Chapter 07

2.3K 90 12
                                    


**********

                      Third Person's POV

"Magandang araw po," bati ng isang lalake na kababa lng ng owner kay Nanay Rita kasunod ang isa pang lalake na siyang magda drive

"Kapitan ikaw pala," nakangiting bati naman ni Nanay Rita sa kapitan del baryo nila, agad niya itong nilapitan," Pasok po kayo,"

Tumango lang ang Kapitan kasunod ang tahimik nitong driver na malikot ang mga mata at palinga linga sa kanilang paligid

Hindi napansin ni Nanay Rita ang palihim nitong pag amoy sa hangin at ang pag labas ng dila nito na tila nasasarapan sa naamoy nitong tila isang napakasarap na putahe

"Ruben, nandito si Kapitan Ignacio," ani niya sa kanyang asawa habang papasok sila sa sala kung saan nandoon ang lahat at nagku kwentuhan

"Magandang araw sa inyo," bati ng Kapitan pero tahimik lang ang kasama nitong tila hindi mapakali dahil sa naaamoy nito na napakasarap na pagkain sa loob ng bahay

"Magandang araw din, Kapitan Ignacio, tuloy po kayo," yaya ni Tatay Ruben

"Ikukuha ko lang po kayo ng maiinon at makakain," ani ni Kate sabay tayo

Naupo sina Kapitan at ang kasama nito sa harapan ni Mabel, titig na titig ang huli sa malaki nitong tiyan at panay lunok ng laway, hindi ito mapakali at tila ba gusto nitong sunggaban ang tiyan ng babae

"Mukhang manganganak kana, iha," puna ng Kapitan kay Mabel

"Opo, ngayong April po ang kabuwan ko, baka abutin pa po ng semana santa," nakangiting sagot ni Mabel sabay himas ng tiyan niya

Pansin ni Akira ang lalaking kasama ng Kapitan, alam niya nanganganib ang buntis dahil ang kaharap nito ay isang aswang

Ramdam niya ang pagkulo ng langis sa bulsa niya, palingon lingon ang lalake sa paligid, alam nito may isang tao doon na may langis

Nagtama ang paningin nila ni Akira, nanlilisik ang mga mata nito na unti unting pagpula, napangiti lang siya sa lalake, alam niya gagawa iyon ng paraan para mabalikan siya lalo na ang buntis

"Ate Mabel," tawag niya sa buntis," May ibibigay ako sayo," ani niya sabay kaway, nakuha agad ni Mabel ang ipinahihiwatig ni Akira kaya tumayo siya at pumunta sa dalaga na nakatayo sa di kalayuan

Nang tumayo na si Mabel ay naglakad na siya, saktong sa tabi ng lalake siya dadaan kaya laking gulat niya ng hawakan nito iyon ng pasimple at parang gigil na pinisil ang tiyan niya, nakita din iyon ni Akira kaya lumapit agad siya doon

"Tayo na Ate," tinabig ni Akira ang kamay ng lalake na lalong nanlisik ang tingin sa kanya, tinitigan din niya ito

Hindi naman iyon na pansin ng mga kaharap kaya walang kaalam alam ang mga iyon sa nangyayari sa pagitan nilang tatlo

Kabadong kabado si Mabel, pinagpapawisan ito ng malamig at pakiramdam niya ay tatalon sa sobrang kaba ang dibdib niya

Dinala siya ni Akira sa kwarto ng mga ito, isinarado nila ang pintuan at pinaupo niya ang buntis sa higaan ni Megan

"Kamusta na pakiramdam mo, ate Mabel?," tanong niya matapos abutan ng tubig ito

"Kinakabahan pa din at medyo masakit yung pagkakadiin niya sa tiyan ko, Akira," naluluhang sabi nito sa kanya," Ano ba ang taong iyon at bakit nanlilisik ang mga mata niya at mapula? Adik ba yun?,"

"Hindi," sagot niya sabay upo sa harapan nito," Isa iyong aswang ate,"

"Aswang ang tauhan ni Kapitan?," gulat nitong tanong sa kanya," Kung ganoon pati sina Kapitan ay aswang din?,"

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon