*********Third Person's POV
10am
Tanghali na pero madilim pa din ang buong kapaligiran dahil sa demonyong kaharap nila, marami ng namamatay sa kanikang kalahi at sa mga taong baryo
Halos pagod na pagod na silang lahat pero tuloy pa din sila sa paglaban, halos hindi maubos ubos ang mga aswang na sumusugod at dumarating sa kanilang pwesto
"Kailan ba ito matatapos?," tanong ni Jade sa mga kasama niya
"Hindi nin alam," sagot naman ni Vince sabay pugot sa ulo ng aswang na papalapit sa kanya
"Sana may dumating na tulong," dasal ni Ivan," Lugi tayo sa kanila, napakadami nila tayo ay kakaunti na lang,"
"Sana nga iho," ani ng ama ng magkakapatid
Patuloy lang sila sa pagsugog ng mga oras na iyon
Di na nioa alintana ang oras, pagod at gutom hanggang sa sumapit na naman ang gabi at sumikat ang napakalaki at pulang buwan na siyang umiilaw sa kanilang lahat
"Bukas, araw ng pagkabuhay, sana matapos na din ito," dasal ng isang Pari habag nakaluhod sa hatapan ng malaking altar," Ikaw na po ang bahala sa amin, Diyos ko,"
"Magdasal lang po tayo, Father," ani ng isang sakristan sabay luhod," Na bukas pag sikat na pagsikat ng araw ay tapos na po ito at ligtas na po tayong lahat,"
"Tama ka, anak," ani ng Pari," Maniwala at manalig tayo sa Poong Maykapal,"
**********
12am
Nanlulumo na silang napaupo sa lupa ng masukol na sila ng mga aswang, pinaikutan silang lahat habang nasa anyong tao,
Tanging mga nasa loob na lang ng simbahan ang natitira at naligtas dahil hindi doon makapasok ang demonyo
Nakangisi itong tinitigan ang mga taong lobo at ang mga taga baryo na nahuli nila na kasama ng mga itong lumalaban sa kanila
"Ngayon talo na kayo," ani ni Mark na unti unting bumabalik sa dating anyo," Amin ang tagumpay, ahahahahaha,"
"Magpakasaya ka hanggang gusto mo!," bulyaw ni Rohan," Pero mananalo pa din kami laban sa inyo!,"
"Matapang ka ha!," at sabay suntok sa mukha ni Rohan, napabuga lang ito ng dugo dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya
"Bakit mo ba ito ginagawa sa amin, Mark?," naguguluhang tanong ni Jade sa kaibigan," Kaibigan mo kami, please itigil muna ito!,"
"Sige, pero sa isang kondisyon,"
"Ano?," kuro nina Jade at Ivan
"Sumapi kayo sa akin," ani nito sa kanila
Umiling lang ang dalawa sabay ngiti sa dati nilang kaibigan, nagdadasal na sana ay may dumating na tulong sa kanilang lahat
**********
"Saan tayo pupunta, Gwen?," tanong ni Akira habang patuloy lang sila sa pagtakas, may mga aswang na humahabol sa kanilang dalawa
"Sa ligtas na lugar," ani nito sa kanya
"Ang dami nilang humahabol sa atin," nilingon niya ito at ng makitang marami iyon ay mas binilisan pa nila ang pagtakbo hanggang sa magkahiwalay na silang dalawa
Nasa kanan napunta si Akira at sa bandang kaliwa lumiko si Gwen at nahati din ang aswang na humahabol sa kanilang dalawa
Nagulat nalang si Gwen na hindi na niya kasunod si Akira kaya kinabahan siya at natakot na baka mapahamak ito
BINABASA MO ANG
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )
HorrorAswang, mga nilalang na katulad nila ay mga kampon ng kadiliman Kinatatakutan pagsapit ng dilim Ang lakas nila ay mula sa demonyo kaya nakapaghahasik sila ng lagim pagsapit ng gabi Date Started: March 15, 2020 Date Finished: June 09, 2020 ©All Right...