Chapter 26

1.8K 67 4
                                    


**********

                       Third Person's POV

"Lola Andeng, apo po ba kayo ng albularya?," tanong ni Megan ng matapos itong magkwento

"Apo ako ng anak niya," sagot nito sa kaharap," Sila ang nagkwento sa akin ng mga iyon kaya alam ko ang kwento nitong baryo,"

"So ibig niyo pong sabihin kung nabubuhay ang mga taong lobo magpasa hanggang ngayon ay matatanda na sila?," takang tanong ni Gwen

"Hindi," diretsang sagot nito," Kung titignan sila ay halos kaedaran niyo lang o ng mag asawa o nila Mabel," sabi sa kanila

"In short, mga immortal po sila?," takang tanong ni Ivan sa matanda, na tumango lang sa sagot nito

"Paano aalis na ako mga apo, mag iingat kayo," paalam nito sa kanila," Akira pwede ba tayo mag usap?," tanong nito sa dalaga," Kung pwede sana sumama ka sa bahay ko?,"

"Ah sige po, Lola Andeng," nakangiti niyang sagot sa matanda," Magpapaalam lang po ako,"

"Sige, magsama ka din ng isa sa mga kaibigan mong babae, para may kasama ka pauwi," bilin sa kanya na tumango lng siya

Nagbihis muna siya sa kwarto nila, nagdala ng katamtamang laki ng bag, inilagay sa loob ang bawang at asin, patalim na maliit na gawa sa tanso at buntot pagi na ginawa niyang sinturon, sinama niya si Megan, kung ano ang dala niya ay ganoon din ang dala nito

Matapos makapag paalam sa mga tao sa kanila ay umalis na silang tatlo, naglakad papunta sa may gubat kung saan ito nakatira

"Malayo po pala ang bahay niyo," puna ni Megan habang papasok na sila sa kagubatan, paakyat sa mataas na parte niyon

"Oo, dito na kasi ako lumaki, saka dito nakatira ang mga ninuno ko noon pa," paliwanag nito sa kanila, tumango lang si Akira bilang sagot habang nagmamasid at nakikiramdam sa paligid nila

"Feeling ko may nakatingin sa atin," bulong ni Megan sa katabi niya

"Meron nga," mahinang sagot ni Akira na ikinalaki ng mata ng pinsan niya

"Mga taong lobo," ani ni Lola Andeng," Nagmamasid sila sa buong paligid, baka bumalik ang mga aswang sa baryo,"

"Ah," napatango lang ito

"Kayo na ba ni kuya Vince?," tanong ni Akira sa pinsan niya," Ang sweet niya kasi minsan sayo eh,"

"Oo, kami na halos magta tatlong linggo na din, Akira," napayukong sagot nito sa kanya kaya napatawa nalang siya sa pinsan niya

"May namagitan na ba sa inyong dalawa?," tanong niya sa katabi," Alam mo naman ibig kong sabihin diba?,"

"Grabe ka naman, Akira," namula nitong pahayag

"Nagtatanong lang eh," ani niya," Kelan mo siya sasagutin ha?,"

"Ewan ko,"

"Sagutin mo na bukas," payo niya na lalo nitong ikinasimangot, na ikinatawa nalang niya ulet

"Pasok kayo," yaya ni Lola Andeng, hindi na nila namalayan na nasa tapat na sila ng bahay nito

Ahad silang pumasok sa loob, inilibot agad ni Akira ang kanyang paningin sa loob, nakakunot noo siya sa mga nakita niya,

Mga halamang gamot na pinatuyo, mga palaspas na nakasabit sa buong paligid ng bahay, mga kandilang puti na nakasindi pero hindi nalukusaw,

May krus at altar pa ito na naka pwesto sa pinaka silid na maliit at may mga libro tungkol sa panggagamot at pangontra sa mga kulam at aswang, naupo sila malapit sa kainan

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon