**********
Third Person's POV
Halos di naman mapakali sina Akira kinaumagahan ng walang Gwen na umuwi, nag aalala na sila para sa kaibigan nila at kung ano ang nangyari dito
Lumabas si Akira na gulong gulo ang kanyang isip, naglakad lakad papunta sa bukana ng baryo Maligaya na nagbabakasakali na makasalubong ang kaibigang si Gwen
Pero nakarating na siya sa may simbahan ay wala siyang nakasalubong na Gwen, naupo sa may lilim ng isang puno habang nagpapahinga, malayo at malalim ang kanyang iniisip ng mapakunot noo sa kanyang nakita sa di kalayuan malapit sa damuhan
Agad siyang napatayo at nilapitan ang nakita niya, dinampot ang shoulder bag na kilalang kilala niya at siya pa mismo ang nagbigay niyon sa kanyang kaibigan
"Kay Gwen ito ah," bulalas niua ng makilala iyon," Bakit nandito ito at may bahid pa ng dugo?," sinipat sipat niya ang kabuuan ng bag na maliit
Napaupo siya at napaiyak, ng maisip na baka na biktima na ito ang aswang kagabi, niyakap niya anh bag habang nakaupo sa lupa
Iyon ang tagpong naabutan nina Kate at Megan, nagtaka sila kung bakit ito nakaupo doon at nag iiyak na may yakap yakap na maliit na bag
"Akira," ani ni Megan," Anong nangyari?,"
"Wala na si Gwen," iyak ni Akira sabay pakita ng bag nitong may dugo at sa di kalayuan ay ang punit na damit ni Akira
"Hindi," kuro nina Kate at Megan na napaiyak na din sa mga nakita nila, may mga dugo doon at punit na damit ni Gwen, andoon pa ang isang piraso ng doll shoes nito na naiwan
Kinuha agad nila iyon at inipon, umiiyak sila habang yakap ang bawat isa, hindi nila matanggap na nabiktima din ng aswang si Gwen
"Anong nangyari?," tanong ni Vince kay Megan ng maabutang umiiyak ang mga ito
"Wala na si Gwen, Vince," sumbong nito sa nobyo," Baka napatay na siya ng aswang kagabi
"Ha? Ano?," kuro ng apat nilang kaibigan na binata, kasabay ng pagdating ni Rohan
Niyakap agad nito ang nag iiyak na si Akira at pinatayo bago inalalayan pauwi sa bahay nila
Hindi sila makapaniwala na namatay ang kaibigan nila at ang masakit pa isipin ay naging lamang tiyan ito ng mga aswang
Halos hindi makapaniwala ang lahat dahil sa nangyari kay Gwen, masaya pa ito ng makita nila nang umagang mag paalama ito para pumunta sa bayan at mamili ng ilang kailangan nito
Wala ni isa man kina Akira, Megan at Vanessa ang kumikibo, tanging iyak lang ang kanilang ginagawa sa kanilang kwarto
Maging ang mga kaibigan nila ay malungkot din sa pahkawala nito pwera sa isang nilalang na natatawa sa kaloob looban nito
**********
Someone's POV
Ahahahahahaha
Nakakatawa ang mga itsura nila, mga tanga talaga ang mga tao
Sinadya kung iwanan ang bag ni Gwen doon pati ilang suot niya na punit at may bahid ng dugo para akalain nilang nilapa na ito ng mga aswang
Nikapa naman talaga siya eh, kaso iba naman yun at nasarapan ako doon
Ahahahahahaha
Ang dami kong tawa sa kanila, kung alam lang nila ang totoo baka napatay na ako kanina pa, kaso tuso ako kaya kahit na gusto ko na silang pagtawanan heto kunyari malungkot at dadamayan sila para hindi sila makahalata
BINABASA MO ANG
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )
HorrorAswang, mga nilalang na katulad nila ay mga kampon ng kadiliman Kinatatakutan pagsapit ng dilim Ang lakas nila ay mula sa demonyo kaya nakapaghahasik sila ng lagim pagsapit ng gabi Date Started: March 15, 2020 Date Finished: June 09, 2020 ©All Right...