**********Akira's POV
Ilang gabi ko ng naririnig ang mga kakaibang ingay sa paligid, mga ingay na parang may tumatakbong kabayo, mga alulong ng aso at mga pagaspas kung saan gumagawa ng malalakas na tunog ng hangin
Nagtataka din ako kasi maaga pa lang ay nagsasaing na sila Nanay Rita, pagpatak ng ala sais ng hapon lahat ng kabahayan ay nagsasarado na ng kani kanilang bahay
Pati dito ay saradong sarado at naka lock lahat ng mga bintana at mga pintuan, tapos matutulog na kami after namin kumain ng hapunan
At ang lalong ipinagtataka ko ay ang pagkulo ng langis, kulong kulo ito na nagpapahiwatig na nasa malapit lang ang aswang o mga aswang
Aalamin ko kung ano ang meron sa baryo Mapayapa, para makapaghanda naman kami
Wala ang pito, sumama kay Tatay Ruben na nagpunta sa bayan kanina pagkatapos namin mag almusal
Kaming tatlo lang nila Nanay Rita at ang bunsong si Kate ang naiwan ngayon dito
Nasa may kubo si Nanay Rita at naglilinis ng gulay para sa magiging tanghalian naming tatlo, hapon na daw makakauwi ang mga iyon
"Nay, tulungan na po kita," ani ko sabay upo sa tapat niya, hinimay himay ko ang sitaw at nilagay ko sa bilao kung saan halo halong gulay ang mga nandoon
"Sige," nakangiti niyang sagot sa akin," Bakit di ka sumama sa kanila gumala sa bayan?,"
"Wala po akong gana gumala ngayon," sagot ko sabay ngiti," Nay, may itatanong po sana ako sayo eh," pag uumpisa ko
"Ano iyon,?" ani niya at tanong sa akin sabay tingin
"Ano po ang mga ingay tuwing gabi? Saka bakit maaga pa lang nagluluto na kayo ng pag kain? Tapos nagsasara ng bahay? May last trip at first trip dito,?" sunod sunod kong tanong sa kanya na ikinatawa niya
"Nag iingat lang kami para di mapahamak, kapag gusto mong magpunta ng bayan, ang first trip ay alas siyete ng umaga, ang last trip ay alas diyes ng umaga, sa hapon ang first trip ay alas dos ng hapon at ang last trip ay alas kwatro ng hapon. Wala ng bibiyahe palabas at papasok, "
"Pero bakit po?," takang tanong ko
Hindi siya kumibo sa tanong ko, nagpatuloy lang siya sa pag gagayat ng mga gulay
"Dahil po ba sa mga aswang? Sila po ang mga gumagawa ng ingay tuwing gabi di po ba?," diretsang tanong ko sa kanya
Tinignan lang niya ako ng seryoso
"Naririnig ko po sila tuwing gabi at ang langis kumukulo po ng kulong kulo. Nay may aswang po dito di ba?," tanong ko sa kanya
"Oo," sagot niya sabay bugtong hininga," Simula ng maghasik sila ng lagim at takot sa mga kababaryo namin ay nagkaroon na kami ng curfew, para din sa kaligtasan namin. Kaya maaga kami nagsasara ng mga bahay, kasi minsan maaga sila sumalakay dito sa baryo,"
Napatango lang ako sa kanya at di na nagtanong pa, tinulungan ko nalang siya para matapos na kami at makapag handa na ng tanghalian
**********
Third Person's POV
Bandang alas kwatro na ng hapon nakauwi ang mga kaibigan niya kasama ang mag aama, ang panganay na si Vince at si Rohan dala nila ang L-300 para marami ang maikarga nilang stock para sa tatlong araw nilang kakainin
Agad silang nagtulong tulong sa pagpasok ng mga pinamili nila habang nagluluto na nag hapunan ang mag ina
Tahimik lang sila habang pinapasok ang mga pinamili ng mag aama at ng mga kaibigan niya
BINABASA MO ANG
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )
HorreurAswang, mga nilalang na katulad nila ay mga kampon ng kadiliman Kinatatakutan pagsapit ng dilim Ang lakas nila ay mula sa demonyo kaya nakapaghahasik sila ng lagim pagsapit ng gabi Date Started: March 15, 2020 Date Finished: June 09, 2020 ©All Right...