Chapter 19

1.8K 70 1
                                    


**********

                         Third Person's POV

Umalis na rin sa kanilang baryo ang mga aswang, impakto at mga maligno para makapag simula na sila ng sama sama, hindi na din sila pinigilan ng mga taong Lobo para wala ng gulo na mangyari

Sa kabundukan sila nagtayo ng kanilang sariling baryo, gumawa ng kubo para sa kani kanilang pamilya at sariling batas na tanging sila lang ang nakakaalam kung ano ano man iyon

Pinayagan din sila kumain at pumatay ng tao para sa ikakadagdag ng kanilang lakas at tapang bilang isang aswang

"Sa biyernes, petsa atrese at kabilugan ng buwan," umpisa niya sa kanyang nasasakupan," Maghahasik tayo ng lagim at takot sa mga taga baryo!,"

Nagsipag ungulan ang mga aswang sa kanyang harapan bilang tugon at pagsang ayon sa kanya

"Mag aalay tayo ng limang birheng babae," dagdag pa niya," Maghanap kayo ng limang birheng babae sa baryo at mga batang malulusog. Ngayon tayo magdiriwang pagkatapos ng mahabang panahon na nagpasakop tayo sa mga taong lobo! Maghanda kayong lahat!,"

Agad kumilos ang mga lalaking aswang, nagtayo ng isang malaking silid sa gilid ng kanilang bahay, gagawin nila iyong pribadong silid para sa mga ganoong okasyong magaganap

Naglagay din sila ng malaking kulungan sa loob para sa kanilang mahuhuling bihag, halos maghapon silang naglinis ng kanilang buong baryo para sa isang espesyal na pag diriwang na magaganap sa atrese ng biyernes ng linggong iyon, halos lahat ay masaya para sa kanilang kalayaan at sa tatamasaing buhay sa mga darating na araw at buwan

**********

"Ama paano kung lumusob po ulet sila sa baryo?,"

"Lalabanan na natin sila," sagot ng panganay niyang anak," Hindi na natin sila nasasakupan kaya kalaban na natin sila,"

"Tama ang iyong kapatid," ani ng inang lobo," Basta lagi lang kayong mag iingat sa kanila,"

"Opo," kuro nila sa kanilang ina

Inayos naman nila ang kanilang buong baryo kung saan tanging ang kalahi nalang nila ang natitira doon, nilagyan nila ng bakod paikot sa kanilang baryo para hindi agad sila mapasok ng kanilang kalaban at para pananggala sa mga aswang

**********

Bago dumating ang araw ng biyernes petsa atrese ay marami ng nawawalang bata sa baryo Masapa, may limang kadalagahan na halos taong bahay at birhen ang nawawala sa kanilang baryo

Halos mabaliw ang mga magulang ng mga ito sa kakahanap, lumapit narin sila sa mga kapulisan para humingi ng tulong, pero wala pa din balita ang mga ito

Pero ang Kapitan del baryo ay alam kung sino sino ang kumuha sa mga bata at dalaga sa kanilang baryo maging sa ibang kalapit na baryo

Naibalita narin nila ito sa amang lobo pero hindi makita kung saan nagkukuta ang mga aswang, malalakas ang mga aswang lalo na kapag biyernes,  at kapag sumakto iyon na petsa atrese at kabilugan ng buwan ay mas malakas sila kaysa sa mga pangkaraniwang gabi

"Kailangan natin sila mahanap bago sila maialay at makain," may pangamba sa boses niya habang kaharap ang buong baryo

"Pero ama saan natin sila hahanapin?," tanong ng isa niyang kalahi," Masyadong malawak ang kabundukan at isa pa mamayang gabi na ang kanilang pagdiriwang,"

"Oo nga naman po Ama," sang ayon ng kanyang anak," Gagahulin ho tayo sa oras at isa pa po masyadong malawak ang kabundukan, mas masukal iyon kaysa dito sa tinitirahan natin,"

"Nasaan ang mga bihag nila?," tanong ng kanilang ina sa kanilang lahat," Kawawa naman sila,"

"Wala na tayong magagawa doon," malungkot na saad ng amang lobo," Maghanda nalang tayo sa pagsapit ng mahal na araw, lalo na ang biyernes santo kung saan patay ang Diyos. Susugod sila at papatayin nila ang lahat ng mga taga baryo pati narin ang ating lahi."

"Kaya kailangan natin magpalakas at maghanda," bilin ng panganay niyang anak na sinang ayunan ng lahat ng kanilang kalahi

"Mag ensayo at magpalakas na tayo,"

Sumunod sa pinakamatanda at kanang kamay ng amang lobo ang lahat ng mga ito kahit babae at bata ay kailangan nilang lumaban para maipagtanggol ang kani kanilang mga sarili pag dating sa digmaan

**********

11: 30 ng gabi

Napupuno ng mga sulo ang buong silid na iyon, nakayuko ang mga taong aswang habang nakikinig sa tatlong matatandang aswang na nagdadadal at nag oorasyon sa gitna ng kanilang entablado kung saan may nakahigang babae

Wala ni isa mang suot iyon kaya lantad ang maganda at mahubog nitong katawan, katabi nito sa mahabang lamesa ang amang aswang na wala din ni isang saplot habang nag aantay ng hudyat upang katalikin ang babaing iaalay sa kanya

"Simulan mo na, ginoo," utos ng matandang aswang na siyang lola nila," Malapit na ang hating gabi,"

Nagpalit ng anyo bilang aswang ang kanilang pinuno habang nakapatong sa babaing sigaw ng sigaw dahil sa takot, sindak at sakit na nararamdaman niya sa pang ibabang bahagi ng kanyang katawan

Walang pag aalinlangan ang aswang na pasukin ang kakiputan ng babaing alay, umagos ang dugo sa pagitan ng hita nito na lalong ikinaulol ng mga aswang, masayang masaya ang pinunong aswang sa kanyang ginagawa habang nakatulala na ang babae na kanina lang ay sigaw ng sigaw

Ilang ulet niya itong ginamit bago dinukot ang puso at kinain, iyon na ang naging hudyat para ilabas ang lahat ng bihag para  sa kanilang hapunan ng araw na iyon

Napuno ng iyakan, sigawan at pagkagimbal ang maririnig mula sa loob ng silid na iyon, halos lahat nagpakabusog sa kanilang mga bihag

Makalipas ang isang oras, busog ng nakaupo ang mga aswang, nagkalat sa buong paligid ang mga dugo, ibang lamang tao, mga lamang loob at higit sa lahat ay mga buto ng kanilamg biktima, ang iba ay sinisimot pa ang mga buto, yung iba pinupulot ang mga nagtalsikang laman ng tao para kainin bago nagpahinga dahil sa mga kabusugan nila

Kanya kanya na silang uwi sa kani kanilang bahay bago sumapit ang bukang liwayway, panibagong araw para sa kanila at panibagong biktima pagsapit ng gabi

Nakahanda na sila lumusob para sa kanilang pag laya sa matagal ng panahon, natigil sa pagkain at pamimiktima ng mga tao dahil sa pinuno nilang taong lobo, ngayon na malaya na sila at malakas ay magagawa na nila ang lahat ng kanilang naisin sa mga taga baryo

Maghahasik sila ng lagim, takot at sindak sa mga tao para umalis na ang mga ito sa baryo na kanila dapat na tirahan

Nagkapagplano na rin ang kapitan kasama ang ilang pinagkakatiwalaang tauhan ng amang lobo para magbantay kinagabihan, dahil alam lulusubin sila ng mga aswang pagsapit ng dilim kaya paghahandaan nila ang mga ito

Kumuha sila ng maraming buho ng kawayan, pinatulis ang bawat dulo at ibinabad sa asin na may bawang, mga gulok na yari sa tanso, karaniwang gulok na hinasa at pinatalim, binabad din sa asin at bawang, mga bala sa tirador na malalaking bato na ibinabad din nila at higit sa lahat inayos nila ang kanilang mga kubo para di mapasok basta basta ng mga aswang kapag lumusob na ang mga ito

Naghahanda na ang mga magbabantay sa buong paligid, mga sulo at ilawan ay handa na din, hinding hindi sila magpapatalo sa mga aswang na gusto silang gambalain

**********

By: Akiralei28

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon