Chapter 34

1.7K 75 2
                                    


 
**********

                        Third Person's Pov

Pagsikat na pagsikat pa lang ng araw ay kanya kanya ng labas ang mga tao para tignan ang nangyaring kaguluhan

May nag iyakan at nandiri sa mga nakitang kalat na mga bangkay at putol putol na mga bahagi ng katawan ng kanilang kapitbahay, kaibigan, kamag anakan, anak at ang iba ay kanilang asawa na inabutan na ng gabi sa lansangan

Sila yung mga taong hindi pumasok sa kani kanilang mga bahay, bagkus ay nag inuman at kwentuhan pa kahit na alam na nilang may panganib sa kanilang baryo

Napapailing na lang sa awa ang Kapitana habang tinitignan ang bawat bangkay ng kailang kababaryo

Nagdatingan ang mga bumbero para linisin ang mga kalat sa kalsada, mga dugo, putol na katawan at ang iba ay laman loob ng tao, tulong tulong na maisakay sa trak ng basura para ilibing ng sama sama sa paanan ng bundok

Doon gumawa ng malalim na hukay ang isang tractor kung saan ililibing ang mga iyon

Nasa labas ng kanilang bahay sina Aling Rita kasama ang asawa, anak at mga kaibigan ng mga ito habang hinihintay ang tatlo

Nang may dumating na mga kamag anak ang mga ito para makamusta din silang lahat

"Kamusta kayo po kayo Nanay Rita?," bungad niya sa mga ito

"Ayos lang kami, kayo?,"balik tanong ng ni Nanay Rita sa kapitbahay nila na si Allan

"Ayos lang din po," sagot niya habang may hinahanap ang paningin niya sa mga ito" Asan sina Kate, Megan at Akira,"

"Wala sina Akira," ani ni Ivan," Di pa sila nakakauwi simula kahapon ng magpunta sila ng bayan," malungkot nitong sabi sa kanya

"Ha? Bakit?," gulat na tanong ni Aling Diane, ang mama ni Allan katabi nito ang asawang si Mang Greg, habang nagmamasid sa daan

"Di ko alam," iyak na sabi ni Aling Rita," Sana ligtas silang tatlo,"

"Sana nga," bulong naman ni Aling Diane sa kapitbahay at kaibigan nila

"Tara, guys," yaya ni Rohan sa mga binata," Mag ikot ikot tayo at maghanap ng matutulungan,"

"Sige," sang ayon naman ng mga ito

Umalis ang lima habang papasok sa loob ng bahay ang mga naiwan nila, pinuntahan nila ang pwesto ng Kapitana at tumulong sa pagsasakay ng mga bangkay sa trak ng basura para mailibing na ang mga ito

Ang iba ay inaayos ang bahay na pilit sinisira ng mga aswang, pinatibay ang mga dingding, pintuan at mga bintana para sa kaligtasan nila sa pagsapit ng gabi, na kanilang kinatatakutan

Samantala, nagising na sina Akira, hinandaan sila ng almusal ng mga ito bago man lang sila magsipag uwian sa kani kanilang pamilya,

Matapos makapag hilamos ay agad silang dumulog sa hapagkainan at kumain ng tahimik

After an half hour ay ready na sila sa pag uwi, nagpasalamat sila sa isa't isa saka lumabas ng bahay

Kasabay nilang tatlo ang buntis at ang mag lola na nakatira pa sa dulo, tahimik lang silang naglalakad habang nasa unahan nila ang bombero na naglilinis ng kalsada

"Grabe ang pinsalang ginawa ng mga aswang kagabi," ani ng buntis na si Ella

"Oo nga ate Ella," sang ayon ni Megan habang kinikilabutan sa mga nakikita at sa amoy ng dugo na humalo sa hangin

"Umpisa pa lang iyan," ani ni Lola Isay," Marami pang gabi na sasalakay sila at papaslang, kaya mag iingat tayong lahat,"

Nag uusap ang mga ito habang sila ni Akira at Kate at tahimik lang na nakikinig sa mga ito

ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon