**********"Kailangan mo ng makalayo," babala ng Kapitan sa babaing manganganak ng biyernes santo," Nanganganib ang anak mo pati narin ikaw,"
"Ayoko, Kapitan," umiiling na umiiyak ito sa harapan niya kasama ang tatlo pang buntis at ang pamilya ng Kapitan," Hihintayin ko ang ama ng anak ko, nangako siya na babalikan niya kami,"
"Alam ko," sang ayon nito sa kanya," Pero siyam na buwan na siyang nawawala, walang makapagsabi kung nasaan siya o kung buhay pa ba siya o patay na,"
"Hindi, buhay pa ang asawa ko," umiyak na ito ng tukuyan at naupo doon sa mahabang upuang kawayan," Babalikan niya kami,"
"Sihe sige," ani ni Kapitan sabay bugtong hininga," Pansamantala sa Maynila ka muna, doon sa kapatid ko, pag kaya mo ng makabiyahe bumalik kayong mag ina dito,"
"Salamat po, Kapitan," napangiti niyang saad sa mabait na Kapitan nila
Inayos na ng babae ang kanyangmga gamit na dadalhin, ang perang iniwan ng kanyang asawa para pambili ng kanilang pag kain sa araw araw ay tinago niya at itinabi kasama ng perang binigay ni Kapitan sa kanyang pagluwas
Aalis siya kinabukasan ng umaga pagputok ng haring araw para hindi siya makita at masundan ng mga aswang na nasa paligid lang nakabantay sa kanilang mga kilos
Ihahatid siya ng Kapitan doon para maipakilala sa kapatid nitong tutuluyan niya pansamantala ng isang buwan o dalawa
**********
"Magandang araw po sa inyo," bati ng isang lalake na pumunta sa bahay ng Amang Lobo
"Rex?," gulat na tanong ng may bahay ng Amang Lobo," Akala namin ay patay kana,"
"Muntikan na po," nakangiti niyang sagot sa ginang bago pumasok sa loob ng bahay," Asan po si Ama?," tanong niya sabay hanap sa pinuno nila
"May sakit siya," umiiling na sabi ng maybahay nito sa kanya," Halos magda dalawang linggo na siyang ganyan,"
"Ho? Paano at bakit nagkaganoon?," takang tanong niya sa kaharap
Ikinuwento naman ng may bahay ng kanilang tinuturing na ama at pinuno ang nangyari mula sa umpisa hanggang sa pagpapainom ng dugo ng babaing birhen sa kanilang pinuno
Napailing nalang na nalungkot si Rex dahil sa nalaman niya, kung nandoon lang sana siya ay nabantayan din niya ito at ang kanyang mag ina, buntis ang asawa niya at ilang araw na lang ay manganganak na iyo at sa araw pa kung saan patay ang Diyos at malakas ang kapangyarihan ng mga kampon ng kadilaman na maghasik ng lagim at takot sa buong baryo
"Nasaan pala ang asawa mong buntis?," tanong sa kanya, habang inaabutan siya ng inumin
"Salamat," ani niya ng maabot ang baso," Hindi ko na po naabutan sa bahay namin,"
"Ano? Mangnganak na siya ngayong linggo diba? Kailangan mo siyang madala dito para maprotektahan laban sa mga aswang," takot nitong sabi sa kanya
"Opo, ngayong biyernes santo siya manganganak," napayuko na lang siya bago napaiyak," Akala siguro niya di ko na sila babalikan, halos siyam na buwan akong nawala,"
"Ipaliwanag mo sa kanya," payo nito sa kanya," Maiintindiham ka niya kung talagang mahal ka niya, alam ba niya ang totoong pagkatao mo?,"
"Opo, matagal ko ng ipinagtapat sa kanya, sa harap nina Kapitan," tugon niya dito
"Ipagtanong mo siya kay Kapitan," mungkahi nito sa kanya na agad niyang sinang ayunan
Agad siyang uamlis habang mataas pa ang araw, dumiretso muna siya sa kubo nila para ayusin ang mga kalat at dumi na halatang isang linggo ng walang nakatira doon, wala din ang ilang damit ng kanyangbasawa at kahit ang kahon ng pera na nilalagay nila sa kanilang pinagtataguan at wala din pati ang gamit ng kanilang magiging anak
BINABASA MO ANG
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 )
HorrorAswang, mga nilalang na katulad nila ay mga kampon ng kadiliman Kinatatakutan pagsapit ng dilim Ang lakas nila ay mula sa demonyo kaya nakapaghahasik sila ng lagim pagsapit ng gabi Date Started: March 15, 2020 Date Finished: June 09, 2020 ©All Right...