Chapter 43

1.6K 58 9
                                    


**********

                      Third Person's POV

"Anong ginawa mo kay Akira? Hayop ka talaga, Mark?!," gigil na sigaw ni Gwen ng ipasok si Akira sa kwarto nito ng nakangisi

Inihiga ang walang malay na si Akira sa kama kung saan natutulog si Gwen

"Reunion niyo ng kaibigan mo," pang iinis nitong sabi sa kaharap," Magkwentuhan muna kayo pagka gising bago ko siya patayin sa harapan ng lahat, ahahahahahaha," iniwanan na silang dalawa habang patuloy na tumatawa itong papalayo

Nilapitan ni Gwen ang walang malay na kaibigan, pinunasan ang dugo sa bawat gilid ng labi nito bago inayos ang pagkakahiga nito

Masama ang tinging binalingan niya sa di kalayuan si Mark na kasama ang isang matandang aswang na tila nag aalala ito at di mapakali

"Anong problema mo?," tanong ni Mark sa kaharap na matandang aswang na parang babaylan sa kanilang lahi

"Mamamatay ang iyong ama," babala nito sa kaharap," Isang kalahating tao at kalahating taong lobo ang makakapatay sa kanya!,"

"Ano?," gulat na tanong nito sa kaharap," Papaanong mangyayari iyon? Eh napakalakas na ng aking ama?,"

Napailing lamang ang matandang aswang na puro puti na ang mahabang buhok na hanggang tuhod at ganoon din ang mga mata nito

"Ang lahat ay may kanya kanyang kahinaan," ani nito," Katulad ng iyong lolo, namatay siya dahil sa anak nitong babaing mortal. Kaya ang iyong ama ay balaan mo at bantayan!," babala nito bago siya tinalikuran at umalis na doon sa harapan niya

Napalingon siya sa magkaibigan, nakita niyang nginisihan lang siya ni Gwen kaya naiinis siyang umalis doon para balaan ang kanyang ama na nasa baryo na para handa ng sumugod

**********

4pm

Halos makulimlim na ang buong paligid, wala ng araw na makikita dahil sa tila nagtago na ito sa malalagong ulap para hindi makasaksi ng madugong labanan ng mga taga baryo, mga lahing lobo at mga aswang na halos doble ang dami sa kanilang bilang

"Kakayanin natin ito," ani ng amang lobo

"Opo, Ama," sang ayon ng limang magkakapatid

Maya maya pa ay unti unti ng nagbabagong anyo ang mga tao bilang aswang, may mga malalaking aso, pusa, baboy ramo at mga ibong kulay itim,

Nasa gikid ang mga sigbin kasama ang mga kabayi, mga impakta at manananggal, nasa harapan naman ang mga aswang na kapareho ng tao ang anyo pero may matatakim na mga ngipin at kuko na handang punitin ang katawan ng kanilang mga biktima at pagkain

"SUGOD!!," utos ng Amang lobo kaya nagsipag suguran na ang lahat ng mga aswang

Nagbagong anyo na din ang mga taong lobo habang papasugod ang mga aswang sa kanilang pwesto

Pansin ang kakaibang laki ni Rohan, nadagdagan ang kanyang laki, mas malaki na siya sa kanyang ama, ang buhok niyang kulay golden brown ay may halo ng puti na tila kinukayan ang bawat hibla dahil sama sama ang dalawang kulay na iyon sa kanyang ulo

Kaya alam na nila na buntis si Akira at isang buwan na ito ng araw na iyon, kaya lalo silang nagpursigi na ipanalo ang laban para mahanap ito at mailigtas sa kamay ng dati nilang kaibigan na si Mark na ngayon ay nasa kuta na ng mga halimaw

Samantala sa taas ng simbahan ay oatuloy lang sa pagbaril ang mga bantay doon sa mga impakta at manananggal na nagliliparan sa paligid ng simbahan

Ang bala nila ay gawa sa tanso na binabad ng matagal sa kalamansi at asin kaya ang natatamaan ay namamatay agad at umaapoy iyon sa ere

Galit na galit ang mga kalahi ng mga iyon kaya sumugod sila sa bawat bintana ng simbahan para patayin ang mga may baril laban sa kanila

Halos hindi rin magpatalo ang mga aswang, tatlo laban sa isang taong lobo kaya halos hindi pantay ang labanang iyon para sa kanila, kahit na tinutulungan sila ng mga taga baryo na nasa loob ng simbahan

Hinahagis ang mga buho at pana sa mga aswang na mga binabad sa kalamansi, bawang at asin, na doble ang sakit na nararamdamab ng mga iyon

Sa kuta naman ng mga halimaw ay kausap ni Mark ang pinuno ng mga ito

"Alam kong gustong gusto ninyong kumain ng karne ng tao, tama ba ako?," nakangisi niyang turan sa mga iyon na nakatingin lang sa kanya," Pag bibigyan ko kayo, pero sa isang kondisyon,"

Tinignan siya ng pinuno bago umungol na tila nagtatanong kung anong kondisyon ang gusto nito sa kanilang lahi na mortal nioang kaaway

"Umanib kayo sa amin," sabi niya," Ubusin natin ang mga taga baryo at ang mga salot na taong lobo sa ating lahi!," galit niyang turan

Nagkatinginan ang mga ito na tila nag uusap kung sasang ayon ba sioa sa kagustuhan nito, pero wala din sipa magagawa dahil gutom na sila at gusto na nilang makakain ng karne ng tao

Takot naman sa kanila ang mga iyon dahil sa kanilang laway na nakakapatay ng kalahi nito kaya hindi sila takot kung sakaling traydurin sila ng mga ito

"Ano pumapayag na ba kayo?," tanong niya sa mga ito makalipas ang ilang minuto

Tumango ang pinuno ng mga ito kaya napangisi siyang lalo dahil alam niya na magtatagumpay sila sa digmaang iyon

"Magaling," sabi niya," Bantayan ninyo ang ama ko, at kung sino ang lalapit sa kanya patayin niyo agad!," bilin pa niya sa mga ito

Tumango lang ng sabay sabay ang lahat ng halimawa bago inilabas ang matutulis nilang kuko at mga ngipin sa harapan niya

"SUGOD NA!!," utos niya sabay turo ng direksiyon pababa ng baryo Maligaya

Napangisi siya ng makitamg mabilis na tumakbo ang mga halimaw na tila unggoy dahil sa puno naglalambitin pababa ng baryo

Humalakhak siya ng hindi na niya makita ang mga ito, umalis siya at bumalik sa kanilang baryo para bisitahin ang kanyang bihag, si Akira ang magiging alas niya kapag natalo ang mga kalahi niya at kung alanganin na sila sa laban

Samantala sa Lungsod Masighon ay naghahanda na din ang mga aswang doon para lumusob sa Lungsod ng Masapa

"Ipaghihiganti natin ang ating anak at ang iba pa nating kalahi na pinatay ng babaing iyon!," ani ng kanilang pinuno sa mga aswang na mahigit isang libo ang bilang na nasa harapan nito

"Tutulungan natin ang iba pa nating kalahi sa labanang ito!," ani ng asawa nito sa lahat bago umalulong ang mga iyon ng sabay sabay

**********

Pasado alas otso ng gabi, halos pagod na ang lahat pero tila hindi na matapos tapos ang kanikang pakikipag laban,

Nanlaki pa ang kanilang mga mata ng makitang dumagsa ang mga halimaw na bumaba galing sa kabundukan

"Kaya pa ba natin ito?," tanong ng isang taga baryo na tila nanlumo sa nakita nito

"Oo," sagot ng isang taong lobo," Magtiwala at magdasal lang tayo," payo nito sabay asinta ng pana sa mga naglilipanang manananggal na tila hindi nauubos at mga impakta

Halos lahat ang nasa isip ay makipaglaban para sa kanilang buhay at buhay ng nakararami, wla na silang oakialam kung hanggang umaga pa abutin ang kanilang pakimidigma sa mga kampon ng kadiliman ng gabing iyon

Kahit na halos igupo na sila ng pagod at antok ay di sila magpapatalo, nadidinig kasi nila ang ilang iyakan ng mga bata at matatanda dahil sa takot kaya lalong lumakas ang loob nila na makipaglaban ng mga oras na iyon

**********

By: Akiralei28

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon