**********Prologue
Aswang, saan ba galing at paano ito nagkaroon?Tiktik, ano ang koneksiyon niya sa mga aswang at iba pa nitong kahalintulad?
Marami sa ating paligid na mga nilalang na di natin alam kung saan galing at kung paano sila nabubuhay
Lumalabas lamang sila pagsapit ng dilim, naghahanap ng mabibiktimang tao at gagawing laman tiyan nila
Marami sila katulad halimbawa ng sigbin
Ang sigbin ay isang uri ng aswang, katawan ay sa aso at ang uli ay sa tao, nakatuwad ito samantalang ang ulo ay tuwid at nasa pagitan ng mga paa nito, naglalakad ito ng paatras
Nakakatakot ito at oras na makita mo ito sa gabi, tumakbo kana ng mabilis bago kapa niya gawing hapunan
Tiktik, isang uri ng ibon na pang gabi, malaki ito at napakaitim, hindi ito aswang kundi isang uri ng alaga ng mga aswang, kapag nakakarinig ka ng tiktik, kasunod nito ay ang aswang
Kapag malayo ang dinig mo ay nasa malapit lang ito, kapag malapit ang dinig mo ay napakalayo nito
Kapag naman nasa taas ang tunog ng tiktik, nasa lupa naman ito at kapag nasa baba ibig sabihin nasa taas ito ng puno o bubungan
Sabi nila kapag gusto mo makita ang tiktik at ang kasunod nito, kumuha ka ng telang itim at manipis, hanapin ang tiktik sa taas at makikita mo kung ano at sino ang kasunod nito
Aswang o manananggal at iba pang uri nito, ang manananggal ay di nakakalipad ng mataas kapag buo ang katawan nito, dahil napabigat ng pang ibabang bahagi ng ating katawan, kaya napuputol ito at naiiwan sa tagong lugar kasama ng mga lamang loob, tinatago nila ito para di mawala at makita ng taong bayan
Oras na mamatay ang kalahating katawan ng mga manananggal ay mamamatay narin sila dahil di na nila ito mababalikan at maidudugtong ang buo nilang katawan
Maraming uri ng mga aswang na nakatira dito sa mundo, nakakasalamuha natin at nakikita araw araw, pero pagsapit ng gabi sila ay ating kinatatakutan
At higit sa lahat kaya nilang magpapalit palit ng anyo, mula sa pusa, aso, baboy ramo, ibon at kaya din nila gayahin ang itsura ng isang tao, kahit na sa picture lang nila ito nakita
Kaya mag iingat tayo sa gabi kung tayo ay lalabas, magdala ng panlaban sa kanila
********
🕇🕇 AkriaLei28 🕇🕇
BINABASA MO ANG
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )
KorkuAswang, mga nilalang na katulad nila ay mga kampon ng kadiliman Kinatatakutan pagsapit ng dilim Ang lakas nila ay mula sa demonyo kaya nakapaghahasik sila ng lagim pagsapit ng gabi Date Started: March 15, 2020 Date Finished: June 09, 2020 ©All Right...