Chapter 33

1.8K 76 7
                                    


**********

                             Akira's Pov

Ngayong linggo na ang holy week at apat araw nalang ay biyernes santo na, na sinasabi nila Nanay Rita at ni Lola Andeng na maghihiganti at maghahasik ng lagim ang mga aswang,

Pero sana hindi, kasi kawawa ang mga taga baryo

Paano na kami at papaano namin sila lalabanan, kung napakadami nila? Kahit na nandiyan ang mgavtaong lobo na tutulong daw sa amin at sa buong baryo, ilang porsiyento na sigurado na talagang tutulungan nga nila kami?

Hay bahala na, basta ma pray na lang kami

"Pupunta po kami sa bayan, Nay," ani ni Kate kay Nanay Rita ng umagang iyon

"Sino ang kasama mo?," tanong niya kay Kate

"Kami po," sabay at kuro namin ni Megan sabay tawa ng tumingin siya sa aming magpinsan

"O, siya sige mag iingat kayo," bilin niya sa amin

"Opo," tugon naming tatlo

Wala ang mga kaibigan namin, pati ang mag aama, malamng nasa bukid ang mga ito para anihin ang mga gulay na dapat ng anihin, mga mais at kamote, kaya maaga silang nagsipag aliasan

Tanging sina Nanay Rita lang ang naiwan kasama si Ate Mabel at ang dalawa pa naming kaibigan na ayaw naman sumama sa amin dahil mga tinatamad gumala sa bayan

Mas ok narin kung di sila sasama, baka kasi gabihin kami at delikado pa naman ngayon dahil sa naglipanang mga aswang sa gabi, pero sana hindi kami gabihin, alas kwatro pa naman ang last trio kaya makakauwi kami bago gumabi

Nag abang na kami ng jeep papalabas ng baryo papunta sa bayan na halos dalawang oras ang biyahe, kung mabilis ang nagmamaneho

May mga street light sa bawat poste, ang ilang bahay ay yari sa bato o makakapal na tabla at may iba naman na yari sa pawid o dayami at kawayan ang dingding o sahig ng bahay

May tindahan sa di kalayuan at iyon na ang pinakamalaking tindahan dito sa baryo

Tahimik at presko ang hangin na gustong gusto ko, may ilog malapit sa bundok

Napagplanuhan namin na maliligo kami doon sa linggo ng oagkabuhay at ok naman sa kanila, sana nga walang mangyaring masama sa amin at sa buong baryo

Marami rami kaming sakay ng jeep, lahat halos ay papunta ng bayan para mamili ng kailangan nila sa bahay at kusina

Naramdaman kong uminit bigla ang kwintas kong bote na may langis, sinilip ko ito sa loob ng aking damit at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko

Kumukulo ito ng kulong kulo, kulang nalang ay sumabog ito sa pagkakakulo, ginawa ko kasing kwintas ang nabili namin noon na langis sa pantalan ng dumating kami,

Para hindi mawala at maiwan kung saan saan kaya nilagyan ko ng matibay na taling pang kwintas

Kinabahan ako sa aking nakita

Kapag ganitong kulong kulo ang langis, isa lang ibig sabihin nito, nasa loob ng jeep ang aswang o mga aswang, pero sino sino sila?

Bawat isa ay pinagmasdan ko, pansin ko ang isang matanda na masama ang tingin sa buntis na nasa tabi ko, nanlikisik ang mga mata nito

Medyo magulo ang kulot na buhok kaya nakakatakot siya tignan, halos wla siyang katabi sa upuan, malayo ang katabi nito, dalawang tao ang pwede mupo sa pagitan ng katabi nito

Kapitbahay lang namin itong buntis at sa pagkakaalam ko nasa ikawalong buwan na ang tiyan niya, malaki na iyon

Napailing nalang ako at nagdasal, na sana hindi siya sundan ng aswang pag uwi niya sa bahay nila mamayang gabi

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon