Chapter 18 ( Part 01 )

1.9K 67 2
                                    


**********

                         Third Person's POV

Tatlong araw na nagbabantay ang mga taong lobo ng palihim sa buong baryo, lahat sila ay nakakalat at hindi nagpapahalata na may minamatyagang mga aswang sa paligid

Tahimik din ang mga aswang at nagpa plano kung paano aatake sa baryo

Ang iba ay nagpapanggap na taga doon para makahanap ng taong mabibiktima nila lalo na ang mga buntis na malapit na makapanganak

"Manganganak na ang asawa ni Kadyo," balita ng isang kapitbahay ng mga ito," Humihilab na daw ang tiyan niya,"

"Nasa bahay na nila tiyo ang albularyo pati na nag anak nitong manghihilot," sagot ng pamangkin ni Kadyo," Kambal daw kasi ang anak ni tiya," dagdag pa nito

"Tara puntahan na natin ang tiya mo," yaya ng matanda," Biyernes pa naman ngayon at bilog ang buwan, baka may dumating na mga aswang,"

"Mag iikot kami sa buong paligid," ani ng mga kalalakihan,"

"Nakahanda na ang mga sandata namin," sabi ng isang lalake," Binigay ni Kapitan ang mga buho at gulok sa amin,"

"Sige, kayong bahala basta mag iingat kayo," paalala ng isa pang matandang babae

Tumango ang mga ito bago nagsipag uwian at inihanda ang mga kagamitan nila sa pag roronda sa bahay ng kanilang kababaryo

Sa di kalayuan ay nagkatinginan ang dalawang aswang, naglalaway sila sa nadinig na balita at halos magutom sila sa mga pinag uusapan ng mga taga baryo, nagtanguan sila bago umalis doon

Ihahanda nila ang ilan pa nilang kasamahan para sa pagsalakay nila kinagabihan

Hindi nila nakita na napansin sila ng mga taong lobo na nasa di kalayuan, kilala nila ang mga iyon at alam nila na mga aswang ang dalawa

Nagsenyasan silang ipaalam iyon sa kanilang pinuno para makapaghanda sila at mahuli ang mga iyon

Inutusan ng iba ang dalawang kasamahan na umuwi sa kagubatan at ipaalam sa kanilang Amang Lobo ang plano

**********

"May manganganak na kambal sa baryo," pagbabalita ng isa sa dalawang aswang na nagmatyag sa baryo

"Kelan manganganak?," tanong ng isa sa pinaka pinuno ng mga manananggal habang inaayos ang langis sa kanyang lagayan

"Ngayong gabi," sagot nito sa kausap

"Baka mahalata tayo ng mga taong lobo," may pangambang sabi ng isang sigbin

"Hindi," siguradong sagot nito," Basta ipaalam lang natin kay Ama,"

"Sige, sige," sang ayon ng mga ito

Agad silang nagtungo sa bahay ng kanilang Amang Aswang at ipinagbigay alam ang plano ng mga itong paglusob sa taga baryo at ang pagkuha sa dalawang sanggol na isisilang ng gabing iyon

Pumayag ang Amang aswang, nagbilin itong ibigay sa kanila ang isa sa bagong silang na sanggol para paghati hatian nila ng kanyang pamilya

Pumayag ang mga kampon niya kaya nagdiwang ang mga ito at nagplano para sa paglusob nila kinagabihan, gusto nilang makuha ang isisilang na sanggol para makain nila

Dahil nagbibigay ito ng kakaibang lakas sa kanila at nagpapabata sa kanilang katawang tao, lahat ay handa na para sa pagsapit ng gabi

**********

"Basta maghanda kayo at mag iingat," payo at bilin ng kanilang Amang Lobo habang nagpapaalam silang bumaba ng baryo para tulungan ang Kapitan doon pati na ang ibang mga tao laban sa mga aswang na handang lumusob

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon