Chapter 08 ( Part 03 )

1.9K 91 35
                                    


**********

Hi po 😄😄😄😄, mag a update po ako ngayon ng dalawang chapter, bz po kasi ako now.

Pasensya na po ulet, this is it😂😂😂😂

Enjoy po, vote and comment lang po libre naman po eh😆😆😆😆

Wala lang po sana mag basher sa akin✌✌✌

**********

                      Third Person's POV

Hindi mapakali si Akira, alumpihit siya sa kinauupuan habang panay ang tingin sa orasan na nasa kwarto nila, gusto na niya makaalis sila doon dahil nanganganib ang buhay nila habang tumatagal sila doon at umaandar ang oras

Tumayo siya at sinilip ang mga iyon na nasa likurang bahagi ng bahay ang mga kapamilya nila Lindy, nagsisiga sila at nakasalang ang isang napakalaking kaldero na may lamang kumukulong tubig, mga lamesa na mahahaba at tadtaran ay nakahanda na rin

Pati ang mga gulok at kutsilyo ay hinahasa na rin ng mga iyon para lalong maging matalas at matalim, lahat ng iyon ay di nakaligtas sa paningin ni Akira

Agad siyang naglakad ng mabilis para makaalis na sila, pasado alas nuwebe na ng gabi kaya naglalabasan na ang mga kalahi ng mga ito

Nasa kwarto ang apat niyang kaibigan kasama si Lindy na masama ang tingin sa kanya, hindi na lang niya iyon pinansin bagkus ay lumapit siya sa mga kaibigan

"Uuwi na tayo," yaya niya habang isinukbit ang bag sa likuran," Mapanganib,"

"Bukas na kayo umuwi," ani ni Lindy na pinipigilan ang mga ito," Wala ng masasakyan,"

"Oo nga naman, Akira," ani ni Kate, nagkatinginan sila ni Megan at alam na nito ang ibig niyang sabihin kaya tumayo na din ito at inayos ang bag sa pagkakasabit sa likuran nito

"Lalakarin nalang natin hanggang sa bayan, baka may masakyan pa tayo doon," mungkahi ni Akira, naglakad na siya papunta sa pintuan

"Hindi kayo aalis!!," galit na sigaw ni Lindy na ikinagulat ng mga kasama niya," Kayo ang magiging alay namin ngayong kapiyestahan, kaya hindi kayo pwede umalis,"

"Paraanin mo kami," ani ni Megan at hinila si Lindy papasok sa loob ng kwarto

"Papatayin ko kayo," sabi nito at kasabay ng pagsakal nito kay Megan ay unti unti itong nagpapalit ng anyo, isang nakakapangilabot at nakakatakot na anyo

"Aacckkk," daing ni Megan, nagyakapan ang tatlo ng makita ang unti unti nitong pagbabagong anyo, maitim ang kulubot na balat, humaba ang mga nguso na parang sa baboy, nagkaroon ng matutulis na mga ngipin at kuko

May mga itim na balahibong tumutubo sa buong katawan nito, mga matang nagkulay pula at mga pakpak na katulad ng sa paniki pero napakalaki nito at sinakop ang halos kaluwagan ng kwarto nilang iyon

"Mamatay kana, impakta," may diing sabi ni Akira, sinaksak nita ito ng tansong galok na lumusot sa puso nito

"Aahhh, aha haaaah haaah," naghihingalong at habol habol ang hininga nito habang sapo ang dibdib nito, agad binunot ni Akira ang gulok

"Tara na," yaya ni Megan sa tatlo, nagpalit na ito ng anyo bilang si Lindy ng nalagutan na ito ng hininga," Patay na siya,"

"Ihiga natin sa papag," ani ni Akira at agad nilang inihiga si Lindy at kinumutan, naglagay din sila ng mga unan sa bawat higaan nila at tinakpan ng kumot para di agad mapansin na wala na sila doon

Agad silang lumabas ng kwarto, mabilis pero may pag iingat ang kanilang lakad para hindi sila makagawa ng ingay

Walang katao tao sa sala nila maging sa terrace ng bahay kaya nakalabas sila ng maayos, patakbo silang pumunta sa kalsada ng makasalubong nila ang nagmamadaling si Kapitan Ignacio

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon