**********Akira's POV
Paano na kami ngayon?
Halos lahat ng kinatok naming bahay at hiningian ng tulong ay walang nagbukas sa kanila
Naaawa na ako sa kanilang apat, alam ko mga pagod na sila, gutom at inaantok
Kapag wala pang nagpapasok sa amin tiyak mamamatay kaming lima sa mga aswang na naglipana sa buong paligid
Ano na ang gagawin namin ngayon?
Halos ubos na ang asin naming baon, tanging itong tabak na tanso at mga buntot pagi nalang ang natitira naming panlaban
Diyos ko, parang awa mo na po, tulungan mo po kami na malagpasan ang gabing ito.
"Akira," kalabit sa akin ni Megan
Napakunot noo akong nilingon siya
"Pasok na tayo," yaya niya sa akin.
Nagyon ko lang napansin na kaming dalawa nalang ang nandito sa labas ng bahay na may tindahan na huling pinuntahan namin, medyo malaki iyon at maayos kaya alam kong ligtas kami sa loob
Napangiti nalang ako at may naawa sa amin
Salamat po, Diyos ko sa taong nagpapasok sa amin
"Tara na at baka makita pa nila tayo dito," yaya niya sa akin
"Sige," sang ayon ko bago sumunod sa kanya papasok sa loob ng bahay, nilingon ko pa ang mga papalapit na aswang dito sa centro bago ako tuluyang nakapasok sa loob
Nakita ko ang dalawang matanda, isang babaing buntis at tatlong lalake, isa siguro ang aswa ng babae at kapatid ng lalake o babae ang dalawang lalaking nakaupo sa lapag at halatang nabulabog namin ang pagtulog nila
Naypo ako matapos maisarado ng mga ito ang pintuan ng kanilang bahay, walang umimik sa aming lahat kaya dinig na dinig namin ang nagtatakbuhang mga aswang sa paligid makalipas ang kinse minuto
Mga pagaspas ng pakpak na paikot ikot sa bawat bahay na naroroon kahit sa bahay na aming tinuluyan
"Mga dayo kayo?," tanong ng buntis sa amin
"Oo," sagot ni Kate, na nakatingin sa akin
"Taga saan ba kayo mga ineng at sino ang nagyaya sa inyong maki piyesta sa baryong iyon?," tanong ng matandang lalake sa amin
" Taga Lungsod ng Masapa po kami," sagot ulet ni Kate sa kanila, nakayuko lang ako habang nakikinig at ganoon din ang tatlo," Dating kaklase ko po ang nakatira doon at niyaya po kaming maki piyesta sa kanilang baryo, nandoon din po kasi ang kapitan del baryo namin,"
"Eh nasaan na ang kapitan niyo?," tanong ng asawa ng matanda, tinitignan ko lang sila habang palipat lipat ang tingin ko sa pintuan at bintana nila kung saan may umiikot na aso sa labas
"Naiwan po doon, uuwi din daw po siya bukas," sagot ko nalang sa kanila
"Naku, himalang makauwi iyon ng buhay," sabi ng matanda sa akin," Kung makauwi man iyon malamang kalahi na siya ng mga aswang o kaya pag nakauwi man siya malamang hindi na siya yun," paliwanag niya sa amin
"Paano po?,"takang tanong ko
"Kung makauwi siyang buhay, kasali na siya sa angkan ng mga aswang, pinakain na siya ng sariwang atay ng tao at inorasyunan para maging ganap na aswang na kinagabihan,"
"Eh yung isang dahilan pa ho?," tanong ko ulet
"Ah yung makauwi naman siya pero parang nagbago na siya. Malamang kinain na siya ng mga iyon at pinalitan ng isang bagay na magiging kapalit niya. Ilang araw na mabubuhay, magkakasakit, tulala at higit sa lahat ay biglang mamamatay, pag nangyari yon buksan niyo ang kabaong at sabuyan asin at banal na tubig ang bangkay, makikita niyo ang katotohanan," bilin at mahabang paliwanag niya sa amin
BINABASA MO ANG
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )
HorrorAswang, mga nilalang na katulad nila ay mga kampon ng kadiliman Kinatatakutan pagsapit ng dilim Ang lakas nila ay mula sa demonyo kaya nakapaghahasik sila ng lagim pagsapit ng gabi Date Started: March 15, 2020 Date Finished: June 09, 2020 ©All Right...