Chapter 09

2.1K 81 22
                                    


**********

                   Megan's POV

Tatlong araw na kami dito na nagpapahinga at tatlong araw narin ang nakakalipas ng maranasan namin ang nakakatakot na pakikipaglaban sa mga aswang, lalo na sa isang baryo ng mga aswang

Hanggang ngayon kapag iniisip ko ang mga nangyari sa amin ay kinikilabutan at nanginginig pa di ako sa takot,

Paano na kami kung wala si Akira na gumabay sa amin kung paano labanan ang mga iyon?

Baka lamang tiyan na kami o isa sa mga kalahi nila, pero salamat talaga sa pinsan ko at nakaligtas kaming lahat sa panganib

"Saan ka pupunta?," dinig kong tanong ni Gwen kay Akira na papalabas ng bahay, tinignan ko lang silang dalawa, habang sina Kate at Vanessa ay nagbabasa ng kung anu ano sa tapat ko

"Kina Kapitan Ignacio," sagot niya na ikinakunot noo ko pati nina Kate

"Anong gagawin mo doon?," takang tanong ko sa kanya na napatayo nalang ako

"Aalamin ko kung nakauwi ba siya ng ligtas at ano ang ginawa sa kanya ng mga aswang," sagot niya kaya napatango nalang kami, yun pala ang usapan namin nila Kapitan, magkikita pagkatapos namin makatakas at makauwi ng ligtas doon

"Tara sama kami," kuro naming apat sa kanya na ikinatango lang niya, nagpaalam kami kina Nanay at Tatay napupunta kina Kapitan, di na sila nagtanong kung bakit dahil nagmamadali na kami umalis doon

Wala naman ang mga kaibigan namin doon dahil namalengke sila para sa stock namin ng isang buong linggo, kaya libre kami ngayon

Sumakay kami agad sa tricycle na dumaan at nagpahatid sa bahay nila Kapitan na nasa looban pa ng baryo

Sana ligtas din siyang nakauwi gaya namin

**********

                         Third Person's POV

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating din sila sa bahay ng Kapitan del baryo nila, bukas ang gate kaya nagtuloy tuloy lang sila sa pagpasok sa loob dahil may mga tao din naman sa tapat ng bahay ng mga ito

"Good morning po Kapitana," bati nila sa asawa ng Kapitan nila

"Good morning din Kate at sa inyong apat," nakangiting bati din nito sa kanilang lima," Anong atin at napasugod kayo ng maaga?,"

"Nandiyan po ba si Kapitan Ignacio?," tanong agad ni Akira," Nakauwi po ba siya galing doon sa Lungsod ng Masighon?"

"Nakifiesta din po kasi kami doon at nakita po namin siya, mga tatlong araw na po kami dito," dagdag pa ni Kate, naging mailap ang mga mata ng Misis ni Kapitan Ignacio, naging malungkutin ito at parang iiyak na

"Pasok kayo," yaya nito sa kanila, kahit nagtataka ay pumasok sila sa loob ng bahay at sumunod sa may bahay ng kapitan

Sa sala sila dinala nito kaharap ang Kapitan na nanonood ng tv

"Kamusta po, Kap?," kuro nilang bati sa kapitan

"Ganyan na siya ng makauwi dito," ani ng Misis nito sa kanila

"Ganyang ano po?," kunot noong tanong nila dito

"Bisperas ng gabi ng fiesta ng makauwi siya dito, hinatid siya ng driver niya, sabi niya masama daw pakiramdam ng asawa ko kaya inihatid nalang siya dito pauwi,"

Nagkatinginan silang lima sa kwento nito, alam nila nandoon pa ang Kapitan ng gabi ng bisperas at mismong araw ng fiesta

"Sigurado po kayo?," takang tanong ni Akira sa misis nito habang tinititigan ang nakatulalang Kapitan sa harapan ng tv

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon