Chapter 04

2.5K 102 19
                                    


**********

                      Third Person's POV

Pasado alas nuwebe pa lang ng umaga ng isang tricycle ang huminto sa tapat ng bahay nina Nanay Rita at Tatay Ruben, dumating ang pamangkin nitong sina Mabel at Randy para doon muna pansamantala mamalagi hanggang sa makapanganak ang babae dahil sa wala sila kasama sa kanilang bahay para mag asikaso dito

Hinatid sila ng isang tricycle na kanilang inarkila hanggang doon, dumaan muna sila ng palengke para mamili ng kanilang ipapasalubong sa mag asawa at ilang stock para sa kusina

"Tiyang Rita, Tiyong Ruben," tawag ni Mabel ng makababa ng tricycle

"Mabel, Randy," nakangiting sinalubong sila ng mag asawa habang ang anim na binata ay pinagtulungang ipasok sa loob ng bahay ang mga gamit at pinamili ng mga iyon

"Pasok na tayo at delikado ka," ani ni Tatay Ruben sa pamangkin ng kanyang asawa, niyaya na nila ang mag asawa sa loob para makapag pahinga ang mga ito at makapag almusal na rin

"Mga kaibigan nina Anthony at Vanessa," ani ni Nanay Rita, pinakilala silang anim sa bisita ng mga ito

Tanguan lang at ngitian ang sagot sa bawat isa, maayos naman ang mga ito

"Ano bang meron sa inyo?," tanong ni Tatay Ruben sa mag asawa

"Mga aswang Tiyong," sagot ni Randy," Halos gabi gabing may mga pinapatay sa amin, yung ibang kapitbahay namin lumuwas na ng Maynila, nagsipaglikas na din ang iba, may iba na doon lang at nag iingat nalang sa gabi,"

"Naku dito meron din aswang," sang ayon ni Nanay Rita," May pinatay na din dito, kaya ingat na ingat na kami lalo na sa gabi,"

"Pwede po ba dito muna kami, Tiyang?," tanong ni Mabel sa tiyahin

"O siya sige, aayusin muna natin yung magiging kwarto niyo sa tabi ng kwarto ng mga dalaga namin," nakangiting sagot nito sa pamangkin," Sira kasi ang bintana noon, kaya Ruben ayusin niyo na yung bintana habang maaga pa, para doon na matulog sina Mabel,"

"O sige," sang ayon ng asawa nito sa kanya

Matapos makapag usap ay niyaya na ni Tatay Ruben ang dalawang anak na binata para tulungan siyang mag ayos ng kwarto ng mag asawa, tumulong din ang apat na binata at si Randy para mapabilis ang pag aayos ng kwarto nila

Samantalang ang mga babae naman ay sa kusina para sa kanilang tanghalian, sama sama silang naghahanda ng pananghalian at meryenda para sa walong lalake

"May gusto ka ba sa kanya?," tanong ni Vince sa kapatid na nakangiti

"Ha? Kanino?," kunot noong tanong sa kuya niya habang inaalis ang nakatakip sa sirang bintana

"Kay Akira," bulong nito sa kanya," Alam kong gusto mo siya, sa mga titig mo pa lang sa kanya ay alam ko na. Bakit di mo ligawan?,"

"Masunget at suplada," sabi niya na ikinatawa naman ni Vince,

"Mabait kaya siya, baka sayo lang, ahahahaha," tukso sa kanya nito

Nagkibit balikat nalang siya bago tuluyang inalis ang huling tabla na nakatakip sa sirang bintana

Si Akira at Kate ang naghatid ng meryenda nila kaya todo siko ang ginagawa ni Vince sa kapatid na panay tingin sa dalaga na nag aabot ng meryenda nila

"Salamat," ani ni Rohan ng iabot sa kanya ang juice na malamig at tinapay

"Welcome," tipid na sagot ni Akira sabay alis at labas ng kwarto

"Tama ako diba, kuya?," tanong niya ng wala na ang dalaga," Masunget, suplada at isnabera pa,"

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon