Chapter 11

2K 80 28
                                    


**********

                        Third Person' s POV

Nag iiyak na sina Nanay Rita dahil hindi pa nila nakikita ang anim sa mga oras na iyon, halos lampas na pananghalian

Nag aalala narin si Randy sa asawang buntis kung nasaan naba ang mga iyon, dalangin nila sana ay ligtas ang mga ito, dahil sisisihin niya ang sarili kung mapahamak ito at ang magiging anak nila, kung bakit ba naman niya iniwan ito sa mga kaibigan at pinsan nito

Tinutulungan naman sila ng kanilang mga kapitbahay para ayusin ang mga nasira sa bahay nila, inayos agad ng mga ito ang mga bintana, pinatibay nila, pati pintuan ay nilagyan nila ng makapal na kahoy para hindi na masira ng sinumang nang gulo sa mga nasa loob

Halos pasado na alas kwatro ng matapos ang mga pagkukumpuni sa bahay ng maga asawa, nagsipag alisan na ang mga tumulong sa kanila para makapaghanda naman ang mga ito sa bahay nila pag sapit ng gabi

Habang nakaupo sila sa may sala at halos walang kumikibo ay dahan dahan namang naglalakad ang anim palabas ng basement at papunta sa sala

Nakita nila ang mga ito na parang namatayan kaya nagkatinginan sila bago nagsalita

"Anong nangyari sa inyo, Nanay, Tatay?," tanong ni Kate na ikinalingon ng mga ito, agad tumakabo ang mga ito para yakapin ang anim na nasa harapan nila

Nag iyakan ang mga ito sa inaakalang namatay ang anim sa mga sumugod sa kanila noong gabi

Ikinuwento naman ng mga ito ang nangyari at nagpapasalamat sila dahil ligtas ang lahat at walang napahamak

Niyakap ng mahigpit ni Rohan si Akira ng magsolo sila sa sala at nagkwentuhan

"Pinag alala mo kami," bulong ni Rohan habang naka akbay kay Akira

"Sorry," ani niya sabay ngiti sa kasintahan, ilang sandali pa ay hinalikan siya nito sa labi bago inihatid sa kwarto nila

"Matulog kana, Rohan," ani ni Vince kaya napakamot nalang ito sa ulo ng tawanan siya ni Akira, umalis na ito sa tapat ng kwarto nila

**********

Kinabukasan ay nagpunta ulet silang lahat sa lamay ng Kapitan, sumama na si Mabel dahil sa naranasang takot, ayaw na niyang magpaiwan sa bahay kahit marami pa silang kasama

Nakaupo lang sila sa labas habang nagku kwentuhan kasama ng mga kaibigan nila habang busy sa loob ang mag asawa na tumutulong sa pag aayos ng makakain ng mga bisita

Maya maya pa ay lumapit sa kanila ang matandang albularyo

"Pwede ba akong makiupo sa inyo?," nakangiti nitong tanong sa kanila

"Opo naman, Lola Andeng," sagot ni Rohan at pinaupo sa tabi nito ang matanda

"Salamat," ani nito sa kanila," Kamusta kayo? Balita ko hinabol at sinugod kayo ng mga impakta kagabi?," diretsong tanong sa kanilang anim

"Oo nga po, nakakatakot po eh," ani ni Megan na nagkwento sa matanda ng mga nangyari sa kanila ng nagdaang gabi

" Mga anak," ani ng matandang matapos ang pagku kwento ni Megan," Naniniwala ba kayo sa mga Aswang?" tanong nitong bigla sa kanila

Nagakatinginan silang lima kasama ang mga binatang kaibigan nila, tumango lang sila pero di sila kumibo

"Kung ang pagbabasehan niyo ay ang mga napapanood niyo sa television o pelikula marahil kayo ay magkakaroon ng pagdududa tungkol sa kanila, tama ba?," tanong sa kanila

"Opo, tama po kayo, Lola," pagsang ayon ni Akira sa kaharap na matandang albularyo

"Kung may karanasan na kayo o nakakita ng aswang marahil ay alam niyo na ang mga iyon?
Kung pagbabasehan niyo naman ang mga kwento ng mga nakakatanda, lalo na sa mga probinsiya tulad nito marahil ay maniniwala na kayo?"

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon