**********Linggo ng Palaspas
Lahat ng tao ay bumili ng palaspas at pumasok sa simbahan para magsimba at mapa bendisyunan ang kani kanilang mga palaspas na binili sa labas ng simbaha
Halos mapuno ang simbahan sa tatlong misang ginawa ng kanilang pari at sa pagbabasbas ng kanilang mga palaspas ng araw na iyon
Karamihan sa kanila ay apat o lima ang binili pero depende din sa laki at dami ng bintana at pintuan para doon isabit ang bawatbisang benditadong palaspas na panlaban sa mga aswang
May mga hiningi din silang agua bendita sa pari para isaboy sa mga aswang na susugod sa kani kanilang mga bahay
Pinatuhan din sila ng pari na ayusin maigi ang kanilang mga bahay, lagyan ng harang ang silong para di doon lumusot ang mga aswang na nasa anyong hayop
Sumunod naman ang iba sa binilin ng pari habang ang iba ay gumagawa ng mga sandata na panlaban sa mga aswang, nag ipon ng maraming buho ma pinatulis at ibinabad sa tubig na maraming bawang at tinunaw na asin
Nagsabit sila ng mga bawang sa mga bintana at pintuan habang nakasaboy ang mga asin sa loob ng bahay, sa tapat ng pintuan at mga bintana
May mga walis tingting din silamg pinatayo sa loob, mga buntot pagi na nakahanda ng ihampas sa katawan ng mahuhuling aswang napapasok sa loob ng kanikang pamamahay
**********
Samantala ang mga aswang naman ay naghahanda narin para sa paglusob nila ng gabing iyon, hinati sa limang grupo ang bawat aswang at pinaghalo halo para maging malakas ang kanilang hukbo laban sa mga taga baryo
Hindi sila papayag na makatakas ang mga taga baryo, uubusin nila ang mga ito oras na makapasok sila sa loob ng mga bahay
"Aw aw aaawwwwooooo,"
"Aw aw aw aaaawwwwwoooooo,"
Mahaba at makapanindig balahibong alulong ng mga aso sa bawat bahay na madaanan ng mga aswang, umiikot ikot ang mga ito at pilit na nagtatago sa mga nilalang ng kadiliman na maghahasik ng lagim ng gabing iyon
Umuungol na parang takot na takot at bahag ang mga buntot na sumuksok sa sulok ng bahay ng kanilang amo, itinakip sa mga mata ang mga paa para hindi makita ang mga nilalang na naglalakd sa gitna ng kalsada
Kung may makakasalubong man silang mga hayop na gala ay agad nila iyong hinuhuli at kinakain ng walang pakialam
Handa na ang lahat para sa pagsugod, tumakbo na ang mga taong aswang na parang aso o pusa kung maglakad gamit ang dalawang kamay at paa
Tumalon sa bubong at naglakad sa dingding ng mga bahay, pilit binubuksan ang mga iyon para makapasok, ang mga aswang na nasa anyong hayop ay sumuot sa silong ng bahay para maghanap ng butas sa sahig para mailusot ang kanilamg mahabang dila papunta sa mga batang may sakit, sanggol at mga nagdadalang tao
Yakap yakap naman ng kanilang mga ina ang kanilang mga anak habang nasa gilid ng oarte ng silid kung saan hindi sila maaabot ng mga aswang na pilit binubutas ang mga dingding at pilit binubuksan ang mga bintana
Nakaabang naman sa bawat bintana at pintuan ang mga kalalakihan na parte ng kanilang pamilya na may hawak na buho at gulok, nakaabang sa lulusot at papasok na aswang sa kanilang mga bahay, ipagtatanggol nila ang kanilang mga pamilya laban sa mga kampon ng demonyo na hayok sa laman at dugo ng tao
Samantala nasa paligid naman ang mga taong lobo, nakamasid sa mga aswang na nagkalat sa buong baryo, wala silang magahawang tulong para sa mga ito dahil may sakit ang kanilang Smang Lobo at walang mamumuno sa kanila kahit kaya naman nilang lumaban ng sabayan
Natatakot silang baka tuluyan iyong mamatay kapag nakialam sila sa mga ito, hindi nila alam ang kayang gawin ng patalikod ng Amang Aswang sa kanilang pinuno
Nakahanda naman si Kapitan na tumulong sa mga kababaryo niya kahit na nasa ordinaryong anyo siya at wala siyang lakas para sabayan ang mga ito ng harapan, hawak ang gulok at buho ay nakabantay siya sa pintuan, sa mga bintana naman ang mga anak na lalake at kapatid na lalake ang katulong niya
Nasa isang ligtas na kwarto naman ang kanyang asawa, dalawang anak na babae at ang tatlong buntis na pansamantalang doon tumuloy para sa kaligtasan ng mga magiging anak ng mga ito
"Paano ang buong baryo?," tanong ng kapatid noya na malapit sa kanyang pwesto
"Kanya kanya muna tayo ngayon, kuya," sagot niya na napayuko," Alam mo naman ang kalagayan ng ama natin, kung di siya nagkasakit dahil sa mga aswang baka matalo natin sila,"
"Sabagay tama ka," sang ayon nito," Walang kasing sama ang pinuno nila, para lang masakop nila amg buong baryo kailangan pa niya bigyan ng malalang sakit ang ating pinuno para lang makapaghasik sila ng lagim ng malaya,"
"Takot sila sa pinuno natin, sa ating Ama," tugon niya dito," Mas malakas ang ating lahi kaysa sa kanila kaya nagawa niya iyon,"
"Sana makahanap na ang albularyo ng lunas," dasal nito bago umayos ng tayo ng makarinig ng pagkalabog sa kanilang pintuan at bintana
Pilit iyong winawasak ng kung sinuman ang nasa labas at tapat niyon, alam nila mga tikbalang ito kasi ito lang ang may malalakas na paa para sumipa at gumiba ng matibay na harang
"Humanda kayo," bulong ni Kapitan sa lahat na sabay sabay tumango bago pumorma ng palaban sa harap ng kanilang pwesto
Marami na ang nasirang bahay dahil sa pagtutulungan ng dalawang grupo ng aswang, mga tikbalang at manananggal para sirain at pasukin ang isang may kalakihang bahay at may bagong panganak na babae
Kahit lima na ang kalalalihang nandoon ay wala pa din silang nagawa para ipagtanggol ang kanilang pamilya sa mga aswang na nakapasok sa loob ng kanilang bahay, napasigaw nalang sila sa sindak at takot ng dinumog sila ng mga ito at sabay sabay ihiga bago pinapak ang kanilang mga katawan at lamang loob
Pinag tag isahan ng mga ito ang mga taing nakita nila sa loob ng bahay, halos wala silang awang ginutay gutay ang mga katawan ng dalawang pamilyang nakatira sa bahay na iyon
Pumalahaw ng sigaw ang mga biktima habang kinakain ng buhay, nagtakip na lang ng tainga ang mga kalapit bahay ng mga ito ng madinig ang sigawan nila na kinakain at kinakatay ng buhay
Halos takot at pangamba ang namayani sa buong baryo ng gabing iyon, wala ni isa man sa mga ito ang nakatulog para mabantayan ang kani kanilang pamilya laban sa mga aswang
Kinaumagahan
Halos mapuno ng iyakan ang buong baryo sa sinapit ng kanilng mga kaibigan, kamag anak at ilan ay kapamilya nila
Nagkalat sa labas ng bahay at kalsada ang mga iniwang bangkay ng mga aswang, nagkalat ang mga lamang loob sa kalsada na di na nagawang maubos ng mga ito, mga buto at ilang parte ng katawan na nagkawatak watak dahil sa pag aagawan ng mga aswang
Tinipon ng ilang kalalakihan ang lahat ng bangkay na naandoon sa isang bakanteng lote para ibaon ng sama sama
Naghukay sila ng isang malaking hukay at may kalaliman para pagsama samahin ang mga bangkay ng kanilang mga kababaryo
Nagpadasal ang Kapitan para sa mga kaluluwa ng mga naging biktima
Sa di kalayuan ay nagtinginan lang ang mga taong lobo sa isa't isa, napapailing bago umalis sa lugar na iyon, wala silang nagawa para mailigtas ang maraming tao na namatay sa kamay ng mga aswang, ilang gabi pa kaya ang mga ito gagawa ng ganoong takot sa mga taga baryo?
"Hindi man lng tayo nakatulong," malungkot na pahayag ng isa habang naglalakad pauwi sa kanilang mga bahay
"Oo nga eh," sang ayon naman ng katabi nito," Kawawa naman ang mga taga baryo," malungkot pa nitong saad sa lahat
"Wala talaga tayo magagawa," sabi ng anak ng Amang Lobo na nasa likuran nila," Magdasal na lang tayo na sana makaligtas sila hanggang sa linggo ng pagkabuhay,"
"Tama ka," sabay sabay na kuro ng kanyangga kasamahan, tahimik na lang silang nagpatuloy sa paglalakad papauwi sa baryo nila
**********
By: Akiralei28
BINABASA MO ANG
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )
HorrorAswang, mga nilalang na katulad nila ay mga kampon ng kadiliman Kinatatakutan pagsapit ng dilim Ang lakas nila ay mula sa demonyo kaya nakapaghahasik sila ng lagim pagsapit ng gabi Date Started: March 15, 2020 Date Finished: June 09, 2020 ©All Right...