**********Third Person's POV
Atrese ng biyernes, na para sa pangkaraniwang mamamayan ay malas at walang swerte, dahil ang numerong trese ay malas lalo na kapag tumapat ito ng biyernes
Pero para sa mga aswang ito ay maswerteng araw para sa kanila, araw na pinakahihintay nila, ang araw kung saan magiging mas malakas pa sa pangkaraniwang aswang ang kanilang pinuno
Ang araw kung saan sila ay makakatikim ng putaheng magbibigay ng lakas sa kanila, na kahit dalawang linggong hindi sila makakain ng tao ay malakas pa din sila
Maswerte ang pagkain nila ng birhen dahil malinis iyon at buo pa ang katawan ng babae, wala pa itong karanasan sa kahit anong kamunduhan,
Ganap na alas tres ng hapon, halos hindi magkamayaw sa pag aayos ng isang entablado ang mga aswang para sa pag sasagawa ng ritwal ng kanilang pinuno
Nililinis ang buong kapaligiran ng silid na iyon pati ang mahabang lamesa kung saan ipapahiga ang kanilang alay para sa pinunong aswang
"Nasaan na ang mga bihag?," tanong ng nakatatandang kapatid ng pinuno nila
"Nasa isang kulungan na nasa loob ng malaking bahay," sagot ng mga inutusan nilang manguha ng mga kadalagahang birhen sa iba't ibang baryo para sa kanilang pinuno
"Magaling," napatango lang ito sa kausap," Mga birhen ba sila?,"
"Opo," yukong sagot nito," Iba po ang amoy ng kanilang dugo at napakabango po niyo kumpara sa mga hindi na,"
"Tama yun," matapos makakuha ng impormasyon ay umalis na ito doon para puntahan ang busno nilang kapatid na naghahanda para sa seremonya na gagawin kinagabihan
Maraming mga kalderong may takip ang nakahilera sa isang tabi, ang iba ay may mga mantsa pa ng dugo sa hawakan at takip pero di na iyon mahalaga sa kanila
Ang mahalaga ay may makain sila pagkatapos ng ritwal na kanilang gagawin,
Matapos maiayos ang mga upuan sa loon na kung saan nakaharap lahat sa entabaldong ginawa ng mga kalalakihan at kaharap ng mga ito ang mahabang lamesa na nasasapinan ng puting kumot, puti din ang takip ng mga upuan pati kurtina ay kulay puti din
May mga sulo sa loob ng bahay na iyon na nagsisilbing ilaw nila pagsapit ng gabi
Samantala sa baryo ay halos hindi mapakali s Akira sa kanyang kinahihigaan, pasado na alas otso ng gabi pero hindi pa din siya makatulog
Halos tulog na ang mga kaibigan niya, init na init siya at hindi dapuan ng antok kaya nagpasya siyang lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para makainom ng tubig
Bilog na bilog ang buwan sa labas ng makita niya ito sa maliit na bintana malapit sa kusina, napakatahimik ng gabi at halos wala siyang marinig maski huni ng mga pang gabing insekto kaya kinilabutan siya
Matapos makainom ay sumilip siya sa labas gamit ang maliit na bintana sa may sala, wala siyang makitang pagala galang aso o kahit pusa man lng, kahit hangin ay wala siyang maramdaman
Nagtataka man ay pilit na iwinaksi sa kanyang isip ang kilabot na nararamdaman, agad siyang bumalik sa kwarto nila pero sinilip niya muna ang kwarto ng mag asawa
May napansin siyang nakatuwad sa may paanan ni Mabel, inililislis nito ang suot na bestida, ng maiangat iyon ay hinipo ang maumbok na tiyan ng buntis, nakita niyang tulog na tulog ang kuya Randy niya kaya agad siyang pumasok sa kwarto nila at kinuha ang asin pati ang gulok
Naabutan niyang unti unting lumalabas ang dila nito papunta sa tiyan ni Mabel ng hagisan niya bigla ng asin iyon
Napadaing ito sa sakit at lumingon sa gawi niya, umuungol ito at lalong bumagsik ang nakakatakot nitong mukha, pumula ang mga mata at humaba ang mga kuko bago siya nilapitan para sugurin, nag anyong malaking aso itong itim at dahan dahang lumapit sa kanya
BINABASA MO ANG
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )
HorrorAswang, mga nilalang na katulad nila ay mga kampon ng kadiliman Kinatatakutan pagsapit ng dilim Ang lakas nila ay mula sa demonyo kaya nakapaghahasik sila ng lagim pagsapit ng gabi Date Started: March 15, 2020 Date Finished: June 09, 2020 ©All Right...