakatingin sa kanya
Tumango lang siya at agad tumakbo si Gwen papunta sa kinatatayuan ng pinunong aswang, pero bago siya makalapit sa pinunong aswang ay naharang na siya ni Mark
"Anong ibig sabihin nito, Gwen?," galit na tanong nito sa kanya," Kalahi kana namin at ina ng magiging anak ko?!,"
"Pasensiya kana, Mark," ani niya sabay ngisi," Pero hinding hindi ako pasasakop sa inyo!," sigaw niya sabay takbo para harapin ang lalaking aswang na bumaboy at nagpunla sa kanya
"Papatayin kita!," ani ni Mark sa kanya
"Mabuti pa nga at patayin muna ako!," sigaw niya," Para patay na din ang anak mo!,"
Natigilan ito sa kanyang sinabi, hawak hawak siya sa kamay at ang isa ay sakal sakal siya nito
"NGAYON NA, AKIRA!!," sigaw ni Gwen na ikinatigil ng lahat, kahit sina Rohan ay napatingin sa babaing tumalon mula sa may kataasang lupa sabay wasiwas ng matalim na itak sa pinunong aswang na nagulat sa kanyang pagsulpot
Nagulat at napatulala lang si Mark ng makitang gumulong sa paanan nito ang ulo ng kanyang ama, pati ang mga kapatid ng ama niya ay napatulala nalang sa nakita
"Tara na," takbo ni Gwen sabay hila sa kamay noya, halos walang nakakikos para patayin at harangan sila dahio sa nakakagulat na nangyari ng ilang sandaling nagdaan
Ilang sandali pa ay
"AAAMMMMMAAAA KKKOOOOO!!!," sigaw ni Mark sabay yakap sa ulo ng ama, umiiyal siya habang bumabangis ang kanyang anyo
Ilang sandali pa ay nagbago na siya ng kanyang ano, isang demonyo ang itsura niya, yumuko ang lahat ng magpalit siya ng anyo, habang hawak ang ulo ng kanyang ama
Ang kulay ng balat niya ay pulang pula na makintab tulad ng balat mg lechon, may isang mahabang bunyot na may sanga sa magkabilang gilid kaya naging tatlo na iyon, mga paang para sa kabayo, mga kamay na may mahahabang kuko at matatalim ang dulo
Mga namumulang mata na tila apoy na nagbabaga, may mga ngipin na tila pangio pero apat ang nakalabas mula sa taas at apat ang kalabas mula sa ibaba
May mahabang dila na may hati sa gitna na kagaya ng sa isang ahas
At higit sa lahat ay may apat itong sungay na kagaya ng sa kalabaw
"Patayin silang lahat!!," utos niya sa mga alagad niya, gamit ang isang nakakapangilabot na boses, matigas iyon, malalim na tila galing sa ikalaliman ng lupa, dumadagundong sa kapaligiran ang buo at may bagsik niyang boses
Agad na sumugod ang mga aswang, na akala mila ay tapos na dahil napatay na ang pinuno ng mga ito, pero may mas grabe pa palang kalaban na nag aabang sa kanila
Kahit pagod na ay patuloy pa sila sa paglaban ng mga oras na iyon, na halos mag aalas singko na ng umaga dahil pumupula na ang ulap pero sa isang iglap lang ay bigla nalang ulet dumilim ng iwasiwas ng demonyo ang kamay nito.
Lahat ay nanlumo dahil akala nila ay matataoos na ang labanang iyon pag sapit mg umaga pero nagkakamali pala sila dahil nag uumpisa pa lang ang tunay na laban nila
Sa di kalayuan ay napaupo sina Akira at Megan dahil hinahanap sila ng demonyo
"Demonyo si Mark at kalahating aswang," ani ni Megan," Delikado ka sa kanya, Akira,"
"Nakakatakot ang itsura niya, Meg," kinakabahang sabi niya sa katabi," Kelan matatapos ito? Sana may dumating na tutulong sa kanila," dalangin niya bago napaiyak dahil hindi sila makatulong sa mga kaibigan nila
"May awa ang Diyos, Akira," niyakap niya ito ng mahigpit habang pareho silang nag iiyak ng mga oras na iyon
Nang mahimasmasan ay agad silang tumayo at nagtago sa di makikita ni Mark, dahil oras na makita sila nito ay papatayin agad nito si Akira sa harapan ng lahat
Ipapakita niya kung paano niya dukutin at kainin ang puso nito kasama ang sanggol na nasa sinapupunan nito
**********
By:Akiralei28
BINABASA MO ANG
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )
HorrorAswang, mga nilalang na katulad nila ay mga kampon ng kadiliman Kinatatakutan pagsapit ng dilim Ang lakas nila ay mula sa demonyo kaya nakapaghahasik sila ng lagim pagsapit ng gabi Date Started: March 15, 2020 Date Finished: June 09, 2020 ©All Right...