**********Akira's POV
Akala namin ay katapusan na namin ng mga oras na iyon, aswang at halimaw ang nakapaligid sa aming dalawa ni Megan,
Mga hayok sa laman at dugo ng tao ang magkabilang grupo at ayaw magpatalo
Nakakaawa ang manananggal na nalusaw dahil sa laway ng mga iyon, tanging buto nalang ang natira ng matuluan ng laway ng kalabang halimaw
Ngayon umatras na sila at tanging mga halimaw nalang ang natira, patay na kami ngayon
Sino ang tutulong sa amin ngayon?
Nagyakapan nalang kami ng makita kung tumalon ang isang halimaw na pasunggab sa amin
Diyos ko po, tulungan niyo po kami
Dasal nalang ang tangi kong magagawa sa aming magpinsan para makaligtas
Pero ilang minuto pa ang lumipas ay wala pang mga kuko ng halimaw ang dumapo sa aming dalawa kaya nagoasya kaming dumilat
Nakita namin ang malalaking aso, na halos kasing laki ng baka o kabayo nanakikipag away sa mga halimaw na iyon
Tulong ba namin sila o baka sila din amg kakain sa amin pag natalo na nila ang mga halimaw?
"Mga taong lobo," nakangiting sabi ni Megan sa akin habang nakatingin sa mga taong lobo na nagkikipag away sa mga halimaw
Pansin ko na hindi sila tinatalaban ng makandag na laway mgga ito kaya nagpapasalamat ako dahil wala namatay sa kanilang lahat
Dalawang asong kulay abo ang lumapit sa amin, sa pagkakatingin ko ay mukha silang mga babae, dahil sa iba ang kanilang hugis kumpara sa mga nakikipaglaban sa mga halimaw
At ang mga buhok ng mga ito ay medyo makakapal kimpara sa mga lalaking aso, nasa harapan namin ang mga ito na tila binabantayan kaming dalawa habang nakikioag away angbmga kasamahan nila na tantiya ko ay nasa beinte ang mga iyon, na halos malalakas sila
Maya maya pa ay nagsipag alisan na nagga halimaw na sugatan at ang iba ay napatay ng mga ito, nakita kong pinaikutan kami ng mga iyon at dalawang aso na lalake ang lumapit sa amin ni Megan na titig na titig sa amin
Pero bago pa sila makalapit ay nagpalit muna ang dalawang babaing taong lobo na nasa harapan namin, na ikinagulat naming magpinsan
"VANESSA/KATE?!," gulat naming tanong ng makilala na namin silang dalawa, nakangiti sila sa aming dalawa, punit ang kalahating parte ng suot nilang short at ganoon din ang damit nila na kita na ang tiyan nilang dalawa
"Kami nga," nakangiti nilang sagot sa amin
Tinignan namin amg dalawang aso na papalapit sa amin na unti unti ng nagiging tao kasunod pa ng iba na nasa paligid namin
"KAYO?!," gulat kong tanong ng makita sina Rohan, kuya Vince at Anthony, na tanging suot lang nila ay punit na pantalon na hanggang tuhod ng mga ito, wala silang suot na pang itaas ganoon din ang iba pang kasama nila," Kayo ang mga taong lobo?!," tanong ko ulet
"Oo," kuro nilang tatlo,
Napailing ako at napaupo dahil sa mga natuklasan ko ngayon
**********
Third Person' POV
Napaupo na lang si Akira habang tinitignan ang lima na nasa harapan niya, napailing lang siya at iniiwas ang tingin sa mga iyon
"Bakit hindi niyo sinabi sa amin?," malungkot niyang tanong sa mga ito
"Patawad," napayuko nalang si Rohan ng hindi matagalan ang mapanuting titig ng mahal niya
BINABASA MO ANG
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )
HorrorAswang, mga nilalang na katulad nila ay mga kampon ng kadiliman Kinatatakutan pagsapit ng dilim Ang lakas nila ay mula sa demonyo kaya nakapaghahasik sila ng lagim pagsapit ng gabi Date Started: March 15, 2020 Date Finished: June 09, 2020 ©All Right...