Chapter 40

1.6K 67 7
                                    


**********

                       Third Person's POV

Hindi umiimik si Akira habang nakasakay sa likuran ni Rohan na nasa anyong asong malaki na kulay golden brown, nakahawak siya sa buhok nito habang tumatakbo sila papalabas ng kagubatan at papasok sa kabilang gubat

Mabilis ang bawat takbo ng mga ito para hindi sila maamoy at agad na masundan kung sakaling hahabulin sila ng mga halimaw na iyon

Tahimik lang sila hanggang sa makarating sila sa isang pamayanan na parang kagaya din sa baryo Maligaya ang pagkakagawa niyon

May mga bahay na gawa sa nipa at kawayan, may mga tanim na halaman ang bawat oaligid ng kanilang mga bahay bahay

Sa bandang likuran ng mga kubo ay may maisan, taniman ng gulay at may palayan din sila, namumuhay sila bilang mga normal na tao na kagaya din sa mga taga baryo

Agad silang bumaba ng makarating na sila sa isang malawak na espasyo sa harapan ng mga bahay, agad nagpalit ng anyo ang mga kasama nila Rohan, nagsipaglabasan naman ang mga tao sa bawat bahay para salubungin sila

"Magandang gabi po sa inyo," magalang nilang bati sa mga taong nasa harapan nila

"Magandang gabi din mga binibini," kuro ng lahat sa kanilang dalawa

"Ama," ani ng tatlo sabay yuko sa isang lalaking may edad na din na tantiya nila ay nasa singkwenta na ito pero mukhang nalakas pa

"Mga anak ko," niyakap ang tatlong binata, nakatingin lang silang dalawa sa mga ito

"Kamusta kayong dalawa?," bati ng dalawang lalake sa kanila na nakangiti

Nagtinginan lang silang magpinsan na may pagtataka sa kanilang mukha

"Inaalagaan ba kayong mabuti ni Vince at ng bunso naming kapatid na si Rohan?," nakangiti ulet nilang tanong sa kanila

"Taong lobo din po kayo?," gulat ma tanong nilang dalawa sa mga kaharap

"Oo," kuro pa ng mga ito

"Kamusta po," yumuko sila at binati ang dalawang lalake na kanilang dating Professor sa Maynila

"Small world, huh?," may panuksong tanong sa kanila na ikinatawa lang nilang dalawa

Hindi nila alam na mga taong lobo ang dalawang mabait nilang Professor sa Maynila at kapatid pa pala nila Rohan ang mga ito at Anthony

Niyaya silang dalawa na pumasok sa loob ng bahay ng mga ito kasunod ang mag aama na nag uusap pa din, sinalubong sila ng isang ginang at niyakap

Kaya gumanti din silang dalawa ng yakap, mabait ito sa kanilang dalawa kaya hindi na sila tumanggi ng hainan sila ng pagkain, hapunan at mga prutas

Kumain silang dalawa habang kaharap nila ang ina ng limang binata, nasa sala ang mga ito at nag uusap habang sila ay kumakain sa may kusina

"Kamusta kayo mga anak?," magiliw na tanong nito sa kanilang dalawa

"Ayos naman po," maikli nilang tugon sa ginang

"Ako nga pla si Nanay Lucila, sino ang kasintahan ni Vince sa inyo?," pagpapakilala at tanong nito sa kanilang dalawa

"Ako po, Megan po ang pangalan ko, Nanay Lucila,"

"Ikaw si Akira?," tanong sa kanya na ikinakunot noo niya," Ang kasintahan ng bunso naming si Rohan? Ang dahilan kung bakit gumaling ang ama nila na aking asawa sa sumpa ng aswang na kanyang kaibigan,"

"Po?," gulat niyang tanong na ikinalito niya, hindi niya alam na ganoon pala ang nangyaru ng ibigay niya ang sarili kay Rohan ng ilang beses

"Ma," ani ni Rohan na kadarating lang sa kusina, tinignan siya nito pero umiwas lang siya ng tingin

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon