Chapter 21

1.8K 65 3
                                    


**********

Galit na galit ang amang aswang ng malamang halos kalahati ang napatay ng mga taga baryo sa mga aswang na sumugod ng gabing iyon

Halos umusok ang ilong nito sa galit at halos magtago ang kanyang mga kalahi dahil sa pagpula ng mga mata nito, tinubuan ng mga balahibo sa buong katawan, mga sungay sa ulo, buntot at higot sa lahat ang napakalaking pakpak na kayang itago angbkanyang katawan, malapaniki na itsura at mga kukong handang pumunit ng balat at humati sa katawan ng tao

"Mga hangal kayooo!!," sigaw nito sa mga kalahing nakayuko at takot salubungin ang kanyang galit na galit na anyo

Halos magiba ang bahay na nasa harapan nila dahil sa pagwawala nito

"Magsipaghanda kayo," utos nito sa lahat," Sa darating na Semana Santa tayo susugod lahat!,"

Nagkatinginan ang lahat at maya maya pa ay napangiti dahil sa bagong utos nito sa kanila

"May apat na buntis doon," dagdag pa nito sa kanila," At sa araw ng huwabes santo hanggang sabado glorya ay manganganak ang tatlo, ang isa ay sa linggo ng pagkabuhay,"

"Ano ang kukunin natin sa mga buntis?," tanong ng isang aswang

"Iyong manganganak ng huwebes santo hanggang sabado glorya. Pero ang pinakamahalaga ay ang ipapanganak ng biyernes santo kung saan patay ang Diyos nila, bwahahahahaha," tawa nito na nakakapanindig balahibo," Ibibigay ko iyon sa bunso kong anak na siya ang papalit sa akin kapag napatay ako sa labanang ito,"

Nagkatinginan ang lahat at maya maya pa ay sumang ayon naman sila sa kagustuhan ng mga ito, kakaiba ang bunsong anak na lalake ng pinuno nilang amang aswang, mas malakas ito kumapara sa ama nito at sa mga kapatid na lalake at maging sa kanilang ina

Pero bata pa ito, nasa edad sampu pa lang ito at sakitin kaya gusto ng Amang Aswnag na makuha ang sanggol na ipapanganak mismo sa araw ng biyernes santo dahil magbibigay iyon ng kakaibang lakas, liksi at kapangyarihan na pamunuan ang isang batalyong aswang, makakapagbigay din ito ng anyo na kabataan, mabagal na pagtanda at hindi madaling mapagod sa anumang labanang magaganap

Sumang ayon naman ang lahat sa gusto nitong ipalit sa kanya maging ang mga nakakatandang kapatid ng lalake ay pumayag din para na rin sa kanilang lahi na mapalago at maparami pa ito

**********

Gabi gabi na naghahasik ngvtakot, lagim at pangamba ang mga aswang sa buong baryo, lahat ng kanilang makikitang bahay ay kanilang sinisira at pilit na pinapasok, hinahanap nila ang buntis na manganganak ng biyernes santo, kailangan nilang makuha iyon bago pa mailigtas ng mga kalaban nilang taong lobo

Hindi pabor sa mga ito ang ginagawa nilang paglusob at pagsalakay sa sa buong baryo pero wala silang magawa kundi hayaan na lang ang mga ito, lumalaban sipa pero sa anyong tao

Ayaw ng kanilang ama na sumama sa pakikipaglaban sa mga aswang dahil babalingan din sila ng mga ito

Isang gabi, habang nasa bahay ang amang lobo at nasa baryo ang mga kasama niya ay pinuntahan siya ng amang aswang, kasama ang ilan pa nitong pinagkakatiwalaang malalakas na aswang

"Kamusta, kaibigan?," bati ng nakangising aswang sa kanya

"Anong maipaglilingkod ko sa inyi?," takang tanong niya sa biglaang pagsulpot nito sa kanilang tirahan habang wala siyang kasama

"Kinakamusta ka lang, kaibigan," naupo ito habang iniikot ang paningin sa buong bahay

"Maayos naman ang lagay namin," tugon niya dito, pansin niya na malaki na ang ipinagbago ng katawan nito simula ng umalis ang mga ito sa kanilang baryo, isang buwan na halos ang nakalilipas at dalawang linggo na lang bago ang semana santa," Ano ang pinaplano ninyo sa semana santa?,"

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon