Chapter 12

2K 79 27
                                    


**********

                           Akira's POV

Bukas na ng umaga ililibing si Kapitan Ignacio pero wala pa din alam ang pamilya niya na ang ipinagluluksa nila ay isang puno lang pala ng saging at ang totoong katawan ni Kapitan ay naging hapunan at handa ng mga aswang noong gabi ng fiesta

Ano kaya ang nangyari sa kanya?

Kung hindi niya kami tinulungan malamang nahuli at nakain narin kami ng mga aswang na yun, salot talaga sila kahit kailan

Ano itong nangyari sa bakasyon namin?

Nakikipaghabulan sa mga aswang, nagtatago, natatakot at higit sa lahat pumapatay ng aswang

Pero kung hindi namin iyon gagawin buhay naman namin ang nasa peligro, sana matapos na itong nangyayari sa baryo nila Rohan

Malapit narin ang Semana Santa, isang buwan nalang at mahal na araw na, ano na ang mangyayari sa amin sa biyernes santo?

Ang isa pang iniisip ko ay si Melanie, kakaiba siyang aswang, alam ko malakas siya kumpara sa mga nakalaban namin, bukod tanging siya lang ang may kanal sa pagitan ng ilong at bibig

Alam ko mahal niya pa din si Rohan at nakita ko iyon sa mga titig niya noong nakaraang araw, mahirap kalabanin ang pag ibig ng aswang lalo na kung totoo talaga iyon

Mahal ko si Rohan at handa akong isugal ang buhay ko para lang matapos na itong kaguluhan sa baryo nila, hindi ako papayag na maagaw siya ni Melanie sa akin

Tutulong ako sa pakikipaglaban nila para sa kanilang katahimikan dito sa baryo bago man lng kami makauwi sa Maynila o kung makakauwi pa ba kami na kompleto

Wala naman maghahanap sa akin eh, wala na ako pamilya, step mother at step sisters meron, pero matutuwa ang mga iyon kung mawawala ako sa buhay nila o mamatay man ako

Bahala na sila sa buhay nila, wala na rin naman ako pakialam sa kanila, may pera naman ako at isa pa kaya ko naman magtrabaho pag kagaling namin dito, sana nga makaalis kami ng kompleto

"Lalim ng iniisip ng Mahal ko ah," bulong sa akin ni Rohan, nakalapit na pala siya ng di ko namamalayan, hinalikan niya ako sa pisngi

"Malalim ba?," tanong kong nakangiti sa kanya

"Oo, halos di nga masisid eh," pabiro niyang sabi na ikinangiti ko," Ano ang iniisip ng Mahal ko?,"

"Tungkol sa mga aswang, impakta at kung anu ano pa," sagot ko," Iniisip ko din kung makakaalis pa ba kami ng buhay dito o kung makakaligtas pa ba tayo sa kanila,"

"Matatalo natin sila, pangako yan," sagot niya sa akin," Aalis ba talaga kayo kung sakaling maayos na ang lahat? Paano ako, Akira?," tanong niya sa akin, tinitigan ko siya

Hinipo ang maamo niyang mukha

Kaya ko bang iwanan siya dito? Pero nasa Maynila ang buhay at trabaho ko, naming magkakaibigan, malungkot niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan ito kasabay ng pagpikit niya

Nakikita kong nasasaktan siya sa nalamang aalis ako pagkatapos kaguluhang ito

"Hindi mo ba ako mahal ha, Akira?," malungkot niyang tanong sa akin," Kasi ako mahal na mahal kita. Mamamatay ako kapag nawala ka sa akin, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka,"

"Mahal din kita, Rohan," ani ko sa kanya na nakangiti

"Pakiusap wag ka ng aalis," ani niya sabay yuko," Dito ka na lang sa tabi ko, magpapakasal tayo at bubuo ng sarili nating pamilya,"

Napapangiti ako sa kanya, alam kong mahal na mahal niya ako at ganoon din ako sa kanya

"Sige, pangako hindi na ako aalis," tugon ko sa kanya

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon