Chapter 32

1.6K 59 1
                                    

**********

                         Third Person's POV

Kahit na nakapambiktima na sila ng tao at nakatikim na din ng karne ng tao ay patuloy pa din sila sa knilang gawain at pagta trabaho para sa kanilang mga anak

Kumalat naman sa buong Lungsod ang nangyari sa dalawang lalake na naging biktima ng mag asaaa kaya nagkatinginan lang silang dalawa at nagkunwari na wala silng alam

Nakikipag tsismisan din sila tungkol sa nangyaring patayan sa Lungsod ng Masapa kaya lahat ay pinag iingat ng kanilang kapitan at maagang umuwi pata sa kanilang kaligtasan

Pasado alas kwatro ay nagligpitan na ang lahat ng kanilng mga tindahan, pinasok na sa loob ang kanilang mga pninda at isinaradarong mabuti para hindi pasukin ng magnanakaw

Maaga din umalis ang mag asawa para umuwi pero hinarang sila ng ilang kakilala at pinapunta sa isang bahay na malaki para makikain dahil sa kasal ng isa sa mga anak ng may malaking katayan ng baboy ang ikinasal kung saan mas doon naglalagi ang asawa niya

Pinaunlakan naman nila ang mga iyon at pumunta kasama pa ng iba nilang kalapit tindahan kaya marami rami din sila doon

Lumipas ang mga oras na di nila namamalayan, halos pasado na alas onse ng gabi pero nandoon pa din silang lahat, ang asawa niya ay lasing na kaya mas lalo siyang kinabahan

Niyaya agad niyang umuwi ang asawa ng makaramdam na naman siya ng init sa katawan

Nakita niyang nagbabago na ang kanilang anyo ng pakunti kunti dahil iba na ang balat nila sa kamay, na lalo nilang ikinabahala

Agad silang nagpahatid sa bukana ng baryo Maligaya, na sinang ayunan naman ng may ari ng bahay kaya naka hinga sila ng maluwag

Kaya pa naman nila tiisin ang kalam ng sikmura nipa at ang pagpapalit mg anyo

Eksaktong alas dose ay nasa bukana na sila ng baryo Maligaya, agad silang nagmadaling lumakad para makauwi na agad sila

Pero sa kasamaang palad habang nasa kalagitnaan sila ng paglalakad ay bigla silang nagbabago ng anyo, naging halimaw na silang dalawa at handa ng maghanap ng kanilang makakain at mabibiktima

Wala silang kaalam alam na may naka kita sa kanilang dalawa na nagbago ng anyo, agad iyong umalis ng makitang lumipad ang mga ito papalayo sa kanilang baryo

**********

Kinabukasan, ala sais na ng gabi

Habang kasalukuyang naghahapunan ang mag anak ay nakadinig sila ng mga sigawan ng mga tao na papalapit sa kanilang bahay

Sumisigaw ang mga ito

"PATAYIN ANG MGA SALOT NG BARYO MALIGAYA!!," sigaw ng mga tao habang may hawak na sulo

"PATAYIN!!," segunda ng lahat habang papalapit sila sa bahay ng mag asawa

"Lumabas kayo mga impakto!!," sigaw mula sa labas ng bahay nila

Agad nagkatinginan ang mag asawa

"Ako na ang haharap sa kanila," ani ng asawa niya," Kumain lang kayo,"

"Mag iingat ka," paalala niya sa asawa niya, tumango lang ito habang tumatayo

"Magtago kayo mga anak," ani ng kanilang ina ng wala na ang asawa niya

"Opo, Nanay," kuro nilang dalawa

Samantala, binuksan na ng lalake ang pintuan ng bahay nila at hinarap ang mga galit na galit na taga baryo

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon